PROLOGUE

19 1 0
                                    

_______________________________________

The cursed gorgon
_______________________________________

"Paki-usap! Tulungan mo ang mga anak ko!" paki-usap ng isang buntis na ina para sa mga anak niyang nag-aagaw sa ospital.

"Pagbibigyan ko ang iyon nais ngunit sa isang kondisyon!" malamig na sabi ng babaeng ahas na nasa harapan niya.

"Ano yun? Sabihin mo?! Gagawin ko ang lahat na gusto mo, basta't buhayin mo ang mga anak ko!" umiiyak nitong paki-usap

"Ibibigay mo sa akin ang sanggol na iyong pinagbubuntis pagkatapos mong manganak." tila gumuho ang mundo ng Ina nang marinig niya ang kondisyon ng babaeng ahas ngunit napag-isipan nitong limang buwan pa lamang ang pagbubuntis niya.

Kaya naisipan nitong paglatapos siya nitong tulungan ay tatakas o aalis na sila ng bayan.

"Pumapayag ako sa iyong nais kung ito lamang ang tanging paraan upang mabuhay ang dalawa kong anak!" pagpapayag nito

Ngunit sa kabilang banda ay batid ng babaeng ahas ang kaniyang iniisip sapagkat batid niyang hindi kaya ng mga tao na ipagkaloob ang sariling anak upang makuha ang nais nila.

Sinugatan ng babaeng ahas ang kaniyang sarili dahilan upang lumabas ang dugo nito mula sa kaniyang sugat.

"Inumin mo ang aking dugo bilang simbolo ng ating kasunduan!" utos nito kaya dali-daling ininom ng babae ang dugo ng babaeng ahas.

Naging buntot ang mga paa, naging ahas ang buhok, at matalim ang kuko at ramdam ng babae na may nagyayaring kakaiba sa loob ng kaniyang sinapupunan.

"Anong ginawa mo sa anak ko?! AAAAHHHH!" sigaw niya na tanong ng babae at bigla itong namilipit sa sakit.

Bagama't umuulan at nasa kalaliman sila ng gubat ay tiyak na walang tutulong sa kaniya.

"HINDI MO NA SIYA, ANAK." sabi ng babaeng ahas

"ANONG IBIG MONG SABIHIN?!" tanong ng babae habang nakahawak ito sa kaniyang tiyan.

"Batid mo kung paano kami maningil sa mga taong humihingi sa amin ng tulong. Kung ano man ang kaniyang ihingi ay mas malaki pa ang aming sisingilin." mas lalong sumakit ang tiyan ng babae pagkatapos nitong bigkasin ang mga salitang iyon.

Naramdaman ng babae na parang may tubig na tumutulo sa kaniyang hita kaya napatingin siya roon.

"At ngayon ko kukunin ang iyong bayad." batid ng babaeng buntis na ang may pakana sa mga nagyayaring ito ay ang babaeng ahas kaya kailangan niyang isilang ang kaniyang anak kahit wala pang siyam na buwan.

"AAAAAAAHHHHH!"

AmazonaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang