Antipolo

24 1 0
                                    

              :)

Mga tanong sa isipan ko noon 'Ano kaya pakiramdam kapag may isang taong makikinig sa'yo? Ano kaya pakiramdam kapag may isang tao na itatakas ka sa mundo para lang kalimutan ang problema mo?'



"Oh, tama na 'yan!" Isang beer ang tumakip sa mukha ko. Inis kong tinignan ang lalake na sumisira sa pagninilay ko sa tanawin.



"Hindi ba maaga pa para uminom?" Aniya ko pero tinanggap ko pa rin ang inaalok niya.



"Para maaga tayong matapos." Umupo siya sa tabi ko at siya na ang nagbukas ng beer na hawak ko.



"Al, tingin mo totoo ang afterlife?" tanong ko sakanya.



"Ano nanaman nasa utak mo?" Tinignan niya ako at hinipo ang noo ko, "May sayad ka nanaman?"



Hinawi ko ang kamay niyang nasa noo ko, "Gago ka naman! Nagtatanong ako nang maayos."



"Nagtatanong din ako. Ang random naman kasi niyang tanong mo." Umismid siya.



"Wala kasi ako maisip na pag-uusapan natin. Ano ba magandang pag-usapan?" Tumingala ako para mag-isip na pwede naming pag-usapan.



"Hindi naman sa lahat ng oras kailangan natin ng mapag-uusapan. Ayaw mo ba iappreciate 'tong lugar? Tumahimik ka kahit kaunting oras lang naman." sabi niya.



Pinaningkitan ko siya ng mata pero balewala sakanya 'yun dahil abala siyang tumingin sa tanawin. Dinala niya ako sa Antipolo na kung saan sumakit ang pwet ko sa biyahe. Pagka-layo-layo naman kasi ng lugar na ito!



Alvaro Gabriel, kaibigan ko simula— Basta matagal ko na siyang kaibigan! Hindi ko nga alam paano ko siya naging kaibigan. Basta ang alam ko siya 'yung tao na handa kang tulungan at ilayo sa mundo.



Pinagkatitigan ko ang mukha niya, gwapo naman siya at masasabi mo na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.



"Bakit pala dito mo 'ko dinala? Alam mo ba na kapag ginabi ako e mapapagalitan nanaman ako ni Mama?" ani ko sa kalagitnaan ng katahimikan.



"Alam ko, 'yun nga gusto ko, 'yung napapagalitan ka." Tumawa siya na ikinainis ko kaya nahampas ko siya.



"Inamo talaga!" mura ko sa kanya.



"Masakit ah! Ikaw ang hilig mo manghampas!" Hinimas niya ang braso niya.



Tinignan ko lang siya bago ibalik ang tingin sa tanawin.



"Maldita." Bulong niya na sapat para marinig ko.



"Aware ako, h'wag ka mag-alala!" Inirapan ko siya.



Gamit ang mabigat niyang braso ay pinatong niya 'yun sa balikat ko, "Nakikita mo ba ang tanawin na 'yan?"

Sorry, I love youWhere stories live. Discover now