Ika-limang Kabanta

5 0 0
                                    

_______________________________________

The cursed gorgon
_______________________________________


Lia's pov.

Nang makalabas ako ay napansin ko ang porma ng bukid. Doon kami naninirahan ni Inay pero umalis ako nun dahil wala na akong babalikan doon.

Teka?! May bundok?!

Ang huling naaalala ko bago ako tumalon ay nakita ko ang bundok at ibig sabihin ay dito ako namatay?!

Pero dapat bangin pa dito at puno ng tubig dagat ang nasa baba ng bangin! Ano't nag-iba ang anyo ng lugar na ito.

"HOY! BUMALIK KA DITO!" sigaw nung lalaki sa likuran ko kaya tumakbo ako sa kung saan ako man ako makarating.

Medyo madilim na ang langit pero delikado ay tumakbo parin ako sa gubat.

Pero nadapa ako dahil sa sanga na nakaharang sa sobrang bilis kong tumakbo ay hindi ko namalayan lalo pa't medyo madilim.

"Sexy ng batang toh ah!"

"Nasa gitna tayo ng gubat kaya kahit sumigaw ka ay walang tutulong sa'yo."

"Kaya kung ako sa'yo hayaan mo na lang kami sa gusto namin hehe." hinawakan nung dalawa yung dalawang kamay habang ang dalawa naman ay ang dalawang paa ko.

"BITAWAN NIYO AKO!" sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

"SINABI NANG BITAWAN NIYO AKO!" sigaw ko naramdaman kong uminit ang aking balat, parang umiiba ang paa ko at buhok.

"Paki-usap! Tulungan mo ang mga anak ko!"

"Pagbibigyan ko ang iyon nais ngunit sa isang kondisyon!"

"Ano yun? Sabihin mo?! Gagawin ko ang lahat na gusto mo, basta't buhayin mo ang mga anak ko!"

"Ibibigay mo sa akin ang sanggol na iyong pinagbubuntis pagkatapos mong manganak."


"Pumapayag ako sa iyong nais kung ito lamang ang tanging paraan upang mabuhay ang dalawa kong anak!"


"Inumin mo ang aking dugo bilang simbolo ng ating kasunduan!"

"Anong ginawa mo sa anak ko?! AAAAHHHH!"

"HINDI MO NA SIYA, ANAK."

"ANONG IBIG MONG SABIHIN?!"

"Batid mo kung paano kami maningil sa mga taong humihingi sa amin ng tulong. Kung ano man ang kaniyang ihingi ay mas malaki pa ang aming sisingilin."


"At ngayon ko kukunin ang iyong bayad."

"AAAAAAAHHHHH!"

Binitawan nila ako sa nasaksihan nila agad kong ginamit ang aking bunot para mahuli yung isang lalaki na akmang tatakas pero nahuli siya ng buntot ko.

Kumuha ng baril ang kaniyang mga kasama pero tinapon ko sa kanila ang hawak kong kasama nila.

"Pare-pareho lang kayong mga lalake!" sigaw ko sa kanila

Ang mawala ang mga salot sa lipunan ang mga kalalakihan na walang ibang ginawa kundi ang maghasik ng lagim sa mga kababaihan.

AmazonaWhere stories live. Discover now