Sagada

3 0 0
                                    

              :)

"Hindi ba dapat kapag ganto kasama ang panahon tumitigil ka sa pagmamaneho?" Malakas ang ulan ngayon at nag-aalala ako dahil madulas ang daan.



"Titila din naman ang ulan. Maingat din ako magmaneho, 'wag ka mag-alala." 



Wala akong ideya kung saan niya ako balak dalhin. Lagi talaga siya pabiga-bigla sa pag-aaya. Siguro kung lumilipad ang sasakyan niya ay nalibot na namin ang buong mundo. 



"Al, tumigil ka muna kaya sa isang tabi." sabi ko na may pag-aalala. Kahit gaano siya kaingat magmaneho hindi pa rin namin masasabi ang disgrasya. Lalo na at madilim ang paligid, ewan ko ba sa trip niya at madaling araw siya nag-aya.



Sakto  naman at may nahintuan kaming gas station at doon niya hininto ang sasakyan sa tabi ng convenience store. 



"Masyado kang matatakutin kaya hindi ka matuto-tuto sa pagmamaneho," aniya at tinanggal ang seatbelt.



"Hindi ka ba natatakot? Tignan mo ang lakas nang ulan tapos 'yung kulog!" tukoy ko sa panahon ngayon.


Inihiga niya ang upuan at pinagkrus ang braso sa kanyang dibdib, "Oo nga pala, takot ka nga pala sa kidlat at kulog."



Tahimik ko lang siyang tinignan habang nakapikit siya. Hindi ako umapila sa sinabi niya kasi alam naman niyang ayaw ko ng gantong panahon. 



"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya.



"Sa Sagada." sagot niya.



"Bundok? Al, naman!" Hinampas ko ang braso niya, "Alam mong takot ako sa matataas na lugar!"



"Makahampas ka! Maganda doon at hindi mataas. Nasa tabi mo naman ako kaya safe ka." sabi niya.



"Kahit na!" dabog ko.



Umayos siya ng upo, "Alam mo andami mong kinatatakutan. Paano ka kaya nabubuhay?" 



"Dahil sa kape." pilosopo kong sagot.



Umiling lang siya at bumaba ng kotse, "Hoy! Saan ka pupunta?"



Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang naglakad papunta sa isang coffee shop. Kunot noo ko siyang hinintay lumabas doon. Inabot nang ilang minuto bago siya lumabas at may dala-dalang kape.



"Para saakin 'yan?" sabi ko habang nagbi-beautiful eyes.



"Asa ka? Pag pinainom kita ng kape lalo kang nenerbyusin." Sabi niya at sa harapan ko hinigop ang kape.



"Bwiset!" Bulong ko.



Binaba niya ang Iced coffee sa tabi ko at nagsimula na ulit magmaneho. Buong byahe ata ako nakatitig sa kape dahil hindi naman niya ginagalaw 'yun. Isa pa, hindi naman siya mahilig sa kape, mas mahilig siya sa tsaa o kaya gatas.

Sorry, I love youWhere stories live. Discover now