Unang Kabanata

8 0 0
                                    

_______________________________________

BARDAGULAN
_______________________________________

Lia's pov.

"Hanapin mo na ang kuya mo. Sabihin mong kakain na tayo dahil malapit nakong matapos magluto." utos niya

"Opo." pagsunod ko sa utos niya lumabas na ako sa maliit naming bahay pero sementado yun kaya hindi madaling masira.

Alam ko naman kung saan hahanapin si Kuya kase lagi yun nagpapaalam na pupunta sa ilog.

Palakaibigan kase yun kaya marami siya kabarkada.

Maya't-maya pa ay nakita ko si Kuya na may kasamang isang batang lalaki na kasing edad niya labing-dalawang taong gulang din kaya lumapit na ako kay Kuya nang hindi niya namalayan kase nakatalikod siya.

"HOY! TAWAG KA NI MAMA!" sigaw ko sa tenga niya kaya napatalon at napahawak siya sa tenga niya dahil sa gulat.

"BA'T KA NANINIGAW?!" inis niyang sigaw

"TRIP KO LANG! PAKE MO BA?!" sigaw ko sa kaniya

"TENGA KO ANG SINIGAWAN MO MALAMANG MAY PAKE AKO!" inis niyang sigaw

"SINO BANG HINDI MAGAGALIT SA'YO?! ANG AGA-AGA! NAGLALAKWATSA KA!" inis kong sigaw sa kaniya nakakapagod naman kasing pumunta sa ilog lalo pa't mabato at malayo pa.

Nasa gitna kase ng gubat ang ilog kaya malamang di ka uuwi na walang sakit sa katawan.

Sa sobrang inis ko ay sinabunutan ko siya at kasabay nun ay sinabunutan din niya ako.

"ARAY! BITAWAN MO KO!"

"IKAW ANG PANGANAY KAYA IKAW ANG UNANG BUMITAW!"

"SABING BITAWAN MO KO EH!"

"IKAW MUNA!"

"ARAY!"

"ARAY! BITAWAN MO KO, KUYA!"

"IKAW ANG BUMITAW!"

"IKAW MUNA!"

"IKAW ANG BUMITAW!"

"IKAW DAPAT ANG BUMITAW!"

"T-tama na yan." awat ng kaibigan niya kaya sinipa ko si Kuya sa tiyan dahilan upang madapa siya sa may batohan at tinignan ko ng masama yung kaibigan niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napag tanto kong isa siyang aristokrata.

"Anong ginagawa ng isang mayaman dito?" tinignan ko si Kuya na nakabangon na pala mula sa batuhan.

"H-hi! Ako pala si Copper." pagpapakilala niya

"Nakikipagkaibigan ka sa isang toh?" nakataas kilay kong tanong kay Kuya

"EH ANO NAMAN NGAYON?!" sigaw ni kuya kinuha ko yung tsinelas ko mula sa paa ko at tsaka tinapon kay Kuya kaya sapol iyon sa pagmumukha niya.

"ANAK MAYAMAN YAN! MALAKING GULO TOH KAPAG NALAMAN NG MGA MAGULANG NIYAN NA NAKIKIPAGKAIBIGAN KA DIYAN!" inis kong sigaw sa kaniya

"H-hindi naman nila malalaman." nakayukong sabi ni Copper

"PAANO KAPAG NALAMAN NILA?" naiinis kong tanong bigla kong binatukan ni kuya kaya sinuntok ko siya sa pisngi dahilan upang muli itong madapa.

"A-ko ang bahala. Please! First time kong magkaroon ng kalaro at kaibigan kaya sana hayaan mo akong makipagkaibigan sa kuya mo." pakigusap niya tumingin siya sa akin at nakita ko ang kulay blue niyang mga mata.

Nakonsensiya naman ako dahil mukha siyang puppy na nagmamakaawa sa amo para pagbigyan sa nais niya.

"Geh! Payag ako! Basta kasama ako!" sabi ko kaya agad siyang ngumiti sa akin

"Talaga?"

"OO NGA! BINGI KA BA?!" inis kong tanong

"Salamat!" nakangiti nitong pasalamat

"MGA ANAK!" tawag ni Inay kaya napalingon kami sa kaniya na palpit na siya sa amin.

"Nag-away nanaman kayo noh?" nangmakita na may mga pasa si kuya na hanggang ngayon ay nasa batuhan pa din.

"Siya ang nauna!" sabi namin ni kuya sabay turo sa isa't-isa nabuntong hininga na lang si Inay pero agad niyang napansin yung aso-----si Copper.

"Kaibigan niyo?" nakangiting tanong ni Inay

"Di ko kaibigan yan, Inay. Hindi ko kakaibiganin ang mga kaibigan ni Kuya." sagot ko tumunog ang tiyan ni Copper kaya napatingin kami sa tiyan niya.

Ang yaman-yaman pero di kumain -_-

"Iho, sumama ka saming mag-almusal." nakangiting imbita ni Inay

"Talaga po?" gulat na tanong niya kay Inay

"Oo naman! Kaibigan ko ng mga anak ko kaya pamilya na din turi ko sa'yo." sabi ni Inay

"Salamat po!" pagpapasalamat niya tinignan ko ng masama si Copper kaya napayuko siya kaya binatukan ako ni Inay.

"ARAY!" daing ko habang nakahawak sa batok ko

"DESERVE! HAHAHA!" tawa ni Kuya

"Ikaw na bata ka! Ang hilig mong makipag-away!" sermon ni Inay kaya napayuko na lang ako dahil wala akong laban dahil mas matanda siya at nanay ko siya.

"TATANDAAN KO ANG ARAW NA TOH." bulong ko na batid kong maririnig nilang dalawa kinuha ko yung tsinelas ko sa batuhan.

"Tandaan mo lang wag ka lang gumanti." pang-aasar pa ni Kuya kaya tinapon ko ulit sa kaniya yung tsinelas ko kaya sapul ulit iyon sa pagmumukha niya.

Napailing na lang si Inay dahil alam niyang di kami titigil sa pag-aaway naming dalawa dahil halos araw-araw kaming nagbabangayan, kinuha kong muli ang tsinelas ko at sinuot iyon.

"Masakit ba?" pang-aasar ko ng makita ko ang bakat ng tsinelas ko sa pagmumukha niya dahil may dumi at namumula ang pagmumukha niya.

"Ay hindi!" sarkastik nitong sabi tinawanan ko na lng siya bilang tawang tagumpay.

"Gusto mo bang dagdagan ko pa?" pang-aasar ko pa sa kaniya

"Nay, si Lia oh!" sumbong niya

"Tumahimik kayong dalawa! Ang dulas ng daanan tapos may panahon pa kayo mag-away?!" sermon nito sa amin kaya nanahimik na lamang kaming dalawa habang pinapatay namin ang isa't-isa sa isip namin.

"Copper, kaya mo pa ba?" tanong ni Kuya sa kaibigan napatingin naman ako sa kaibigan niya.

Mukha namang hindi siya pagod at iyon ang nakakagulat kase rare mo na lang makikita ang mga mayayaman na hindi mabilis mapagod.

"Ayos lang ako, Edgar. Bilisan na natin baka gawin pa tayong letson ng kapatid mo." bulong nito kay Kuya pero narinig ko parin iyon.

"Pfft! Takot ka sa kapatid ko? Hu'wag kang matakot dun! Ang liit-liit nun!" natatawang sabi ni kuya

"Sino bang hindi? Kapag nagagalit siya parang kakainin niya ako ng buhay." narinig kong napakamot ito sa batok niya kaya nilingon konsilang dalawa at binigyan ng masamang tingin.

"Kung magbulong-bulongan kayo siguraduhin niyong hindi ko kayo maririnig." sabi ko binilisan kong maglakad sa sobrang inis ko sa kanila dalawa.

"Pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko pinaglihi kasi yun ng sama ng loob." pagpapaumanhin ni Kuya

"Okay lang! Atleast ako may menstruation na eh yung iba diyan?! Hanggang ngayon di parin TULI!" pagmamayabang ko

AmazonaWhere stories live. Discover now