Chapter 7

1.9K 48 4
                                    

Ex girlfriend

Nandito ako ngayon sa condo ni Vin, He still hasn't come out of his room until now. Nag-away kami kanina dahil sa isang maliit na bagay. Akala mo siya talaga itong babae sa aming dalawa napaka tupakin, sumulyap ako sa may pinto saglit dahil narinig ko na ang pag-unlock nito. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin ito lumalabas.

"Ano na kayang nangyari sa kaniya sa loob?" Sabi ko sa sarili.

"Eh, siya naman kasi itong may kasalanan tapos siya pa ang may ganang magtampo at magmukmok sa kwarto tsk." Padabog akong tumayo at lumapit na sa pinto para silipin kung ano ang ginagawa niya.

Bukas ang pinto, pero ang tahimik baka natutulog siya. Kaya dahan dahan akong pumasok sa loob at mahinang sinara ang pinto. Nilibot ko ang paningin ko, wala siya sa kama o kahit saang sulok ng kwarto niya pero naka rinig ako ng patak ng tubig na nanggagaling sa banyo.

Baka naliligo siya, lumapit ako roon para sana silipin siya pero ng b-buksan ko ito ay siya ring pagbukas ng pinto nito kaya gulat akong napatingin sa lalaking basa ang buhok at naka towel ang kalahati nitong katawan habang tumutulo ang tubig sa buong katawan na nangangaling sa buhok niyang basa.

Napatingin ako sa kaniya ng dahan dahan, napalunok ako sa sarili kong laway dahil bakit ganoon? Ang gwapo nitong nilalang na ito tapos bakla, hindi katangap tangap.

"Ahhh, rapist may rapist sa! Tulong neighbors tulong!" Maarteng sigaw nito na parang babae. Ang pangit ng pilit niyang boses. Sumisigaw siya ngunit hinahanyaan lang na nakabalandra ang magandang katawan n-, No, no erase hindi siya matcho. Pinilig ko ang ulo dahil namamalikmata lang ako.

"Goddamn, ngayon lang ako nakakita ng bakla na may six packs abs sa buong buhay ko." Napapikit ako para pigilan ang sarili dahil mali ang iniisip ko bakla siya bakla.

Oo bakla siya, oo nga bakla siya pero bakit niya kinuha ang iniingatan kong peachypay ko. Winasak niya 'yon ng walang paalam sa akin! Kaya malaki ang galit ko sa kaniya! Ano siya chicks purkit dumidikit ako sa kaniya?

"So, gusto mo pa magpaalam sayo? Tapos papayag ka?" Baliw na talaga ako. Pati ba naman sarili ko ay kinakausap ko na dahil sa bakla na 'to.

"ARE YOU PERVERT! WHAT ARE YOU DOING HERE?" Akala mo napakalayo ko sa kaniya kung makasigaw. Ang sakit sa tenga ng matinis niyang boses kainis.

"Naririnig mo ba ako babae?" Aniya na ikinalunok ko at tumayo na ng diretso at kunwari hindi ako attracted sa kaniya. Kahit gusto na talagang bumaba ng mata ko para tingnan ang kaniyang umbok na tiyan pero pinipigilan ko lamang ang aking sarili.

"Oo, hindi naman ako binge tamong nakikita mong may dalawa akong tenga!" Sabi ko tsaka siya tinalikuran at mabilis na lumabas sa kwarto niya.

"Problema no'n? Siya na nga itong naninilip." Aniya sa mahinang boses na 'di nakatakas sa aking pandinig.

Napaupo nalang ako sa panlalambot at kaba, feeling ko mahihimatay ako sa sobrang init sa loob kanina at bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Baka sa kaba lang, oo tama." Naisaboses ko na ang dapat na sa utak ko lang naman sana dapat sinasabi.

Nakaraan ang ilang minuto pa ay lumabas na siya at naka suot na ng jogging pants na itim na may stripe sa may gilid na puti at naka t-shirt na plain black lang at messy hair pa ang buhok, hindi ba siya nagsuklay? Mukha siyang nakuryente sa ayos ng buhok niya.

"Anong ulam?" Aniya at nakapamulsang umupo sa tabi ko. Umasog ako palayo sa kaniya dahil hangang ngayon ay nahihiya parin ako sa nakita ko kanina.

"Naririnig mo ba ako?" Tanong niya.

The Gay Who Stole My Virginity [Chen Series #1]Where stories live. Discover now