Chapter 8

1.8K 55 4
                                    

A beast

Nagising ako sa isang kislot sa aking uluhan na hindi ko alam kung ano, minulat ko ang mga mata ng dahan-dahan at bumungad sa akin ang malapad na likod ng isang lalaki na nakatalikod habang may kung anong kinakalikot.

Medyo blur ang aking paningin lalo na't ay kagigising ko lamang. Umunat ako at inilibot ko ang aking paningin sa kabuon ng silid, pamilyar ang amoy at disenyo nito. Bakit ako napunta dito? Diba nasa party ako kagabi? Hindi naman kaya ang maghahatid sa akin dito? Hindi naman ata alam ni Atticus ang condo ni Bakla.

"Anong ginagawa ko rito?" I said in a low tone. Humarap ang lalaking nakatalikod sa akin at puno ng pag-alala ang kaniyang mukha.

"Are you alright now?" He said with so much care in his tone as he give me the food that he prepared for me. I was about to stand up but I can't because my head is still hurts.

"Don't force yourself to stand up, You've been unconscious for about two days now." Aniya at pinigilan akong tumayo, kinuha niya ulit sa akin ang pagkain na kaniyang binigay at inilapag sa bedside table.

"Let me feed you." Aniya na hindi ko na matangihan dahil medyo nakakaramdam parin ako ng panghihina at panglalambot. Hindi ko alam na ganoon na pala ako katagal na walang malay. So it happened last wednesday.

Para akong napipe dahil hindi parin ako makapaniwala na siya ang ex ni Atticus, bakit siya pa? Bakit nakita ko pq sila ulit? Ganito ba talaga kasama ang tadhana sa akin? Ang sabi ko ay ayoko silang makita. Pero ayon nakita ko parin sila kahit na iwasan ko sila ng iwasan.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya sa namamaos na boses. Tumingin lang siya sa akin at walang sinabi.

Kumuha siya ng kubyertos at nagsandok ng sabay tsaka niya ito inihipan ito inangat n'ya ng kaunti ang ulo ko at sinubo sa akin ang kubyertos na may lamang sabaw. Hinigop ko iyon at medyo mainit pa.

"Bakit ba kasi pumunta ka pa doon babae?" Inis niyang sabi."Tingnan mo ako pa tuloy itong nag-aalaga sayo!" Aniya sa matinis na boses na. Ang bilis naman magbago ng mood nitong bakla na 'to kanina alalang-alala.

I chuckled and took the bowl of his hand. Medyo nabawasan narin ang sakit ng ulo ko kaya nakaya ko ng tumayo kaso natataranta ang bakla kaya pinabalik na naman ako sa pwesto ko.

"I can do it by myself." Angal ko sa kaniya, ngunit tinaasan lamang ako nito ng kilay at ngumuso sa akin na tila ba'y sinasabi nito na halikan ko siya.

"Ano? Hahalikan kita?" Inosente kong tanong sa kaniya napangiwi siya at nagsuka-sukahan pa ang baklita. Parang may saltik lang hindi mo malaman kung ano ang sinasabi.

"Kadiri ka talagang babae ka! I said stay still!" He was so frustrated that he walk-out. Napakibit balikat nalang ako tsaka umupo na ng maayos kahit medyo mabigat ang pakiramdam. I don't want to be a Burden to him I must take care of myself.

After kong kumain ay tinawagan ko siya through phone lalo na't mukhang hindu niya ako maririnig, makaraan ang ilang segundo ay sumagot narin ito sa kabilang lin'ya.

"Bakit?" Paos nitong sabi sa kabilang lin'ya.

"Labas mo na nga 'yung pinagkainan ko, hindi ko pa kayang tumayo." Ako sa kabilang lin'ya.

"Kaya mo na 'yan."

"I still can't move." Ngumuso ako dahil kanina ay napaka bait niya sa akin tapos ngayon ay hindi na.

"Okay fine." Napangiti ako ng mapilit ko siya. Umaangal pa susunod rin naman pala.

Maya-maya ay bumukas na nga ang pinto at pumasok ang imahe ng isang lalaking mukhang kakagising lang, dahil medyo magulo ang mga buhok nito at ang mata ay medyo namumula pa. Pumasok siya ng dahan-dahan at direkta ang tingin sa akin.

The Gay Who Stole My Virginity [Chen Series #1]Where stories live. Discover now