11 | Decide

483 15 0
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

PAGPASOK muli ni Danica sa opisina ay hinanap ng mata niya ang dalawa.

"Asan na 'yong---" natigilan siya nang makita ang mga ito sa sulok ng silid. "Anong ginagawa n'yo riyan sa sulok?"

Nagtataka at nang-uuring tiningnan niya ang mga ito. Ang kuya niyang si Dominic ay hawak sa mga bisig nito ang namumulang si Samantha, halos magkayakap na ang dalawa sa lapit at wari niya'y kung maaga-aga pa siyang pumasok kanina ay may madadatnan siyang ikamamatay ng puso niya sa kilig.

Ngunit bago pa man niya mapuna at maisatinig ang iniisip ay agad na naghiwalay ang mga ito na animo pusa at asong napagod sa pag-aaway.

Tuluyan siyang pumasok sa silid. Si Dominic ay bumalik sa kinauupuan nito samantalang si Samantha ay nanatili lamang nakatayo roon sa sulok na tila tukong hindi na nakagalaw.

Lumapit si Danica sa desk niya at naupo ron. "Hindi pa naikukwento sa akin ni Ricky, ano ba talaga ang nangyari?"

Si Dominic ang sumagot. "Nabitawan ni Samantha iyong tray ng bagong bake na pastries, Ricky pushed her para hindi sana mabagsakan ng tray ang paa nila, but they both didn't notice na nakabukas pa pala iyong oven. I pulled her at ako yung nawalan ng balance kaya napadikit ako sa oven."

"Kasalanan ko, I admit it," ani Samantha at naglakad papunta sa sofa at doon naupo.

"Ano nga ba ang ginagawa mo sa kitchen at naroon ka? Hindi ba ay dapat nasa labas ka at kumukuha't nagbibigay ng orders? Sa pagkakaalam ko ay waitress ang job description mo at hindi assistant baker." sarkastikong wika ni Dominic.

"Kuya?" suway ni Danica.

Muli ay nakaramdam ng guilt si Samantha. Totoo naman ang sinabi ni Dominic. Nang dahil sa kadidikit niya at paggawa ng paraan para mapalapit kay Ricky ay naging dahilan pa siya ng aksidente. Ang ipinagtataka niya lang, kanina ay todo pa ang pag-aalo nito sa kanya ngunit bakit ngayon ay parang bini-big deal nito ang pagpunta niya sa kitchen at pakiwari niya'y nais siyang sisihin?

Tinapunan niya ng tingin si Dominic. There again, he has that lopsided, sexy smile na parang may ipinahihiwatig ito.

💋💋💋

Kinagat niya ang ibabang labi nito dahilan upang siya'y mabitawan ni Dominic. "You are not doing this dahil gusto mo akong lumayo kay Ricky, kundi dahil ay gusto mo ako para sa sarili mo!"

"Bingo!" palatak nito. "Well, isn't that just the cherry on top. I won't deny that fact. I have always desire you and I will do everything hanggang maging akin ka!" At muli siya nitong ikinulong sa mga bisig at labi.

**

Unti-unting iniwan ni Dominic ang mga labi niya at maiging tinitigan ang kanyang mga mata. He brushed his thumb on her cheek and with his dark and hypnotizing gaze, he spoke, "I always get what I want, Samantha."

💋💋💋

May kutob siyang may balak ito kaya nito sinabi iyon at pinagmumukhang siya ang may mali at sama.

"It wasn't your fault, Sam, alam nating hindi mo ginusto ang nangyari. Isa pa, it was an accident," pagtatanggol sa kanya ni Danica.

"Thank you. Danica."

The Temptress R-18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon