Ikalawang Kabanata

11 0 0
                                    

_______________________________________

Bardagulan part 2

_______________________________________

Lia's pov.

"Eh ano naman ngayon?! Sabi nga nila tuli doesn't define who you are!" sigaw niya

"Anong nila?! Ikaw lang naman gumawa niyan para di ka mapahiya eh!" pang-aasar ko sa kaniya

"SUMUSOBRA KA NA!" sigaw niya sinabunatan niya ako kaya sinabunutan ko din siya.

Nadulas siya kaya napahiga siya sa putik agad kong ningungud yung mukha niya sa putik.

"AYAN KAININ MO!" sigaw ko sa kaniya

Parang gulong tinulak niya ako sa putikan kaya nagkapalit kami ng posisyon.

"Edgar, tama na yan!" awat ng kaibigan niya nang makarecover sa gulat ng away namin.

Nasa bahay na kasi si Inay ngayon para ihanda yung pagkaing niluto niya.

Nakita kong inawat ni Copper si Kuya sa pamamagitan ng pagyakap nito sa bewang ni Kuya.

"KANINA KA PA!"

"MAS LALO KA NA!"

"AAAAAAHHH!"

"AAAAAAHHH!"

"HOY! TUMIGIL KAYONG DALAWA!" sigaw ni Inay kaya sa takot ay napatigil kaming dalawa pero nakawak parin sa buhok ng isa't-isa.

"BUMITAW KAYO." utos ni Inay pero di parin namin sinunod "SINABI NANG BUMITAW KAYO!"






































"Sino ang nagpasimuno?" maotoridad na tanong ni Inay kasalukuyan ay kaming nakaupo sa sofa sa loob ng bahay.

Pumagitna sa amin si Copper dahil alam niyang mag-aaway kami ni Kuya kapag magkatabi kami.

"SIYA PO!"

"SIYA PO!"

sabay naming sagot ni Kuya sabay turo sa isa't-isa.

"ANONG AKO?!"

"ANONG AKO?!"

"WAG KANG GAYA-GAYA!"

"WAG KANG GAYA-GAYA!"

"DI TALAGA KAYO TITIGIL?!" banta ni Inay sa amin kaya napatahimik na lang kaming dalawa kahit ounong-puno kami ng sama ng loob sa isa't-isa.

"Tutal di ko kayo makausap dalawa ikaw na lang sasagot sa tanong ko sino ang nagpasimuno?" tanong niya kay Copper

"P-pareho po." sagot niya ramdam ko yung takot niya kahit araw-araw kaming nagbabardagulan ni Kuya ay natatakot kami kay Mama.

"ANO?!" medyo napatalon kaming tatlo ni Kuya sa upuan nang sumigaw si Inay.

"E-eh kasi po si Lia po a-ang una-ng nang asar t-tapos si Ed-gar po yung unang nanabunot n-ng buhok." nauutal nitong paliwanag

"Mag-sorry kayong dalawa." utos ni Inay

"AYOKO!" inis kong sigaw

"MAGSORRY KA!" mautoridad niyang utos

"Sorry."

"Sorry."

Sabay naming sabi with matching of sama ng loob para sa isa't-isa.

AmazonaWhere stories live. Discover now