Chapter 7

585 27 1
                                    


"I'm home!" sigaw ni Stanley sa pagpasok ng bahay. Tahimik ang buong bahay sa pagpasok niya.

"Anyone?" sigaw niya pa ulit pero walang sumagot. Mukhang walang tao sa bahay.

Napagpasyahan na lang niyang umakyat ng kwarto niya. Sa pagpunta doon ay nadaanan naman niya ang kwarto ni Giselle. Huminto siya doon at walang katok katok na pumasok doon.

Handa na sana ulet siyang asarin ang dalaga ngunit wala siyang nadatnan na tao sa kwarto nito. Ang sumalubong lang sa kanya ay ang pamilyar na pabango na lagi nitong ginagamit.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Jesus!" he exclaimed in shock.

Nang lingunin niya ang mom niya ay nakapamewang na ito sa kanya. Nakabihis ito na parang may pupuntahan.

"Bakit hindi kita narinig?" tanong niya rito.

Pinagtaasan lang sita nito ng kilay. "Kakatugtog niyo yan wala ka ng marinig. At ano palang ginagawa mo dyan sa kwarto ni G?"

"Wala lang. Naghahanap lang ako ng tao. Kanina pa ako nagtatawag walang sumasagot."

"Wala si G. Nasa house siya ni Layla they're working on their project." sagot nito.

"What time should I fetch her?"

Umiling ang mommy niya. "You don't need to. Nagpaalam na siya na doon na rin siya makikitulog."

"What? And you let her?"

"Why? Bahay naman yon ng kaibigan niya."

"But she's still a minor." he pointed out.

"So? She's a college student and its normal to have sleep over sometimes. And what's with you anyway? Its not like your worried about G." irap sa kanya ng mommy niya bago siya lagpasan at tumungo sa hagdan para bumaba. Mabilis naman niya itong sinundan.

"Kelan naman daw siya uuwi?"

"Probably tomorrow. And don't bother changing clothes cuz were dining out." sabi ng mom niya without glancing at him as she stride down the stairs.

Sumabay naman siya sa mga hakbang nito hangang sa pareho na silang makababa.

"Magpaluto ka na lang kay manang o kaya magluto na lang kayo. Or if you really want to dine out ask dad." he reasoned out.

"Umuwi ang dad mo sa rancho nagkaroon daw ng problema. I hope maayos na niya yon in a couple of days." she sighed.

"And hey, its a date. Its our date tonight." naglalambing na inangkla ng mom niya ang braso niya. "We hadn't bond in a while. I miss my boy of course." sabay halik sa kanyang balikat. Hindi na nageffort ang mom niyang abutin ang pisngi niya dahil sa tangkad niya. Hanggang balikat niya lang kase ito.

"Gross. But I'll grant your wish tonight because I pity you."

His mom laughingly punch his arms. "You brute!"

Nang masecure nila ang bahay ay nagdrive na sila paalis.

"As I requested pala, Apollo will play on G's debut huh. Pareserve na ng sched si G."

"Ask the guys." sagit niya habang busy sa pagmamaneho.

"Well, they did agree so its up to you now."

"Right." he sighed. "Did she already told you?" pambibitin niya sa sasabihin

"hmm? About what?" naramdaman niya ang paglingon sa kanya ng mom niya.

"G already invited a guy to be her escort."

Umayos ng upo ang mom niya halatang interesado sa sinasabi niya.

ABS 4: My Stepbrother, Stanley ThroneWhere stories live. Discover now