Chapter 6

700 35 9
                                    

"Ang galing mo kanina."

"Well I've been dancing since I was a kid." he chuckled shyly. "So you know, natuto lang nang natuto."

"Ikaw? Do you dance?"

Lumingon ito sa akin habang naglalakad kami papunta canteen para kumain ng lunch.

"Err no actually wala akong talent eh." pagaamin ko. Kahit gusto kong matutong sumayaw o kumanta kung wala naman talaga akong talent don wala talaga.

"Meron." nakangiti itong lumingon sa akin. My heart skipped a beat. Ang gwapo niya talaga!

"Huh? Ano?."

"Secret. Not gonna tell you." he teased.

"Ano nga?" pilit ko naman. Pero posible nga ba talaga na may mas alam pa siya tungkol sa sarili ko.

"Well, you don't need to put an effort to be attractive. You're effortlessly beautiful."

"Ah." napatango na lang ako na parang tanga.

Paano ba dapat magrereact kapag sinabihan ka ng crush mo ng ganon? Kase sa lahat ng pwedeng maging reaksyon pinili ko na lang lunukin ang dila ko. Saka na lang ako titili kapag nasa kwarto na ako o kapag kasama ko na ang dalawang bruha.

"You're blushing. I thought you're used to compliments." pansin nito sa akin.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng canteen. Mabilis naman kaming nakahanap ng pwesto since wala masyadong estudyanteng kumakain. Iniwan niya muna ako sa table dahil siya na daw ang oorder ng kakainin namin.

"So, I thought you're used to getting compliments." pagpapatuloy pa rin nito sa paguusap namin kanina.

Inabot niya sa akin ang spaghetti na inorder ko habang clubhouse sandwich naman sa kanya.

"Di ka pa tapos dyan?" ngiti ko sa kanya.

Natawa naman siya. "Bakit? Na curious lang ako. Imposibleng ako lang nakakapansin sayo."

Naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi na ba ito titigil sa kakasabing kabighabighani ako. Feeling ko tuloy dyosa ako today.

"Nasanay na siguro ako kay kuya Stan. Lagi kase akong binubully non, lagi niyang sinasabi kung gano ako ka unattractive mula pa nong bata kami."

"May kapatid ka?"

"Hindi ko siya legal na kapatid. Ampon kase ako ng Throne family though hindi legally adopted since apelyido pa rin ng tatay ko ang gamit ko."

Kahit gusto nila akong ampunin legally tumanggi ako. Gusto ko pa rin gamitin ang apelyido ng tatay ko kahit hindi ko siya kailanman nakilala. Nirespeto naman nila ang desisyon ko kahit paslit pa lang ako ng sinabi ko yon.

"Kahit na hindi ako kadugo ng mga Throne tinuring pa rin nila akong parang anak nila. Mabait silang lahat malib--."

"Hey sister!" napaigtad ako sa kinauupuan ko ng basta na lang umupo si Stan sa tabi ko at akbayan ako. Hindi ko siya nakita agad dahil sa likod ko siya nanggaling.

"I've been looking for you everywhere." he said completely ignoring David na katapat lang namin at nagtataka sa nangyayari.

"Oh! You have company." finally napansin na rin niya si David. Kahit pakiramdam kong nanadya siya kaninang wag itong pansinin.

"Stanley. Kapatid ni Giselle. You are?"

"David." he extended his hand for a handshake.

"I am hungry." Stan completely ignore David's hand.

Hinila ni Stan ang plato ko at sinimulang kainin ang spaghetti.

"Kay Giselle yan." inilingan ko na lang si David at hayaan na si Stan sa gusto niya.

ABS 4: My Stepbrother, Stanley ThroneWhere stories live. Discover now