4 | Eyes on You

591 16 1
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

KASALUKUYAN silang nasa office ni Danica at hinihinatay na lamang na matapos magligpit sa baba upang magsara. It's been a long day for them, sa rami ng customers ay halos maubos ang lahat ng mga displays at abutin sila ng alas-otso bago maglagay ng close sign.

With her hands crossed on her chest, nagpakawala si Samantha ng isang mabigat na paghinga at isinandal ang sarili sa kinauupuan. Tinapunan niya ng tingin si Dominic na nasa may pintuan. He's leaning against the door while his hands are in his pockets. His dark and penetrating eyes ay mainam na nakatuon sa kanya at tila nanunuot sa kalamnan niya ang titig nito.

Tila biglang nanikip ang dibdib ni Samantha. Ang kaninang comfortness sa pagkakaupo na kanina niya pa hinahanap ay muli na namang nabuwag. Muling nanuot sa kanya ang consciousness sa hindi malamang dahilan. Bakit nga ba siya naco-conscious sa sarili niya? Dahil ba alam niyang nakatingin si Dominic ay para siyang pusang hindi mapalagay?

Umahon ang inis niya sa sarili. Never in her whole life na may lalaking nagparamdam sa kanya ng ganoon. At naiinis siya sarili niya dahil naaapektuhan siya sa ginagawa ni Dominic. 'Parang wala namang ginagawa sa iyo iyung tao. Ikaw lang itong masyadong apektado sa presensya n'ya,' ika ng kanyang isipan.

Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga at iniiwas ang tingin sa lalaki. Sa palagay niya sa tingin pa lamang ni Dominic ay kaya na siya nitong lamunin nang buo.

"Now that you two know each other, hindi ko na kailangan pang pormal na ipakilala kayo sa isa't isa," nakangiting wika ni Danica sa kanilang dalawa. "I hope you guys will bond so well at natitiyak ko naman iyon."

Rumolyo na lamang ang mata ni Samantha sa sinabi nito. '"Bond-well" my ass! Kulang na nga lang ay patayin ako ng kapatid mo sa sindak sa titig n'ya.' Kung maaari lang isatinig iyon ay baka ipinagkalandakan niya pa.

"Hindi mo sa akin nabanggit na may kaibigan ka pa lang 'Samantha', Danica," ani ng baritonong tinig.

Kunot ang noong napalingon si Samantha kay Dominic. Seryoso ang mukha nito ngunit mababasa sa mga mata nito ang pang-uuyam sa kanya.

"Oh, right... hindi ko pa s'ya nababanggit sa iyo noon since Sam is a new friend."

"A new friend?" muli siyang tinapunan ni Dominic ng tingin. Bahagyang naningkit ang mata nito at tumango-tango. "I see..."

Tiningnan ni Danica ang oras, quarter to nine ang isinasaad niyon. "Bababa muna ako para magsara."

Biglang nakaramdam si Samantha ng pagkabahala. Kung aalis si Danica ay maiiwan sila ni Dominic sa opisina at hindi niya kakayaning makasama ang tigreng iyon!

"I-I'll go with you." Nangungusap ang mga matang tiningnan niya si Danica, tila nagmamakaawang tuta na isama sa lakad ng amo.

Bahagyang natawa ang dalaga. "Saglit lang ako, Sam. Dito muna kayo ni kuya." At diretsong lumabas ito ng opisina.

Nang makaalis si Danica ay naghari ang nakabibinging katahimikan sa paligid. Animo ang hangin na ibinubuga ng aircon ay mas lalong lumamig.

Wala sa sariling napalingon siyang muli sa kinaroroonan ni Dominic. Ang maiitim nitong pares ng mata ay mataman pa ring nakatingin sa kanya. Pakiwari ni Samantha ay nais niya magsumiksik sa kinauupuan at itago ang sarili mula kay Dominic.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora