Chapter 2

3.4K 96 13
                                    

Chapter 2

"Happy 5th Birthday! Baby Quinn." bati ko agad sa pamangkin kong busy sa pagsayaw sa harap ng pinapanood niyang blackpink performance sa malaking hd tv nila sa sala.

"Tita G!." she excitedly ran to me and crash me with her warm and tight hug.

Pinugpog ko siya ng halik sa buong mukha. Tawa naman siya ng tawa.

"That's tickles!." she giggled.

"Well it is your day today! Anong gusto mong regalo mula kay tita G?."

Pinikit pikit naman ang sikit niyang mata na mukhang pinagiisipan niya talagang mabuti ang isasagot.

"Want ko po ng poster ni Jisoo!." ngiti niya saka ako niyugyog.

"Yun po ba ang gift niyo tita G?." she excitedly asked me. Ngumiti lang ako sa kanya pero gusto ko talagang ngumiwi.

Eh ang nabili ko kaseng poster ay hindi si Jisoo kundi si Jennie. Mukhang mali ang rinig ko nong minsang nagkwento siya ng paborito niya sa grupo. Ang naalala ko lang kase ay nagsisimula sa 'J' ang sinabi niya.

"Oh! Andyan ka na pala G." boses ni Millen mula sa likod. Siya ang mommy ni Quinn at pinsan ko. Ilang taon lang angbtanda nito sa akin, maaga lang kaseng nag-asawa.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod kay Quinn at hinarap si Millen.

"Kakarating ko lang." ngiti ko sa kanya. Inabot ko sa kanya ang dala at ginawa kong graham cake kaninang umaga.

"Naks naman G! Salamat." tinanggap naman niya ito. Nagpaalam ako saglit kay Quinn at sumunod kay Millen sa kusina nila.

Sabado ngayon at wala akong pasok kaya naman makakatulong ako sa gagawing birthday party ni Quinn mamaya. Nakasanayan ko ng tumulong sa kanila kapag birthday ng nagiisa kong pamangkin.

Kahit hindi ko naman sila totoong kadugo tinuring nila akong pamilya. Lahat sila ay mabait at malapit sa akin. Maliban na lang sa stepbrother kong si Stanley. Simula nong bata kami ay ganon na talaga siya sa akin. Lagi niyang pinapakita at pinaparamdam na ayaw niya sa akin. Grabe na ata ang galit sa akin ng taong iyon kahit hindi ko naman alam kung para saan. Siguro ay nakikita niya akong kaagaw sa atensyon ng mga magulang niya o ng mga tao sa paligid namin. Gusto ko lang din namang maramdaman na may nagmamahal at tumatanggap sa akin. Hindi ko rin kase naramdaman iyon sa mga magulang ko. Lumaki kase ako sa ampunan mula noong baby pa ako. Doon daw ako iniwan ng mga magulang ko. Apat na taong gulang naman ako ng ampunin ako ng mag-asawang Throne. Minahal nila ako na parang totoong anak nila, sabik kase sila sa anak na babae dahil tatlong lalaki ang pinagkaloob sa kanila.

"Hala natulala ka na dyan." pansin sa akin ni Millen na nagaayos ng mga candy sa maliliit na supot para sa mga bata mamaya.

Umaga palang naman mamayang hapon pa ang birthday party.

"May naisip langa ko." sagot ko naman.

Nangisi naman siya.
"Jowa?." panghuhuli niya sa akin.

"Baliw! Wala ako 'non." pinandilatan ko siya.

Parang ayaw naman niyang maniwala sa sagot ko sa kanya sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin.

"Okeyyy." sabi niya pero ang buong mukha niya ay nanunudyo.

"Si Stan? Anong oras pupunta ang bruho?." tanong niya habang busy ang mga kamay sa pagsusuksok ng mga candy.

Tinuloy ko na rin ang ginagawa kong pagtatali ng mga laruan sa sabit-sabit
para mamaya.

"Mamayang hapon pa 'yon. Baka nakahilata pa ngayon 'yon sa kama." natawa naman siya.

"Truthfulness!."

ABS 4: My Stepbrother, Stanley ThroneWhere stories live. Discover now