Chapter 5

917 43 5
                                    

"Oh finally! She's here." mom exclaimed as I walk down the stairs.

It's 8am in the morning at kakagising ko lang to attend my 9am class. I already took a bath, kakain na lang ako ng almusal at magsusuot ng uniform.

"That's my daughter." doon ko lang napansin na di nagiisa si Mom. May kasama siya. I also noticed the brochure or album of pictures of dresses?

"Ang ganda naman pala ng daughter niyo! Hindi tayo mahihirapan dito." the other person commented. I think he's gay.

"Told you! Come here G." aya sa akin ni Mom. Sumunod naman ako.

"Good morning." I kissed her on the cheeks. Then I turn to her guest and greeted him good morning also.

"You even prettier up close! The name is Venus." Venus playfully winked at me.

"Ano pong meron?."

"We're planning your debut." sagot sa akin ni Mom.

"Tingnan mo tong mga dala kong designs ng gown. I think purple would suit you. Its just that you have this fresh lilac aura. Charr! Don't be shy to tell us what you like."

Hindi ako makapaniwalang lumingon kay Mom ng ang laki ng ngiti sa akin.

"Mom ayoko!."

Nangunot agad ang noo nito sa sinabi ko.

"Why?."

"Ayoko nakakahiya."

"Anong nakakahiya sa pagsecelebrate ng 18th birthday mo?."

"Pwwde bang lumabas na lang tayo nila Dad? Kain na lang tayo sa labas. Just a simple celebration would do, Mom. Please? Tsaka wala rin naman akong maiinvite na pumunta. Si Layla at Kira lang naman friend ko." mahabang katwiran ko kay Mom.

"Ako na ang bahala." Mom assured me. "Hindi mo kailangan problemahin lahat."

"Kaya nga G. Minsan lang to sa buhay ng mga babae. Enjoy life lang. Buti nga si Momshie mo ang supportive grabe." pangungumbinsi rin ni Venus sa akin.

"What's the commotion about?." sabay sabay pa kaming napalingon sa pababang si Stanley. Nakasuot na ito ng uniform pero hindi pa nito binobotones ang polo nito. Kita tuloy ang puting sandong suot nito na panloob. Hindi pa rin nakatuck ang sando nito. Balahura talaga.

Magmomotor na naman siguro itong papasok dahil hawak sa nitong susi ng motor nito

"Ayy! Nakshie niyo rin?." nangingislap ang mga mata ni Venus ng tanungin si Mom.

"Hmm." tumango si Mom. "He's my third son, G is the youngest."

"OMG! Ang gwapo madam!" Venus exclaimed.

Pinigilan kong mapairap. Kung alam sana niya ang sama ng ugali ng isang yan.

"We're planning G's debut. We only have two months to make everything perfect! Right Venus?." nagapir pa nga ang dalawa.

Di pa ba maaga? May two months pa naman eh.

"Debut? Why bother? Hindi naman bagay sa kanya mga ganyang engrande." nakangiti pa ito ng nakakaasar sa deresyon ko.

Pero hindi ako nainis sa sinabi nito. Gusto ko pa nga siyang icheer baka dahil sa kanya hindi na ituloy ni Mom ang plan nito.

"That mouth of yours, Stan." saway ni Mom sa kanya.

"Why? Honesty Mom." he said almost laughing.

"Whatever you say. By the way I'm gonna booked your band. Apollo will perform at G's debut party."

"Rejected." simpleng sagot ni Stanley saka sinuksok ang laylayan ng sando sa pants nito saka binotones na ang polo. Halos maglaway na nga si Venus sa panonood ditong magayos.

ABS 4: My Stepbrother, Stanley ThroneWhere stories live. Discover now