8 | Story

466 15 2
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

ABALA ang lahat sa mga kanya-kanyang ginagawa. Marami ang dagsa ng mga mamimili ngayon dahil saktong lunes at pay-day. Sa mall ay aakalain mong holiday sa rami ng mga tao. Labas-masok din ang mga customers sa shop at halos mapuno ang mga tables at hindi magkanda-ugaga ang nasa counter sa haba ng pila.

"Excuse me!" Dire-diretso ang lakad ni Samantha dala ang isang tray ng mga orders. Ang mga nakakasalubong na katrabaho ay binibigyang daan siya na sinusuklian naman niya ng ngiti.

"Here's your strawberry frappe, ma'am, enjoy!" nakangiti niyang inilapag sa mesa ng customer ang order at lumipat naman sa iba upang ihatid ang sa kanila.

Kalaunan ay nae-enjoy na ni Samantha ang pagtatrabaho roon. Noong una kasi ay hindi pa niya kabisado at gamay ang mga ginagawa at pagiging waitress kaya kadalasa'y puro mga kapalpakan ang kanyang mga nagagawa. But as the sun rises and sets again ay unti-unti na niyang naha-handle ang pasikot-sikot ng trabaho.

So far ay natitiyak naman niyang walang nakakaalam sa mga kasamahan niya ng tunay na pakay niya roon. Lagi niyang sinisigurado na walang nakakakita sa mga aksyon niya. Ayaw din naman niya na mabahiran ang magandang pagsasama at pakikitungo niya sa mga katrabaho kaya't talagang maingat siya sa bawat kilos.

'Well, kamalas-malasan nga lamang noon at nahuli ka ni Dominic,' batbat ng isip niya.

Ano nga kaya ang katayuan ng pagsasama nila ni Dominic kung sakaling hindi nito siya nahuli? Naisip niya tuloy, paano kaya kung normal na empleyado lang siyang tunay ng shop? Can Dominic and her be friends... or maybe more than that?

Hindi na niya maitatanggi pa ang atraksyon na nadarama kay Dominic. The man really is a hunk and a Greek god-like sa gwapo na sintigas ng bato at sinsungit ng bagyo. She has never felt that kind of attraction before, kahit pa sa mga dating lalaking nanliligaw, naakit, at napaamo niya. Bagkus, ay tila siya pa mismo ang napapaamo ni Dominic. She can also feel that she has the same effect on him tuwinang magkakalapit o magkakadaiti sila. Kaya nga lang ay he despises her for her job---flirting Ricky.

May bahagi ng kanyang puso ang nakaramdam ng dismaya at lungkot sa isiping iyon. She couldn't name that feeling at kung bakit nga ba niya nararamdaman iyon, kung susumahin ay sa mga nagdaang lalaki sa buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam na tila ba nanghihinayang siya sa pagkakataon at naiinis siya sa sarili dahil gumugulo iyon sa isip at damdamin niya.

'Cut it, Samantha, hindi ka dapat masyadong magpadala sa mga epekto sa'yo ng lalaking iyon. He's a total and a walking danger for you. Hindi si Dominic ang magpapatiklop sa'yo,' diterminadong turan niya sa isipan.

Nang makapagbreak ay umakyat muna siya sa opisina ni Danica. Naabutan niya itong may kausap sa telepono at sinenyasan siyang umupo at maghintay.

Uupo na sana siya sa sofa nang makita ang isang bouquet ng mga bulaklak na nakalapag sa mesa ni Danica. Nilapitan niya iyon at kinuha. Nahulog mula sa pagkakabalot ang isang maliit na scented card. Pinulot niya iyon at binasa.

Ibinaba ni Danica ang telepono at nilingon siya. "Sorry, nadelay kasi ng deliver sa Pampanga iyong wedding cake na order. Sabay na tayong mag-lunch, may alam akong masarap kainan."

"Bigay ba ito ni Ricky?" tanong niya at ipinakita ang card na hawak, isinantabi ang anyaya nito.

"Yeah, ipina-deliver n'ya pa kanina, ba't 'di na lang s'ya ang kusang mag-abot sa'kin?" ani'to at rumolyo ang mata't humalukipkip na tila ba ay nagtatampo.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora