Chapter 11

204 20 1
                                    

It's already 11 pm so I decided to go to our room here in lolo's house.

"Good night, ate!" ani Lara at Paula kasabay nang pagyakap nila sa akin.

Iniwan naman na nila ako dito sa kwarto at inayos ko na lamang ang luggage ko.

Hindi ko na naibigay yung pasalubong ko kay lolo dahil maaga siyang natulog, bawal daw kasi magpuyat.

Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng kwarto. Wala naman pinagbago. Ito kasi yung kwarto nina mom at dad dito sa bahay ni lolo.

Hindi ko naman namalayan na unti-unti na palang tumulo ang mga luha ko dahil sa bawat sulok ng kwarto na to, para bang nakikita ko sina mommy at daddy.

Napunta naman ang mga mata ko sa shelf kung saan nakita ko ang mga family pictures namin. Dahan-dahan akong lumapit dito at kinuha ang isang frame kasabay nang pagyakap ko ng mahigpit dito.

"I miss you both... so much." sambit ko kasabay nang walang tigil na pagluha ko hanggang sa mapaluhod na lamang ako sa sahig. "It's been 7 years but justice has never been served. I'm sorry, forgive me..." patuloy ko.

Nabaling naman ang atensyon ko at napapunas ako ng luha nang magring bigla ang phone ko na nasa kama. Mabilis akong tumayo at ibinalik sa shelf ang frame.

Bash calling...

Naupo naman ako sa kama at sinagot ang tawag ni Baste.

"Tulog kana ba?" tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Hindi pa, kapapasok ko lang sa kwarto. Napatawag ka?" sagot ko, hindi ko pinapahalata na galing ako sa pag-iyak.

"Nasa labas ako..." sabi niya. Ano daw?

"Labas?" nalilito kong tanong.

Narinig ko naman siyang tumawa mula sa linya.

"Dito sa labas ng bahay niyo. Bilis, ang daming lamok." aniya.

Napatayo ako kaagad at mabilis na bumaba. Pagkabukas ko ng gate, tumambad sa akin si Baste na nakasandal sa kanyang motor.

"What are you doing here?" tanong ko sabay lapit sa kanya.

"I want to see you eh, nabitin yata ako kanina." pabirong niya.

"Mayor, gabi na." Tumawa naman siya at lumapit sa akin kasabay nang paggalaw ng kamay niya papunta sa aking mukha dahil inayos niya ang hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin sa mukha ko.

"You cried?" tanong niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. "Sa excitement ba dahil nakita mo na si lolo o dahil naaalala mo ang mommy at daddy mo?" patuloy niya.

Hindi ko naman na natiis at napayakap na lamang ako sa kanya bigla dahil hindi ko napigilan ang mga luha ko.

"K..." pagtawag niya habang yakap ako. "I'm sorry if until now... wala pa rin balita sa kaso tungkol sa ginawa nila sa mommy at daddy mo. Kung pwede nga lang na paaaminin namin yung mga persons of interest, ginawa na namin pero... may batas at proseso kasi na dapat sundin." dagdag niya.

"I understand, mayor... ang sakit lang kasi. Sobrang sakit pa rin." sabi ko.

Humarap naman ako sa kanya at ngumiti upang kahit papaano mapawi ang pag-iyak ko.

"Tara." Tinignan ko naman siya na nagtatanong nang sabihin niya iyon. "Let's drive around." patuloy niya sabay kuha ng helmet sa compartment ng motor niya.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jun 07 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

The Parallel UsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum