Chapter 3

620 70 11
                                    

Natalia

Nag aagaw na ang dilim at liwanag ng napagpasyahan ko na umuwi na. Medyo marami na rin kasi ang nahuli kong mga ligaw na hayop katulad ng baboy ramo at mga usa. 

Nilinis ko na rin ang mga ito. Magbibigay na rin tuloy ako ng nahuli ko kay Alpha Daniel. Alam ko kasi na favorite niya ang mga ganito. Palagi ko kasi naririnig mula sa kanila ng kanyang Beta na kapatid din nito ang panghuhuli nila ng mga ganito na paminsan minsan na lang nila nagagawa dahil sa dami na rin ng trabaho at delikado din kasi dito ang mangaso pa. Lalong lalo na dito sa pagitan ng ibang pack. 

Baka kasi ma tyempuhan ng mga ito ang ibang pack na nangangaso din tapos magkaroon pa ng hindi magandang pag uusap na siyang maging dahilan pa para mag kainitan at mag laban ang mga ito. 

Kaya kung aalis man ang mga ito para mangaso ay maraming bantay ang dala ng mga ito. Para na rin sa seguridad nila. 

Nagmadali na akong umuwi at baka nag aalala na rin ang aking mga magulang. Paalam ko pa naman sa kanila na hindi ako magpapaabot ng gabi at delikado nga lalo sa katulad ko na nagpapaikot ikot pa dito sa labas. Dapat nasa loob na ako ng bahay namin. Baka may makakita pa sa akin na guard ay mapagkamalan pa akong isang espiya. 

Tsaka mamaya ay nasa lawn kami kung saan nagsama sama doon ang mga kaidad ko na mag shishift na into a wolf form. 

Kaya dapat lang na makapag handa na rin ako. Ayaw pa nga ako papuntahin doon nila Ama at Ina baka daw kasi e bully lang ako ng mga makakasabayan ko na mag change na bilang wolf. 

Paano naman kasi ang mga anak ng Beta, Delta at pati na rin ang aming susunod na Alpha na si Danielle lang naman ang makakasabayan ko mamaya na mag shift. Malamang nga lang na pagtatawanan ako doon ng mga ito kahit na ang mga sa saksi sa magaganap. 

Haist ako lang naman kasi ang nag iisang anak ng Omega na nandoon. Mabuti sana kung may mga kasabayan din ako na katulad ko atleast hindi sana ako mahihiya at nabubully na lang ng basta basta dahil may choices sila na ganunin. 

Pagdating ko ng bahay ay wala pa ang aking mga magulang. Mabuti naman kung ganun malamang kasi na pagagalitan ako ng mga ito eh. 

Dumiretso na muna ako sa may kusina namin at inayos muna ang aking mga dala dala. 

Inihiwalay ko na rin ang ibibigay ko mamaya kay Alpha Daniel. Tiyak na matutuwa yun sa ibibigay ko. 

Nang maayos ko na ang mga ito ay umakyat na ako ng tuluyan sa aking kwarto. Magpapahinga na muna ako saglit at alam ko na masakit daw kapag unang pag shift mo parang binali bali daw ang iyong mga buto ng sabay sabay kaya dapat naka relax ang katawan mo kapag nangyari yun. Para nasa kondisyon ako mamaya. 

Sana naman pure na white ang kulay ko mamaya para naman mukha akong malinis tingnan. Kahit doon man lang ay makabawi bawi ako. 

At sana din kung sino man ang aking magiging wolf ay magkapareho kami mag isip nito. Para maayos ang samahan namin at hindi nagkokontrahan. 

Nagising na lang ako sa mahihinang tapik sa akin ni Ina. "Natalia anak bumangon kana dyan at tayo ay kakain na. Nang makapag ready ka na rin para mamaya. Sumunod ka na lang sa baba ha. Nakahain na ako doon ikaw na lang ang hinihintay namin para kumain." Sabi sa akin ni Ina at tuluyan na nga itong lumabas ng kwarto ko. 

Hindi ko man lang namalayan na dumating na pala sila. Napagod kasi ako sa pangangaso kanina eh. Yung mga pinaka mabibilis at malalaking Baboy ramo at Usa ang aking hinuli. Hindi ako gumamit ng anumang sandata para mahuli ang mga ito. Tanging ang aking kamay at mabilis na paa lang ang aking gamit. 

Ganito ang ginagawa kong pag training sa aking sarili. Para mas lalo pa akong bumilis at lumakas din dahil sa pakikipag buno ko sa mga ligaw na hayop na katulad ng mga ito. Alam ko na mababangis ang mga yun lalo pa nga at ang pinili ko pa ay ang mga lalaki. 

Pagbaba ko ay nagsimula na kaming kumain. "Anak sure ka ba na talagang pupunta ka doon mamaya? Alam mo naman ang mga kasabayan mo na mag shift mga malalakas ang mga yun. Baka gawin ka lamang nilang katawa tawa doon anak ko. kahit naman ganito tayo ay ayaw din naman namin makita na ginaganun lang nila. Walang magulang na gustong makita ang anak nila na pinaglalaruan lang ng iba. Kaya nga kung maaari anak ay huwag ka na sanang pumunta pa doon. Baka hindi ako makapag pigil ay mangialam na lang ako basta kapag nakita kitang pinag lalaruan lang ng iba." Pangungumbinsi pa rin sa akin ni Ama. 

Bigla naman akong napaisip ng dahil doon. Sabagay may point naman kasi si Ama para sabihin niya sa akin yan. Ayaw lang naman nito na mapahamak ako doon. Pwede nga naman na dito na lang ako mag palit ng anyo kaysa yung makihalubilo pa ako sa kanila. Lalo na kapag pinatakbo na kami ng sabay sabay. Alam ko na ang mangyayari sa akin nun. Pagtutulungan na lang nila ako. Baka nga ikapahamak ko pa iyon. Lalo na at kami kami na lang ang nandoon banda. 

Bigla tuloy nag dalawang isip ako. Kung pupunta pa ba o hindi na. Kasi naman gusto ko rin sana makita ang mga ito sa kanilang wolf form lalo na si Ms. Danielle. Hayst oo crush ko na ito noon pa. Kahit na sobrang maldita nito sa akin ay hindi nakakabawas yun para mawala ang paghanga ko sa kanya. 

Ewan ko rin ba dito sa aking sarili at parang tuwang tuwa pa kahit na nga puro pananakit lang naman ang ginagawa nito sa akin basta ang mahalaga ay mapansin pa rin niya ako. 

Mas pinagtutuunan ko kasi ng pansin ang paglapit nito sa akin. Kaysa ang fact na kaya siya lumapit ay para ipahiya at kung ano ano na katatawanan ang ipapagawa sa akin.  

You Rejected Me. Remember?Where stories live. Discover now