Bataan

5 0 0
                                    

              :)


Nakakairita ang pagvibrate ng phone ko. Gusto ko pa matulog nang mahabang oras pero ang cellphone ko ay ayaw makisama.


Inis na dinampot ko ang cellphone at sinagot kung sino man ang ilang beses na tumatawag, "Pwede ba gusto ko matulog!"


[Naknang! Tulog ka pa rin!? Anong oras na, Kate! Gumising ka na jan, nandito ako sa labas niyo.]


Napamulat ako ng mapamilyar ang boses ng lalake sa kabilang linya, "Tangina, Al, ano nanaman ginagawa mo rito? Gusto ko p—"


[Al? Pumasok ka, iho.] Rinig ko sa kabilang linya Si Mama na pinagbuksan siya ng gate.


Wala akong ibang choice kundi ang bumangon sa higaan. Napalabi pa ako nang tignan ito dahil parang hinahatak niya ako pabalik.


"Bwiset ka talaga Alvaro Gabriel!" Inis kong sabi.


Nagtungo ako sa pintuan at saktong pagbukas ko ay pakatok palang si Mama.


"May bisita ka." Sabi ni Mama.


"Opo, alam ko po," sagot ko sakanya.


Kapwa kami bumaba. Nakita ko kaagad si Al na nakangisi at mukhang asong naghihintay sa amo niya.



"Ano nanaman kailangan mo, Gabriel?" Tawag ko sa pangalan niya kapag naiinis ako.



"Goodmorning, ang aga-aga ang sungit mo." Nakangiti niyang sabi.



"Ang aga mo kasi mang bulabog. Alam mo bang ilang oras palang ang tulog ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.



"S'yempre hindi. Malay ko ba kung ano pinagkakaabalahan mo sa gabi. Magpuyat ka kasi kala mo may boyfriend." Tinarayan niya ako pabalik.



"Bastos ka," Mahina kong sabi.



"Maligo ka na may pupuntahan tayo — Tita, ano po almusal natin jan?" Hinawi niya ako para puntahan si Mama sa kusina na abala sa paghahanda ng almusal.



"Kapal talaga ng mukha." Bulong ko.



Daan palang na tinatahak namin ay alam ko na agad kung saan kami papunta. Ano nanaman kaya gagawin namin dito?



"Wala ka bang nakakalimutan ngayong araw?" Tanong ko sakanya habang busy sa cellphone at nagpapasalamat sa mga bumabati saakin.



"Ano ba meron ngayong araw?" Casual niyang tanong na parang hindi alam ang okasyon ngayon.



"Wala." tipid kong sabi.



Tinago ko ang cellphone ko at tinanaw ang dinadaanan namin. Bwiset! Ang daming okasyon ang pwede niyang makalimutan, itong okasyon pa.

Sorry, I love youWhere stories live. Discover now