Chapter 29

973 20 3
                                    

Forgive 

Umaga na, Vin ang I were outside the house. Dinala niya ako sa  kwartel ng mga kabayo. Hindi ko alam na marami silang alaga na kabayo, may isang kabayo ang lumapit sa'kin.

Kulay puti ito, at ang pangalan ay Sky, she's a girl, tatlong taon na raw ito dito namatay ang nanay niya na kamukhang kamukha niya. Aggressive ang kabayo na ito ayon sa mga sabi nila ngunit ng lumapit sa'kin ay napaka-amo nito sa akin.

"Sky, huwag mo akong sipain  may baby sa loob ng tiyan ko." Hinimas ko ang ulo nito. Natawa ako ng magtango tango ito.

May lumapit sa'kin at niyakap ako nito sa likod. He kissed my cheek and smiled at me, hinimas niya ang tiyan ko at bumulong  na ikina pula ng pisngi ko.

"Ang ganda mo sa tuwing nasisinagan ka ng araw."

"Alam ko namang maganda ako." Tumawa ako sa kaniya. Ngumisi siya sa'kin.

"Sir, si Maya po nagwawala sa kwartel." Isa sa mga taga bantay dito.

Malawak ang lupain nila, may mga sasakhan rin dito kaming nadaanan na kanila ring pagmamay-ari. Sumakay kami gamit ang kabayo na si Sky kanina. Dahan-dahan lang naman ang takbo ni sky kaya ayos lang rin.

"Iiwan muna kita dito." Aniya bago ako hinalikan sa labi. Sumunod siya sa lalaki, may itsura ang bata na iyon ang sabi nila ay kababata iyan ng babaeng pinsan nila Vin. His grandfather adopted him dahil gustong gusto talaga siyang kalaro lagi ng pinsan niya.

Ngunit mapaghiwalay ang dalawa ng umuwi sa China ang mga magulang nito, para doon manirahan dahil kailangan rin kasi nandoon ang ibang business na naiwan ng grandparents ng mga magulang nila Vin.

Habang nagmumuni-muni ako ng biglang may nagsalita nq babae sa likod ko, maarte ang pamamaraan nito sa pagsasalita mukhang anak mayaman. Medyo nairita ako sa tono niya.

"What are you doing to my baby sky!" Maarte nitong sabi tsaka hinila ang tali sa kamay ko.

"At who are you  to hawak may baby?" Tumaas ang kilay nito at tumingin sa'kin mula ulo at paa.

Aba't ang babae na ito ay nakakainis, nakasuot ito ng denim skirt na above the knee na litaw na litaw ang makinis nitong balat habang ang pang itaas na damit nito ay V-neck na craptop na halos labas ang tiyan. Naka boots ito at curly hair. Mapulang-mapula ang labi at ang eyeliner ay napaka kapal, magmumukha itong bad girl style.

She looks pretty but I don't like her attitude. Nagpamaywang ito at  tinitigan ako ng mabuti, her brows arch as if she's judging me. 

"Why are you looking sa'kin?" Umirap siya.

"I know I am pretty pa kaysa sayo." Ani nito. Nakaramdam ako ng Inis sa pananalita nito, pinigilan ko ang kamay ko na manabunot dahil buntis ako.

Huminga ako ng malalim to calm my nerves, tatalikod na sana ako ng magsalita pa ito ulit.

"So pathetic ." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at dahil sa buntis ako hindi ko mapipigilan ang inis ko .

Huramarap ako dito at naisampal ko sa mukha niya ang damo na malapit sa'kin, nagtitili ito at natumba sa lakas ng tama sa mukha niya. Don't ever say that again.

"Who's pathetic now?" Malumanay kong sabi ngunit nagpupuyos na ako sa galit sa sinabi niya sa'kin biglang sumakit ang tiyan ko sa galit. Nakaramdam ako ng hilo napahawak ako sa bakod. Hindi ko na pinansin ang babae na panay ang sigaw. Nakita ko ay si Vin na nagmamadaling pumunta sa'kin at sinigawan ang babae na naka-upo at panay ang tili.

Nawalan ako ng malay at hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa'kin. Nagising ako ng may nagsisigawan sa labas ng kwarto, medyo maagaan na ang pakiramdam ko kumpara kanina, napahaba ata ang wala ng malay ko.

Hindi ko makita sa tabi ko si Vin, madilim ang paligid.  Tumingin ako sa tiyan ko at hinawakan ito. Napaluha ako sana walanf nangyaring masama sa iyo anak, I am sorry nagalit si mommy ng husto kanina. Napaluha ako paano kung may nangyaring masama sa anak ko?  Baka matuluyan na akong mabaliw.

Panay ako hikbi habang kausap ko anf tiyan ko, dahil hindi ako papayas na mahulog ito. Hindi ko kakayanin baka mawala ako sa sarili.

Nakarinig ako ng pagkaluskos ng pinto Vin  turned on the light, ang mukha nito ay napaka dilim at hindi maipinta ang mga mata at nagpupuyos sa galit habang may kasama itong babae sa likod.

"Apologize to her, now." Galit nitong sabi, he looks so mad and intimidating.  His gazed is fierce nakatingin ito sa'kin.

"I told you kuya! It's not my intention to hurt her! And I didn't know na she's pregnant." Tili nito at umiyak at nagtago sa dibdib ni Yohan. Kuya? Siya 'yung pinsan nila Vin? "I just want to greet her in a rude way pero I didn't know she'll be furious. Siya pa nga itong nanakit sa'kin tapos ako pa ang mag apologies! That's unfair." Hagulhol niya, habang ang kuya nito ay pinapatahan siya.

"I only want you here to apologized and  nothing else kung ayaw mo humingi ng tawad,  ipapatangal ko 'yung mga credit cards mo Threia ."  Walang alinlangan na sabi ni Vin.

"Reia, you need to apologize you almost hurt not only Daisy but also the baby. You heard what lolo and lola said to you." Mahinahon na pakiki-usap ni Yohan sa kapatid.

Tahimik lang ako, gusto ko rin marinig ang paghingi niya ng patawad.  I mean it's my fault rin dahil nagpatalo ako sa galit ko and I didn't control it kaya nasaktan ko rin siya.

"I am sorry if nahampas kita kanina." Sabi ko at ngumiti rito para hindi na siya mapagalitan ng mga kuya niya.

"Don't worry, wala naman nangyari sa baby ko and it's my fault dahil hind-" Vin cutter me off.

"No, don't tolerate her spoiled brat style." Matigas na samiti ni at parang walang makakabali ng decision niya.

"Fine, I am sorry. I didn't meant to hurt my niece/nephew I just want to get your attention earlier." Aniya at lumapit sa'kin. "Pease forgive me ate Daisy." Nagmamakaawa nito. I smiled at her and touched her hand.

"You can get my attention in a good way sana nagpakilala ka ng maayos so that hindi nagalit sayo ang kuya mo ." Sabi ko dito she's only 19  or 20 bata pa masyado. Ako kasi 24 na wala paring pag-iisip.

The Gay Who Stole My Virginity [Chen Series #1]Where stories live. Discover now