IX: Now it's too late

199 19 0
                                    

One glass of beer became five, six, seven, eight, until I lost track of how many glasses of beers were emptied by me. The ambience of Rafa's brother's underground club is well lit with EDM blaring on, but currently I was feeling a bit suffocated and irritated here.

I took another chug of beer - Ding! Another glass has been added to the growing numbers of empty mugs on the center of the table. Yay!

I laughed. I don't know why but I just laughed. I tipped my head back and sighed. I'm bored. And I wasn't supposed to feel bored. Nandito ako sa club. With alcohol! And with loud upbeat songs! And Eve..

Eve.

Si Eve na si Sam lang ang tinitingnan at pinapansin. Si Eve na hindi man lang ako kinausap ever since na makarating kami dito sa club. Si Eve na pinapatawa ni Sam. At itong si Sam na sabagal sa kaligayahan ko. Magsama sila. Bahala sila!

"Ang bilis mo naman malasing," puna ni Rafa.

I snorted. Katawan ito ni Kila. Masyadong fragile. Nagpapanic attack, mabilis malasing, mabilis magkapasa at gumagamit pa ng ipinagbabawal na gamot. I feel bad for her.

"I'm heading home," I breathe out. Nawalan na ako ng gana. Eve is still talking to Sam. Jacob and Iris have their own conversation. I feel so out of place. Mas mabuti nang umuwi at matulog.

My eye sight is a bit blurry pero kaya ko pa naman tumayo or so I thought. The moment I almost kissed the floor, a hand steadily put me back on my feet. Amoy palang niya alam ko na. Eve.

Inis na hinawi ko ang kamay niya sa mga braso ko at inirapan ito. She furrowed her perfect brows, ang mga mata niya mapagtanong na tiningnan ako sa mata at naglakbay sa kabuan ko pagkatapos.

"Bumalik ka na doon sa Sam mo. Kaya ko maglakad mag-isa," irap ko.

"Sam ko?"

"Oo, Sam mo!" I took off, di alintana ang pagkahilo sa pagbigla kong takbo. I left the club, went to the street and tried to hail a cab pero naabutan ako ni Eve.

Eve grabbed my arm and like a jelly, napasandal ako sa katawan niya. I can feel her heart beating. I can hear it. It was calm unlike mine.

"Ba't pakiramdam ko galit ka? May ginawa ba ako na mali, Miss Santiago?" she asked, her voice vibrated from her chest and to my cheek.

"Sino ba kasi yang si Sam? Bakit ang close niyo?"

"May kinalaman ba dito si Sam?" mahinahon niya na tanong at pakiramdam ko napaka immature ko ng sandaling ito. I separated from Eve and shook my head.

"Wala. Gusto ko na umuwi. Ihatid mo na ako."

She took a hold of my arm again. Mainit ang palad niya, at malambot. "Sam is my cousin. Ilang taon din kaming hindi nagkita."

Oh.

"Hindi ka kasi namamansin simula nung dumating tayo sa barracks," maktol ko at the same time I felt a surge of relief. Cousin lang pala niya si Sam. Akala kung ano na.

"Galit ka kasi hindi kita pinapansin?" Parang naguguluhan na tanong ni Eve.

"Oo. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo. Sa akin ka lang ngumingiti at tumatawa. Sa akin ka lang tumatabi ng upuan at nagpapaakbay -" I burped causing an unexpected laughter from Eve.

"Ang cute mo, Miss Santiago," sabi niya na kinurot pa ako sa pisnge.

"Mas cute ka kaya."

"Tara na?" May ngiti sa labi niya akong inalalayan patungo sa kalsada kung saan naka parke ang kotse niya. Ako naman parang nahipotismo sa maaliwalas at maganda na muhka niya kaya hindi ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng kotse at si Eve na ang nagkabit ng seatbelt para sa akin.

She, Who Came Back (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon