16 | Give In

547 15 0
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Dreame:
Juanna Balisong

WARNING: SPG AHEAD!

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

ILANG minuto na ang lumipas ay hindi pa rin nakakatulog si Samantha. Pakiramdam niya ay para siyang nasa kumbento at kahit sa pagtulog ay may nakamasid sa kanya.

Nakapatay na ang ilaw at tanging sinang na lamang ng buwan na tumatagos sa bintana ang nagsisilbi at nagbibigay liwanag sa silid.

Pakiwari ni Samantha ay nababalot ng kakaibang sensasyon at enerhiya ang silid na anumang oras ay maaaring mabulabog at gumising sa nananahimik na damdamin mula sa kaibuturan.

She could hear Dominic's deep and rough breathing na tila ba ay sumasabay sa pagtibok ng kanyang puso.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na iwinawaksi ang mga kakat'wang isipin.

Nakatagilid patalikod siya kay Dominic. Sa gitna nila ay dalawang unan na nagsisilbing hati sa pagitan nila. Mabuting paraan iyon upang malayo nila ang mga sarili mula sa isa't isa. Tama si Dominic. There is a strong connection and attraction between them na sa tuwing nagkakadaiti sila ay parehas silang nakukuryente at nadadala.

Narinig niya ang malalim na pagpapakawala ng mabigat na buntong hininga ni Dominic at ang pagkaluskos ng kutson.

"This won't do."

Sunod na naramdaman niya ang pagtayo ni Dominic mula sa kama. Napalingon siya rito."Saan ka pupunta?"

Hindi siya nito sinagot at tuloy-tuloy ang pagtungo sa pinto.

Tuluyan siyang napabangon. "Dominic—"

"Don't." Matigas nitong wika.

Napatitig siya sa nakatalikod nitong pigura. The moonlight coming from the window is making a spotlight effect on him kaya't tanging silweta lamang ng binata ang kanyang nakikita.

"Alam mo ang mangyayari kapag lumapit ka pa sa akin, Samantha. I cannot assure myself to follow what I promised you earlier. Kaya mas mabuting lumayo muna tayo sa isa't isa." Matapos niyon ay tuluyan itong lumabas ng silid.

Pasalampak na ibinagsak ni Samantha ang katawan sa kama. Alam niyang tulad niya, Dominic is also suffering from restraining himself to the strong attraction na pumapalibot sa paligid nila. Kaya kahit ilang pulgada at metro pa ang kayo nila sa isa't isa ay tila hinihila sila ng atraksyon na iyon palapit sa isa't isa.

Nakaramdam ng lungkot si Samantha. Kaya ba lumalayo sa kanya si Dominic ay dahil ayaw nitong magpadala sa atraksyon sa kanya? All this time, siya lang ba ang tanging nagnanais na magkaroon ng kakaunting pag-asa ang kung ano man ang namamagitan sa kanila?

Nais niyang maiyak sa labis na sakit at pagkalito. Ipinangako niya noon sa sarili na hinding-hindi siya iibig sa lalaking alam niyang walang katiyakan sa kanya ngunit heto at para siyang tanga at nababaliw kay Dominic.

Yes! She loves him! From the very first moment she saw him ay natiyak niyang bugso ng pag-ibig ang tibok na isinisigaw ng kanyang puso.

Natatakot siyang umamin noong una dahil baka tulad ng ama ay iwan siya nito at ipagtabuyan... ngunit ngayon na akala niya ay unti-unti na siyang nakakakita ng pag-asa ay saka naman nagkaroon ng pag-aalinlangan.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant