Sorry

5 0 0
                                    

              :)

Ilang araw na ang lumipas simula noong aksidente. Nakakalungkot man isipin pero si Kuya Kiel lang ang nakaligtas sakanilang tatlo.



Ilang araw na rin simula noong iburol sila Harvey at Al, pero hindi ko naisipan pumunta. Ngayon na ang last day at mamayang hapon ang libing. 



Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang laptop ko. May natanggap akong mensahe mula kay Travis na may sinend daw siya sa email kong video. Hindi ko alam kung para saan ang video na 'yun.


Nanubig nanaman ang mata ko nang makita ang mukha ni Al. Hindi pa man nagsisimula ang video ay umiiyak nanaman ako. Lumunok ako bago pindutin ang play.



"Hi, It's me Alvaro!" Kumaway siya sa camera.



Natawa ako dahil sa pag-aayos niya at pagsasalamin sa camera.



Umayos siya ng umupo at tumkhim, "Baka nagtataka ka kung para saan ang video na 'to. 'Wag ka overthinker kasi hindi pa ako mamatay." Tumawa siya.



Ang tawa na hindi ko alam kung maririnig ko pa. Ang ngiti na hindi ko alam kung masisilayan ko pa kapag lalabas ako ng building namin o kaya ay sisilip ako sa bintana ng kwarto ko dahil nag-aantay siya.



"Itong video na 'to ay para sa future natin. Itatago ko muna 'to tapos papanoorin natin ng sabay, siguro after 4 years? 6 years? o higit pa. Siguro kung dumating araw na 'yon pareho na tayong umiibig o pwede rin na tayong dalawa na?" 



Nanumbalik ang alaala na tinanong niya ako kung papayag ako na maging kami kung sakali.



"Kate, dumating man ang araw na magkahiwalay tayo o mawala ako sa tabi mo. Pangako ko sa'yo na kapag kinailangan mo 'ko ay dadating ako para damayan at gabayan ka. Hinding-hindi ako mapapagod na biyan ka ng advice sa mga problema mo sa buhay."



Napatakip ako sa bibig ko dahil lumalakas ang hikbi ko at ayoko marinig ako nila mama na umiiyak nanaman. 



"Pangako ko sa'yo na hindi ako mapapagod na ipagmaneho ka o itakas ka sa mundo, makita ko lang na nakangiti ka at nakatawa ka." Napapunas siya sa mga mata niya. 



"Akala ko ba hindi ka umiiyak?" Tanong ko na akala mo naman ay masasagot niya ako.



"Kate, kung hindi man ako ang lalake na mag-aalaga sa'yo. Sana makatagpo ka ng lalake na mag-aalaga at magmamahal sa'yo, 'yung mas hihigit saakin." Ngumiti siya, pilit na ngiti.



"Wala na, Al, wala ng hihigit sa'yo..." bulong ko.



"Alam ko hindi mo natanong saakin 'to kahit isang beses pero ibabahagi ko pa rin. Dalawa lang ang goal ko sa buhay. Una, makita kang masaya hindi man ako ang dahilan. Pangalawa, masagot mong ayos ka kapag tinanong kita kung kumusta ka o kumusta ang buhay mo."  



Lalong sumisikip ang dibdib ko habang pinapakinggan at pinapanood siya sa screen.



Muli niyang pinunasan ang mga mata niya at bumuntong hininga, "Kate, gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi sa lahat ng oras sasang-ayon sa'yo ang mundo. Kung ano man ang problema na kinakaharap mo, paniwalaan mo na may araw na malalagpasan mo rin 'yan."



"Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na matatapos din lahat ng problema ko." sagot ko sakanya.



"Gaano katagal kaya tayo mabubuhay? Ilang taon kaya ang aabutin natin pareho?" Napayuko siya, "Sana kapag tanda natin maiusad mo na ang sarili mo. Sana totoong masaya ka na kasi ang hirap mong tignan pag alam mong peke 'yung tawa at ngiti mo."



"Totoo naman ngiti at tawa ko basta ikaw ang dahilan..." 



"Sa panahon na papanoorin natin 'to siguro narealize mo na hindi healthy ang pag-iisip ng kung ano-ano at mas healthy kung iisipin mo mga makapagpapasaya sa'yo. You should fill your happiness on your own, not because you want to fill the satisfaction of the people around you, but you want to fill what satisfy you."



Kahit anong gawin kong punas sa mata ko ay walang awat ang mga luha.



"'wag mo masyado problemahin ang math. Malalagpasan mo rin 'yan, hangga't may panahon kang ibawi ang grades mo, ibawi mo lang kasi kapag napanood natin 'to matatawa nalang tayo pareho." 



"Hayss, Al, miss na kita..." tinakpan ko ang mga mata ko para ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman.



"Kate, I love you big time! Smile ka ha? H'wag ka na umiyak!" gamit ang dalawang daliri ay nilapat niya iyon sa magkabilang gilid ng labi niya at parang inistretch niya ang labi para kumurba ng ngiti, "Tandaan mo lagi, hindi importante ang iisipin ng ibang tao o ni Tita sa'yo dahil mas importante pa rin kung ano ang iisipin mo sa sarili mo."



Napatingin ulit ako sa screen dahil hindi pa siya tapo, "More roadtrips to come, Kate. Pangako na ililibot kita at susulitin natin ang buhay hanggang sa mahanap mo ang purpose mo. Goodbye, I love you!"



            <'3

Sorry, I love youWhere stories live. Discover now