I love you

6 0 0
                                    

              :)

Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang tinatahak ang daan. Dinala ko ang paborito niyang bulaklak na sampaguita. 


Kusang huminto ang mga paa ko sa harapan ng puntod niya. Lumuhod ako sa harapan niyon at binaba ang bulaklak na dala. Nilabas ko rin ang kandila na dinala ko at hinawi ang mga tuyot na dahon.


"Sorry, inabot pa ako ng apat na taon bago ka dalawin sa mismong puntod mo." Sinubukan kong pigilan ang huwag umiyak pero mukhang may sariling buhay ang luha ko.


Nilabas ko ang papel na nasa bag ko. Sumulat ako ng letter kagabi para basahin iyon sa harapan niya.

"Hi, Al, it's been four years." Panimula ko.



"Noong mawala ka, tanong ko sa sarili ko 'Anong gagawin ko ngayon na wala ka na?' Hindi ko pala kaya na wala ka sa tabi ko. Noong una ay nahihirapan ako pero unti-unti na nasasanay." Inayos ko ang buhok ko dahil nagugulo gawa ng paglakas ng hangin, hangin na parang niyayakap nanaman ako.



"May kaunting pagsisisi ako sa buhay ko. Kung alam ko lang na mawawala ka noong araw na 'yon, sana kinausap kita para makipag-ayos. Hindi ko tinaasan ang pride ko. Sana tinabihan kita at uminom din ako kasama mo. Sana sinulit ko 'yung araw na 'yon." Ilang beses ko rin pinagsisihan ang ginawa ko noon.


"Sa loob ng apat na taon maraming nangyari saakin na alam kong nakita mo na rin. Una, natuto na akong magmaneho. Kaya ko na ipagmaneho sarili ko, kaya ko na dalhin ang sarili ko sa lugar na gusto kong puntahan. Pangalawa, kaya ko ng tumawid, kahit ilang kalsada pa ang ipatawid mo saakin, kaya ko na." Tumigil ako para suminghap ng hangin.


"Pangatlo, kaya ko na rin magsaing at magluto ng ulam. Kung andito ka lang sana baka araw-araw kitang pinagluto." Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko dahil hindi ko mabasa nang maayos.



"Al, proud ka ba saakin? Nakagraduate na ako at naipasa ko na ang math ko. Inaral ko siya dahil gusto ko siya matutunan at hindi dahil kailangan. Tama ka nga, tinatawanan ko nalang ang sarili ko noon dahil iniiyakan ko ang math.

Alam mo ba, nakuha ko ang dream job ko? nagiging successful na ako, Al. Sayang nga kasi pangarap ko na sa unang sweldo ko ay kakain tayo sa Tagaytay, 'yung paborito nating kainan ng lomi.

Iba na rin ang goal ko ngayon, maging tuloy-tulong ang success ko. 'Wag ka mag-alala masaya na ako at hindi na ako nag-iisip ng kung ano-ano. Nakinig din ako sa'yo na isipin ang sarili ko. Lahat ng payo mo nakatatak sa utak ko.

Ngayon kung tatanungin mo 'ko kung kaya ko na ba kapag wala ka? Ang sagot ko ay, kinakaya ko na. Unti-unti na akong nasasanay at unti-unti ko na ring natatanggap na wala ka na talaga. Hindi ka na talaga babalik. 

Hayaan mo dadating din ang araw na kaya ko na talaga mabuhay na wala ka. Sana naiintindihan mo kung bakit aabutin ng ilang taon bago ako masanay.

Ikaw kasi! Sinanay mo 'ko na anjan ka palagi, ayan tuloy. Hindi ko alam paano ka kalimutan!" Tumawa ako ng pilit.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, "Siguro kaya hindi ako okay dahil natatakot pa rin ako na makalimutan kita. Makalimutan ko ang mukha mo pag galit, pag nagtatampo, pag masaya, at pag-umiiyak. Takot din ako na makalimutan ang boses mo kaya buti nalang talaga marami akong videos mo na tumatawa at iba't-ibang emosyon mo."


"I don't know when will I get better. But all I know is that I'm getting better.  Starting to love the things I stop due to personal reasons. Starting to motivate myself again. No more advice from you. No more talk about life, about how's life. No more biglaang gala. No more "Tara sunduin kita punta tayo somewhere". No more, Al. But it's okay, maybe soon we'll meet again." Tiniklop ko ang papel at muling tinago sa bag ko.



Huminga ako nang malalim, "Sana kung sakaling may susunod na buhay pa tayo at nagkita tayo ulit. Sana pagbigyan mo 'ko na ako naman ang magmamaneho para sa'yo. Sana pagbigyan mo 'ko na ako naman ang makikinig sa mga rants mo sa buhay... Kasi alam kong meron ka ring problema pero mas inuuna mong pakinggan 'yung akin. 


Ako naman mag-aadvice sa'yo, ako naman magtuturo sa'yo ng math. Hindi ako maiinis kahit gaano pa karami ang katanungan mo. Kahit hirap ako, uunahin kita. Lahat ng ginawa mo saakin ay gagawin ko sa'yo... Ako naman mag-aalaga sa'yo, Al."


Saglit akong tumahimik at tinignan ang pangalan niya. Iniyak ko lahat ng sakit na kinimkim ko sa loob ng apat na taon.


Pagkatapos ko kumalma ay tumayo ako, "Ayoko na magtagal at baka dito na ako tumira sa tabi mo. Till our next roadtrips my angel. Till our next life. Till I go up there. Thank you for everything. Sorry and I love you."


Nakakaunang hakbang palang ako nang humarap ulit ako sa puntod niya dahil naalala ko ang lagi niyang tanong saakin, "Okay na ako, Al."



            <'3




Sorry, I love youWhere stories live. Discover now