Tagaytay

4 0 0
                                    

              :)


Para akong nanlulumo na naglalakad palabas ng building namin. Maayos naman ang mga activities at maganda ang grade ko sa exam pero bakit ganto pa rin binigay saakin.


"Bad day?" Tanong ng isang lalaki na prenteng nakasandal sa hilux niyang puti.


"Ano sa tingin mo?" Pagsusungit ko.


"Bad day nga, sungit mo e." Tumawa siya.


"Tangina kasi! Ba't ba kasi nauso pa ang math!? Bagsak nanaman ako, lagot nanaman ako nito kay Mama." Paghihimutok ko.


Kinuha niya ang papel sa kamay ko, "Bagsak nga. Hayaan mo matataas naman grade mo sa ibang subject e."


"Kahit na, bagsak pa rin ako sa math. Kahit ano atang gawing review ko diyan, babagsak at babagsak pa rin ako."


"Ayan! Ayan!" Tinuro-turo niya ang mukha ko, "Kaya ka bumabagsak dahil sa pagiging negative mo!"


"Hindi ako nagiging negative 'no! Sadyang tanggap ko na kapalaran ko."


"Nega ka! Hindi mo tanggap kapalaran mo!" Binalik niya ang card ko at binuksan ang pinto ng sasakyan "Tara, ice cream tayo, libre ko."



"Para ka namang gago, Al!" Bulaslas ko ng mapagtanto kung saan kami papunta, "May klase pa ako bukas, 'di ako pwede gabihin!"



"Bago magdilim nakauwi na tayo. Masyado ka naman natataranta." 



Ayoko talaga nagpapaniwala sa lalakeng 'to. Pero okay na rin siguro kung didiretso kami ng Tagaytay. Ayoko muna ipakita kila Mama ang report card ko, bwiset na math kasi 'yan! Panira sa card ko.



"Alam mo kahit anong simangot mo jan, hindi na magbabago 'yung numero sa report card mo. Akala ko ba tanggap mo na kapalaran mo?" Pang-aasar ni Al saakin.



"Nabibwiset ako sa'yo. Sabi mo Ice cream lang tapos andito tayo." Inis na sumubo ako sa favorite kong ice cream na strawberry cheesecake.



"Kaya nga, ice cream nga. Hindi ka naman nagtanong saakin kung saan tayo kakain ng ice cream. Ikaw ang kusang sumakay sa kotse ko, so wala akong kasalanan?" Ngis-ngisi niyang paliwanag.



Lalo akong napasimangot sa dahilan niya. Bwiset talaga siya kahit kailan! Magaling talaga sa pagdadahilan 'tong lalaking 'to.



"Bro, dito!" Napatingin ako sa taong kinawayan niya.



Napanganga ako ng makita ang lalaking matangkad, "Tangina, buhay ka pa?"



"Ano sa tingin mo?" Tanong na pabalik saakin ni Travis. Kaibigan namin pareho ni Al na minsan lang namin makita dahil busy sa buhay niya.



"Long time, bro!" sabi ni Al.



"Long time!" Tumawa sila pareho.

Sorry, I love youWhere stories live. Discover now