Chapter 10

244 19 1
                                    

"Una kami papasok, dai. Hindi alam ni lolo na sinundo ka namin." excited na sabi sa akin ni Paula. Bumaba naman na kami sa sasakyan at nasa harap na kami ng bahay.

Hindi ko naman mapigilan na titigan ang labas ng bahay. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pati dito sa labas para bang nakikita ko sina mommy at daddy.

"Dai?" Bumalik ako sa normal nang tapikin ako ng mga pinsan ko.

"I got it." yun lamang ang naging sagot ko.

Binuksan naman na nila ang gate at dahan-dahan akong pumasok at medyo nagtago sa may garden.

Nauna naman pumasok ang dalawa kong pinsan. Habang ako? Nagpipigil ng luha lalo na dito sa garden na napakaraming memories saakin. Kung saan kami madalas nagpi-picnic nina mom kapag weekends.

Nagmamadali naman na lumabas si Lara at sumenyas sa akin na lumapit.

"Nandoon sila sa likod, kumpleto lahat pati sina tito at tita. Panigurado magugulat silang lahat." Hindi naman ako sumagot at ngumiti lamang.

Pumasok naman na ako sa loob ng bahay at bawat hakbang na ginagawa ko, parang nanghihina ako. Ramdam ko sina mommy and daddy. Sana nandito sila.

"Are you okay?" Huminto si Lara nang itanong sa akin yon.

Tumango naman ako. "Namimiss ko lang sina mom and daddy." sagot ko.

Mahigpit niya naman hinawakan ang kamay ko at medyo maluha-luha na rin siya.

"I know, they're here... watching you to come home." Para bang kumirot ang puso ko nang sabihin yon ni Lara.

Sana nandito pa sila.

"Tara na..." yun lamang ang nasabi ko at dahan-dahan kaming tumungo sa likod.

Mag kaunting salo-salo na nagaganap at halos nagulat ang nga tito at tita ko nang makita ako ngunit kaagad sumenyas si Lara sa kanila na huwag magpapahalata.

Natanaw ko naman si lolo na nakatalikod at nakikipagkwentuhan sa isang taong miss na miss ko na rin.

Si Tatay Digong...

"Go..." bulong ng mga pinsan ko sa akin. Dahan-dahan naman akong lumapit sa table nina lolo at huminto sa likuran niya.

Hindi ko na natiis at napayakap na lamang ako sa kanya mula sa likuran.

"L-Lolo..." Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Humarap si lolo sa akin at bakas ang gulat sa kanya nang makita ako.

"Kate? Kate? Apo ko!" Hindi makapaniwalang sambit niya. Yumakap ako sa kanya ulit at tuluyang naging emosyonal.

"I miss you, apo. Bakit ngayon ka lang?" Nadurog ang puso ko sa sinabi ni lolo na iyon. Bakas ang lungkot sa tono ng pagtatanong niya.

"I'm sorry, lolo. I'm here now..." sagot ko at hindi ako natigil sa pag-iyak.

Hinarap naman ako ni lolo at hinawakan sa pisngi kung saan marahan niyang pinunasan ang mga luha ko.

"Ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak. Mahal na mahal kita, apo." aniya.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"We miss you, Kate!" sabay-sabay na sabi ng iba ko pang mga pinsan pati na rin ang mga tito at tita ko.

Yumakap lamang ako sa kanila.

The Parallel UsWhere stories live. Discover now