Chapter 1

3.8K 77 17
                                    

Chapter 1

"Tatapusin ba natin 'to? O magti-tiktok lang kayo dyan?." namewang ako sa harap ng camera ng dalawa kong kaibigan na busy sa pagpapacute sa tiktok.

"Hala si G! Sandali na lang ito oh!." irap naman sa akin ni Layla.

"Ang ganda kase ng room mo kaya susulitin na namin magtiktok." tumatawang comment naman ni Kira.

Inirapan ko lang sila saka tinuro ang di pa naming natatapos na research project.

"Sa susunod na araw na po ang submission nito." paalala ko sa kanila.

"Last na to! Wait." pinaningkitan ko na lang sila ng mata bago padabog na umupo ulit sa harap ng desk ko at sinimulang review-hin ang gawa namin.

"Oyy G! Peram naman ako ng push-up bra." nagpuppy eyes na lumapit sa akin si Kira.

"Hala bakit? Wala ka bang suot?." tanong ko bago siya pasadahan ng tingin partikular na sa gawing dibdib, pero napansin ko namang may suot siyang bra.

Tumawa bigla sa likod ko si Layla bago ibigay sa akin ang cellphone niya at nagplay ng video galing din sa tiktok.

"Dahil dyan! Kelangan niya kaseng mapiga ang maliit na meron siya." tumawa ulit si Layla kaya naman nasapok siya ni Kira.

"Ano ba kaseng tawag sa challenge na yan?." tanong ko habang nakatingin pa rin sa video kung saan nakabra na lang ang nasa video at mukhang sinasadya nilang paalugin ang dibdib nila.

"My heart went opps challenge! Ang cute diba."

Ako naman ang natawa.
"Eh wala naman kayong ganyan ihh."

"Wow! Ang yabang na porke't meron siya!."

"Ayy! Ano ba?!." napatili ako ng bigla na lang dakmain ni Kira ang hinaharap ko. Kahit kelan talaga ang mga babaeng to!

"Nakakainggit ka naman. Buti pa ikaw G meron." sinimangutan ako ni Kira.

Nag-init tuloy bigla ang pisngi ko. Naiilang talaga ako kapag pinapansin nila ang pisikal ko. Lalo na ang dibdib ko! Kung alam lang sana nila na hindi ko rin gusto na magkaroon ng ganitong dibdib dahil bastusin sa labas. Pero hindi naman ganon kalaki ang dibdib ko, tama lang naman sa pangangatawan ko. Ang mga kaibigan ko lang talaga itong pansin ng pansin! Hayy ano ba yan puro dibdib nasa utak ko!

"Try mo na rin kayang magtiktok G!." suggestion naman ni Layla.

"Aral na po tayo!." sabi ko na lang.

"Try mo lang G! Sisikat ka doon. Ang ganda-ganda mo pa naman." pilit pa ulit ni Layla. Pursigido ata akong pagamitin non.

"Si kuya Stanley mo, may tiktok account ba yon?." napalingon ako kay Kira na nakahiga na ngayon sa kama ko at busy sa pagkalikot ng cellphone niya.

Umasim ang mukha naman ni Layla.
"Asa ka pa sa demonyong 'yon! Iniisip ko pa lang nagpapacute' yon sa camera ay kinikilabutan na ako!." kunyari ay nanginig pa si Layla.

Natawa naman ako sa ginawa niya.
"Grabe ka naman!." nahampas ko pa siya sa braso sa kakatawa.

Na-imagine ko rin kase siya sa ganong eksena at talaga namang hindi bagay sa kanya. Masyadong brusko at badboy iyong si Stan kaya hindi talaga bagay.

"Sayang naman kung ganon!." maktol naman ni Kira tsaka ito bumangon na ng kama.

"Let's get to work na!."

. .

Inabot na ako ng hating-gabi sa pageedit ng research namin. Nakauwi na rin ang dalawa bago mag-alas onse ng gabi.

ABS 4: My Stepbrother, Stanley ThroneWhere stories live. Discover now