Ika-anim Na Kabanata

5 0 0
                                    

_______________________________________

Grown up

_______________________________________

Lia's pov.

Habang ako ay naglalakad hindi ko maiwasan na mamangha sa paligid ngunit mas nangingibabaw ang takot at pagtataka dalawang beses na ako nakapunta at matagal na yun dahil 12 years old pa lang ako nun.

Pakiramdam ko parang tumangkad ako kasi dati halos hanggang balikat lang ako ng mga taong mas nakakatanda sa akin.

Nawawala na ako dahil hindi ko na alam kung saan ako paroroon. Ngayon lamang ako nakatung-tong dito sa siyudad.

May nakita akong salamin na mukhang binebenta ng store na iyon ang salamin kaya nagulat ako nang makita ko ang sarili ko.

Mukhang 14 years old na ang edad ng itsura ko pero bakit ganun?

"Magandang umaga po. Magtatanong po ako kung anong petsa po ngayon?" tanong ko sa isang estudyante na may magandang uniporme

"January 1, 2019." sagot niya na parang bored tsaka umalis.

Luh?! Attitude ang animal!

2019... Namatay ako noong 2013 and that explains why dalaga na ang itsura ko ngayon.

Ayokong magpanic kase walang magagawa yun ang turo ni Inay sa akin ay dapat kumalma ako at mag-isip ng solution dahil walang magandang idudulot ang panic sa mga problema.

"Cosplayer po ba kayo dito?" tanong isang babae na nakacosplay tinignan ko muli ang sarili ko.

Napatingin ako sa sarili ako mukha nga akong nakacostume lalo pa't naliligo ako sa dugo ng mga taong kinain ko kanina.

"A-ah----O-oo! Costume toh!"

"Ah ganun ba? Ano gamit mo sa dugo-dugo mo sa damit? Parang kasing totoong natuyo yung dugo sa damit mo." namamangha niyang sabi

"Dugo naman kasi talaga toh ng tao." bulong ko

"Ha?" tanong niya

"Wala. Saan po ba yung cosplayer's event dito?" tanong ko

"Nasa loob tara! Sabay tayong magregister." sabi niya sabay kaming pumasok sa loob.

"Magkano po yung prize na papanalunan?" tanong ko

"10,000 pesos for 3rd place, 20,000 pesos for 2nd place, 30,000 pesos for 1st place, & 100,000 pesos for champion. Bibigyang din ng 5,000 pesos ang mga di nanalo dahil pinaghirapan namin yung costume kaya kahit manalo o matalo man ay worth it parin yung sali namin dito sobrang mayaman kase ang nagsponsor nito sa tingin ko ikaw ang mananalo." puri niya na ikinataka ko.

Puting white dress na sobrang fit sa akin with matching na dugo lang ang suot ko at sobrang napakaplain ng suot ko.

"Bakit naman? Ako nga tong mukhang dumating dito na walang effort eh." sabi ko

"Ano walang effort ang galing kaya ng art ng makeup na ginawa mo sa itsura mo." sabi niya

Napahawak pa ako sa bulsa ko nang maramdaman ko na may nagvibrate kaya agad ko iyon kinuha.

Nokia toh!

Kaya kahit anong mangyari o kahit mamatay na ang lahat buhay parin yung nokia.

Mas matibay pa ata toh sa ginto!

Mukhang naubusan ako ng load kaya magpapaload ako mamaya.

"ALAM KO NA!" biglang sigaw niya kaya nabitawan ko ang selpon ko walang emotion akong yumuko. "S-sorry nabigla ata kita." paumanhin niya

"H-hindi! Ayos lang! Mas matibay pa tah sa ginto noh! Ilang taon ko na kayang kasama toh!" sabi ko

"Kelan?"

"Since birth kay Inay kasi tong cellphone na toh noong unang sweldo niya at pinamana lang sa akin." sabi ko

"Wow! Mukhang aabot pa yan hanggang sa ikalimang henerasyon mo ah!" natatawa niyang sambit

"Mukha nga hahaha!" tawa ko din

"Ano pala pangalan mo? Nang masulat ko dito sa papel." tanong nito

"Li-----." di ko pala pwedeng sabihin sa kaniya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa paligid at nakita ko yung cosplay ni Orihime sa bleach.

"Orihime Inoue." sabi ko

"Oh! Kasing pangalan mo yung jowa ni Ichigo ah!"

"Inoue kasi yung last name namin at adik si Inay sa anime dati kaya ako ang napagtripan." sabi ko

"Nasaan pala ang Inay mo?"

"Matagal na siyang patay dahil sa animal kong kapatid." galit kong sabi pero mahinahon ramdam niya ata na wala ako sa mood na pag-usapan abg mga bagay na yun.

"A-ah! Ipapakilala na lang kita sa mga tropa ko!" sabi niya at hinila ako papunta sa mga cosplayers ng bleach.

"Guys! Si Orihime Inoue pala!" pagpapakilala nito sa akin lumapit sa akin matangkad na lalaki na maputla ang balat na parang patay na.

Bampira!

Naaamoy kong isang siyang bampira

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AmazonaWhere stories live. Discover now