Ika-apat Na Kabanta

3 0 0
                                    

_______________________________________

The cursed gorgon

______________________________________

Habang ako ay naglalakad habang bitbit ang mga natirang gamit mula sa sunog.

Nakita ko si Copper na papasok sa malapalasyong laki na bahay na iyon kaya napagdesisyonan kong sundan siya dahil gusto ko siyang patayin sa ginawa niya sa pamilya ko.

Nagtago ako sa gilid ng pader at nakita ko siyang pumasok kaya agad akong naghanap ng paraan para makapasok.

Habang naghahanap ng paraan upang makapasok napansin ko na parang madaming damo o halaman na nakakabit sa pader kaya hinawi ko iyon.

Nakita ko na may butas sa ibaba ng pader. Lagi kasi akong pumapasok sa bahay ng mga mayayaman para lang magnakaw ng cornbeef kapag wala ay sinusulat ko sila na

'Sa susunod bumili kayo ng cornbeef para may manakaw naman ako! Ang hirap kayang umakyat ng pader niyo tapos wala akong makuha!'

Nang makapasok ako sa pader nila ay nasaksihan ko na kinagat ni copper sa leeg ang isa sa mga katulong nila at kasama may mga kasama siya na tiyak na yun ang mga kapatid niya.

Gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng katawan ko dahil sa sobrang .

Animal! Gumalaw ka!

Tumigil sila sa pagsipsip ng dugo mula sa babae at napatingin sa akin doon lamang ako nakagalaw kaya agad akong bumalik sa butas at agad na tumakbo.

Napatigil ako sa pagtakbo nang muntik na akong mahulog sa bangin kaya napalingon ako sa kanila.

"Ang bilis mong tumakbo!" reklamo ni boy pula.

"Malamang magnanakaw ako kaya mabilis akong tumakbo." proud kong sabi

"You're too beautiful but sadly your going to die." malanding sabi boy puti

"Okay lang atleast mamamatay akong maganda." sabi ko with flip hair napatulala sila nang mapagtantong hindi ako takot.

"Babu!" paalam ko at tumalon ako sa bangin alam ko kasi na dagat ang sasalo sa akin kaya alam tumalon kaagad ako.

Di naman ako takot sa height dahil tumatalon kami ng mga barkada ko sa tulay na may maduming ilog ang babagsakan namin.

Kaya ang ending pag-uwi namin ay mabaho kami minsan pa nga sumisisid pa kami ng mga barya o kaya naman mga gamit na aksidenteng nahulog ng mga tao.

Napatingala ako sa buwan dahil yun lamang nagsisilbing liwanag na makikita ko.

Napakaganda talaga ng buwan, ito ang nagpapagalaw sa dagat upang makahinga ang mga isda.

Uminom ako ng tubig para mas mabilis akong mamamatay dahan-dahang dumilim ang pangin ko.

"Anong ginawa mo sa anak ko?! AAAAHHHH!" sigaw niya na tanong ng babae at bigla itong namilipit sa sakit.

Minulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng isang babae nandito parin ako sa ilalim ng tubig pero may nakita akong isang babae na na namimilipit sa sakit habang hawak nito ang tiyan niya.

Para siyang repleksiyon ng tubig at medyo umiilaw siya handa na sana akong tulungan siya pero muli kong napagtanto na nasa ilalim pala ako ng tubig kaya nagtaka ako sa mga nangyayari.

"HINDI MO NA SIYA, ANAK." sabi ng  babae na nasa likuran ko kaya napalingon ako sa babae at nakita ko ang babaeng na gorgon.

Kaya napatakip ako ng bibig ng makita siya dahil sa takot ko nakita kong lumapit siya sa babae pero nagulat ako ng lukusot lang siya sa akin na parang isa lang akong hangin.

"ANONG IBIG MONG SABIHIN?!" tanong ng babae habang nakahawak ito sa kaniyang tiyan.

"Batid mo kung paano kami maningil sa mga taong humihingi sa amin ng tulong. Kung ano man ang kaniyang ihingi ay mas malaki pa ang aming sisingilin." mas lalong sumakit ang tiyan ng babae pagkatapos nitong bigkasin ang mga salitang iyon.

Naramdaman ng babae na parang may tubig na tumutulo sa kaniyang hita kaya napatingin siya roon.

"At ngayon ko kukunin ang iyong bayad." batid ng babaeng buntis na ang may pakana sa mga nagyayaring ito ay ang babaeng ahas kaya kailangan niyang isilang ang kaniyang anak kahit wala pang siyam na buwan.

"AAAAAAAHHHHH!"

"TAMA NA!" tutulungan ko sana ang babae pero naging liwanag na abo sila kaya bigla silang nawala sa paningin ko.

Naramdaman kong mauubusan ng hininga kaya agad akong lumangoy paitaas nasa ilalim ako kaya medyo natagalan pa ako bago makapunta sa itaas.

Nang maabot ko ang itaas ay para akong batang hindi pa nakahinga sa buong buhay ko.

Wala pang tatlong sigundo ay biglang may bumunggo sa akin dahilan para bumungo ang ulobko sa pader at bumalik ulit ako sa ilalim ng tubig pero bago yun ay hinila niya na ako para hindi malunod.

"What the fuck are you doing here?!" sigaw nito sa akin bigla niyang hinigpitan yung hawak niya sa braso ko.

Napalingon ako sa taong sinigawan ko pero napatulala ako nang makita ang itsura niya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang ganiyang itsura pero ang pinagkaiba lang ay malaking tao ang nasa harap ko.

"Fuck you!" sigaw ko pabalik agad ko siyang sinuntok ko siya sa ilong dahil sa inis at galit ko.

"OOOHHHHH!" dinig kong sigaw ng paligid kaya napatingin ako sa kanila.

Laking gulat ko na sobrang daming tao na parang libo-libo ang dami nila at nakasulat pa sa itaas na-----OLYMPIC?

Ano yun?

Narinig kong may pumito kaya nahimasmasan ako nakita kong hinahabol ako ng mga lumalangoy na kalalakihan na hubad ang kalahating katawan kaya agad akong lumangoy palayo.

Sa sobrang bilis kong lumangoy ay sobrang layo ko na sa kanila. Narinig kong muli ang sigawan ng mga tao na parang ngayon lang silang ginanahan na manood ng laro.

"The girl was fast swimmer than our swimmers from different countries!" LETSE! ANG SAKIT SA TENGA ANG BOSES NA YUN!

Binalewala ko na lang yung sigaw niya at agad akong umakyat para makatakas mula sa kanila.

Tumakbo ako sa may butas at nagbabakasakaling nandoon ang daan palabas kung saan-saan na ako dumaan nakita ko pang hinahabol ako ng mga lalaking nakaitim.

Nakita ko na may maitim na lalaki sa malayo na sasalubungin ako para madakip aoo pero agad akong nagslide sa sahig alam niyang mabubunggo ko siya kaya agad niyang binukaka yung paa niya kaya lumusot ako.

Hihilaain niya sana ako kaso sinapak ko ang itlog kaya namilipit siya agad akong tumayo at tumakbo.

Narinig ko pang nagkabungguan sila dahil sa lalaking sinapak ko sa itlog. May nakita akong pintuan kaya agad ko iyon tinulak pero ayaw talagang bumukas.

"OPEN SASAME!" sinuntok ko yung pintuan pero nagulat ako nang lumipad yung pintuan palabas dahil alam kong matibay iyon at hindi gawa sa bamboo o kahoy.

AmazonaWhere stories live. Discover now