7 | Hold

480 14 3
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

ILANG araw nang napapansin ni Samantha na hindi na gaanong doon naglalagi sa shop ni Danica si Dominic. Ilang araw na itong hindi pumupunta roon, hindi gaya ng dati ay halos araw-araw itong nakabantay sa kanya.

Kung tutuusin ay mas pabor iyon sa kanya dahil nagagawa niya ang "trabaho" niya nang walang hadlang at sagabal. She's been hitting Ricky these past days nang walang umaaligid-aligid na ulupong na Dominic na pipigil sa kanya.

But there is a part in her heart that she somehow feels na parang may kulang. She couldn't explain why she felt that. Pakiwari niya'y tuwing papasok siya at hindi makikita ang mukha ni Dominic ay parang nakararamdam siya ng pangungulia at lungkot sa hindi malamang dahilan.

Was it because she misses him?

'No, that can't be.' Iling niya agad sa naisip.

Imposibleng ma-miss niya ang binata gayong higit na nananaig ang girian at pagkamuhi nila sa isa't isa. She knew Dominic hated her but...

💋💋💋

"Higit kong maibibigay ang nais mo kaysa kay Ricky, Samantha. Layuan mo silang magkasintahan and I will make sure you'll have everything you wish." he whispered angrily.

Naniningkit ang matang tiningala niya ito. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Leave Ricky alone and be my woman!"

💋💋💋

...why would Dominic offer her to be his mistress? Gayong malinaw nitong ipinadadama sa kanya na hindi nito gusto ang presensya niya.

Wala sa sariling dinama ng kanyang daliri ang mga labi.

💋💋💋

Nang maramdaman ni Dominic na hindi na siya nagpupumiglas, ang masidhi at marahas na halik ay naging masuyo at marahan.

Samantha placed her hand on Dominic's chest to put some space between them ngunit hindi ito pumayag and pulled her even closer by encircling his other hand on her waist. She clutched her fingers on his shirt as their kiss deepened more.

When Dominic bit her lower lip, Samantha moaned to gasped for air. Para siyang inililipad kasabay ng mga alapaap sa paraan ng pag-angkin ng mga labi nito sa kanya. Tila ang kaninang lumalaban na isip ay nakalimot sa pag-angil. Natunaw ng halik ang lahat ng kanyang bala at agam-agam at nahalinhinan ng kakaibang damdaming nag-uudyok sa kanya na magparaya.

Samantha encircled her arm around Dominic's shoulder nang suyurin pa nito ang kanyang labi. Tasting the sweetness of every corner of her lips and mouth.

💋💋💋

Dahil ba sa halik ay hindi na nagpakita pa si Dominic? Anong dahilan at hindi na ito nagparamdam pa? Is he regretting offering her to be his woman? 

At kung babawiin nga ni Dominic ang offer nito, bakit ay tila nakakaramdam siya ng panghihinayang? Kung saka-sakali ay tatanggapin niya ba ang alok nito na maging Kept-woman?

Hindi naman niya magawang magtanong kay Danica dahil magmumukha siyang estupida kung gagawin niya iyon. Noong nakaraan lamang ay nagrereklamo siya rito dahil sa paghaharang ni Dominic sa kanyang mga plano ngunit heto ngayon naman ay hinahanap-hanap niya ito.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon