Chapter 4

961 51 5
                                    

Chapter 4

Pagkababa palang niya ng sasakyan niya rinig na agad niya ang tarantang boses ni Giselle.

"Manang! Manang pahelp po! Nasusunog na yung ihaw." rinig niyang sigaw nito.

Naiiling na pinuntahan niya ang kinaroroonan ng dalaga. Hayun nga ito at natataranta sa kakapaypay ng inihaw na ang lakas ng apoy.

Napansin siya nito sa gilid na nanonood lang dito.

"Kuya! Yung inihaw." hinging saklolo nito. Naluluha at pulang pula na ang mga mata nito marahil sa usok.

"Are you dumb?! Ang lakas na nga ng apoy bakit pinapaypayan mo pa rin." inis na inagaw niya rito ang pamaypay na hawak nito. Mabilis din niyang inabot ang baso ng tubig sa katabing mesa at winisik wisik ng tubig ang ihawan para mamatay ang apoy nito.

"Alam mong wala kang alam sa pagluluto bakit nagbibida ka pang magihaw dito." sermon niya rito.

Pinunasan naman nito ang mga mata gamit ang mga palad nito. Naluluha ang mga mata nito sa pagiihaw. May tumutulong pawis din sa noo at leeg nito marahil sa init.

"Pinababantay lang ni manang sa akin." mahinang sagot nito sa kanya. Alam na naman kase nito inis na naman siya rito.

"See? Pinapabantay lang pala sayo palpak ka pa." sermon niya pa rin dito. Nahuli naman niya ang mga pasimpleng irap nito sa kanya.

"Oh! Finally you're here na Stanley. Let's eat." biglang sulpot ng mommy nila sa kinaroronan nila.

"Well bad news she burnt our food." he was smirking sarcastically towards Giselle na tabingi na ang ngiti sa mom nila.

"Sorry mommy."

"Nah. It's fine. Sunog lang yan sa labas pwede pa yan." their mom assured. "Stan, call your dad para makakain na tayo."


..

"Hoy ampon!." bungad niya agad pagkapasok sa kwarto ni Giselle. Walang katok katok basta lang siyang pumasok ng walang paalam. Ni hindi nga rin sila close para pumasok na lang basta sa kwarto ng dalaga. Pero anong magagawa niya, bored siya sa bahay. Wala siyang gig, walang lakad o kung anong ganap ngayon sa buhay. Magpapaantok lang talaga siya para makatulog na ngayong gabi.

Pero aanuhin niya pa ang mga iyon kung meron namang Giselle na pwedeng paglipasan ng boredom.

Ang sama agad ng tingin sa kanya ng dalaga ng makita siya. Nakaupo ito sa kama nito at nakasandal sa headrest ng kama. May nakasabit ding headset sa tenga nito.

Sinara niya ang pinto at nagdive sa kama nito. At sinadya niya talagang lakasan ang pagdive sa kama nito.

"Ano ba!." inis na reaksyon nito sa ginawa.

Nilingon niya ito habang nakadapa pa rin sa kama nito.
"What? Lumalaban ka na ba? You got the guts to talk back to me now?." pangaasar niya pa.

Umiwas naman ito ng tingin at tinuon na lang ulit ang tingin sa cellphone nito.

Umupo siya at tumabi dito. Walang sabing inagaw niya ang isa nitong headset at kinabit sa kanya. Nakiusisa siya sa pinapanood nito.

"Titanic?! Romantic are we?." asar niya rito.

"Ano ba! Edi wag kang makinood." inagaw nito sa kanya ang headset nito at kinabit ulit sa tenga nito.

"That's boring." he yawned sarcastically.

"Skip mo na sa exciting part." suggestion niya rito.

"Exciting part?."

"Hell! The 'car scene' of course! Dumb!."

"Ayoko nga. Pano ko maiintindihan yung kwento." sabi nito.

"Whatever. Pinanganak ka ba kahapon at di mo alam ang movie na yan? Everyone knows they had seggs in the car, the ship sank and jack died, the end."

"Sama mo talaga." bulong nito na narinig naman niya.

"You're welcome!."

Kinapa niya ang bulsa niya. Hinugot niya sa bulsa ang stick ng sigarilyo at sinindihan ito.

"Ano ba! Nananadya ka na." pikon na sabi nito ng ibuga niya ang usok sa dereksyon nito.

"Yeah that's the point."

"Isusumbo--."

"Oh please try, Giselle. I already warned you 'bout that." natikom naman ang bibig nito.

Inis itong tumayo at naglakad papunta sa study table nito. Sinundan naman niya ng tingin ang paglakad nito. Partikular na ang binti nitong nakaexpose sa suot nitong silk shorts.

"Giselle come back here." hindi siya pinansin ng dalaga at nagtuloy lang sa kung anong report na ginagawa nito sa laptop nito.

"Giselle I need an ashtray." tumayo ito at may kung anong kinuha sa drawer nito.

Lumakad ito palapit sa kanya at inabot sa kanya ang coaster pero hindi niya ito inabot sa halip ay sinenyasan niya itong saluhin ang abo ng sigarilyo.

Para tuloy itong katulong niya. Nakahiga siya sa kama nito habang nagsisigarilyo habang hawak naman nito ang coaster para saluhin ang abo ng sigarilyo.

Sinasadya niya talagang tagalan ang pagsisigarilyo para hamunin ang pasensya ng dalaga.

"Why don't you sit? Matatagalan pa to." he suggested kaya naman naupo nga ang dalaga.

Nang maupo ito ay naupo rin siya. Kita niya pa ang pagigtad nito sa gulat. She's obviously tense whenever he's near. Kanina niya pa ito ramdam habang magkatabi sila kanina.
That made him smirk devilishly. He succeeded taking her under his control. Alam naman nito ang mangyayari kung susuway ito sa mga utos niya.

Humithit siya sa sigarilyo, binuga ang usok at tinaktak sa hawak nitong coaster.

Nakabaling sa ibang direksyon ang mukha ng dalaga. Hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Tahimik lang ito. Tinapos na niya ang pagsisigarilyo.

"Why so quiet? Parang kanina lang ang tapang mo." pangaasar niya rito.

"Tapos ka na ba?." tukoy nito sa pagsisigarilyo.

"Hmm yeah. What's that smell?." curious na tanong niya.

"Sige. Itatapon ko--."

"No! Wait." pinigilan niya ito sa braso. Nilapit niya ang mukha sa mukha nito at doon niya naamoy ang naamoy niya kanina. Sa labi nito. Amoy strawberry.

"B-bakit?." nauutal na tanong nito. Naiilang marahil sa lapit ng mukha nila. Lalo naman niyang naamoy ang strawberry sa bibig nito.

Her lips are glossy, plump and pinkish in color. She's probably wearing a lip balm or gloss, or whatever that is. The scent is addictive, seductive and inviting him for a taste.

His instinct wins. He tasted it. To know if the strawberry is sweet as it smells. Problema nga lang hindi ito tunay na prutas sa halip ay labi ng dalagang labis ang pagkagulat sa ginawa niya.

"Hmm. Not the real thing but, not bad."

..

*RAW

ABS 4: My Stepbrother, Stanley ThroneWhere stories live. Discover now