Chapter 31

813 16 1
                                    

A/N ; Andito na iyong kasunod ng chapter na ito : )

Goodbye Philippines

Isang linggo na ang lumipas, nakalabas narin ako ng hospital. Hangang ngayon lingid parin sa'kin ang mga nangyari hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon.
Ang luha ko ay sunod-sunod ang pagpatak habang nakatingin sa libingan ng anak ko, hindi ko mapigilan ang hindi masaktan ng sobra. Napakasakit ng ginawa ng ama mo sa'kin.

"Baby, Mom is apologising to what happened to you." Hinimas ko ang lapida nito habang patulou parin sa pagtulo ang luha ko." Hindi mo manlang nakita ang kagandahan ng mundo, kasalanan ito lahat ni mommy I promise na magpapakatatag si Mommg kahit wala ka na. I love you baby." Hinimas ko ulit ang lapida nito at inilagay ang bulaklak na binili ko.

Inayos ko ang sarili tsaka pinunasan ang luha ko, someone touched my shoulder. It was mom, I decided na sumama sa kaniya papuntang Canada para magsimula ulit kahit pakiramdam ko ay mahihirapan ako.

"Tama na sweety, let's go na baka malate tayo sa flight." Mommy broke the silence, I tilted my head and smiled bitterly. Tumango ako at pinunasan ulit ang luha na tumulo sa mata ko.

"Bye baby." Pumiyok ako sa huling sinabi ko at sumunod sa nanay ko. Medyo mahirap sa'kin na mapatawad si mommy pero siya lang ang taong malalapitan ko sa ngayon. Hindi ko rin sinabi kay Chantal na aalis ako ng bansa dahil wala talaga akong balak.

Umupo ako sa back-seat habang katabi ko ang seven month old kong kapatid na baby. He looked at me with a sad face, ngumiti ako sa kaniya ng kaunti, ingat niya ang mga kamay niya sign na gusto nitong magpabuhat sa'kin. Nakita kong lumingon si mommy at tinguan ako nito.

Kahit nanghihina ay kinuha ko ito, yumakap ito kaagad sa'kin maslalo akong lumambot at napaiyak ng yakapin ako nito. Tumingala siya at pinunasan ang pisngi ko natawa ako sa ginawa nito. Ang bata niya pa pero alam ng mag-comfort.

Nakatulog ito sa bisig ko, tiningnan ko ang maamo nitong mukha at naiisip ko. Kung nabuhay ang anak ko, ganito rin siguro siya sa'kin, nagsimula na naman mangilid ang luha ko ngunit pinigilan ko ito para hindi ako marinig na humikbi ng kapatid ko.

Wala rin akong balak na sumama kay mommy pero pumunta ito sa hospital kung saan ako naka-confine, ayaw ko pa silang pansinin that time dahil wala akong gana na maka-usap sila.

"I told you, ayokong makita pagmumukha mo." Galit kong sigaw sa kaniya ngunit matigas talaga ang ulo niya. Hinahawakan niya ang kamay ko pero inilalayo ko ito dahil ayoko siyang makita.

"Anak please, pagbigyan mo lang si mommy kahit ngayon lang sa at lowest mo." Pagmamakaawa nitong sabi.

"Hindi madali, hangang ngayon fresh parin ang sakit na binigay niyo sa'kin ni daddy tapos meron pang bago, hindi ko na alam kung makakaya ko paba ito!" Taas baba na ang balikat ko sa galit ngunit hindi talaga siya tumihil nagpupumilit talaga siya.

"Patawarin mo ako, anak gagawin ni mommy ang lahat para mapatawad mo lang ako... please!" Lumuhod ito sa harap ko habang umiiyak, hindi ko siya tiningnan dahil ayokong makita ito lumuluhod ng dahil sa'kin. "Sumama ka na sa'kin sa Canada kahit ngayon lang." Pangungulit niya sa'kin.

"Lumabas kana, wala kang dapat gawin." Walang emosyon kong saad at pumikit, sana paggising ko panaginip lang ang lahat. Hindi ko matanggap. Ang sakit sakit ng ginawa sa'kin ni Vin.

Kinabukasan, nandito ulit si mommy at hindi talaga umalis. Nagtaka ako ngunit hindi ko pinahalata iyon, mapula ang mata nito at parang magdamag hindi natulog. Nang mapansin niya akong gising na ay ngumiti ito sa'kin pero tinitigan ko lang siya ng blanko. Nawala ang ngiti niya dahil sa reaksyon na binigay ko hindi ako nagsalita ng tanungin niya ako.

The Gay Who Stole My Virginity [Chen Series #1]Where stories live. Discover now