Chapter 14

530 41 2
                                    

Natalia

Maaga akong nagising kasi nga ay may pasok ngayon tapos pupunta pa ako kila Ms. Danielle upang asikasuhin ito sa mga kailangan niya bago pumasok.

Mabilis ang kilos na naligo na ako kaagad at nag bihis na rin bago tuluyang bumaba. Naabutan ko na rin na gising na sila Ama at Ina at ngayon nga ay sabay sabay na kaming kumakain ng agahan ngayon.

Pupunta na rin kasi ang mga ito sa kani kanilang naka atang na trabaho dito sa pack.

Nang matapos na akong kumain ay nag paalam na rin ako sa kanila. Ayaw ko na mauna pang magising si Ms. Danielle bago ako makarating sa bahay nila. Malamang na malagot na naman ako doon kapag nangyari yun.

Nag mamadali na akong nag paalam kila ama at ina. Kinuha ko na rin sa taas ang bag ko at tumakbo na papunta sa bahay nila Ms. Danielle.

Pwede naman sana na mag shift ako bilang lobo upang mas mabilis na makarating ako sa bahay nila Ms. Danielle pero ayaw ko makatawag ng attention dahil sa itsura ko. Di hamak kasi na mas malaki pa ang wolf form ko compare sa mga matataas na rank dito sa pack.

Tsaka ayaw kong makita nila ako sa ayos ko bilang lobo. Tama ng si Ms. Danielle na lang ang makakita nun.

Mabilis na nakarating naman ako sa bahay ng mga ito na ngayon nga ay busy na ang mga kasambahay nila sa mga naka toka na gawain sa kanila.

Binati ko naman na ang mga ito at dumiritso na ako sa room ni Ms. Danielle.

Walang ingay na pumasok na ako sa room nito upang e handa na ang kanyang mga gamit. Ganito kasi ang ginagawa ko para pag gising na ito ay maliligo na lang siya, kakain at papasok na.

Pati na rin ang pag paligo nito ay hinanda ko na rin saka ako lumabas na ng tuluyan sa kwarto niya. At dumiritso na sa kusina upang ipag handa din ito ng pagkain niya.

May cook naman sila kaya lang ay dahil personal maid nga niya ako pati ito ay ginagawa ko na rin.

Nang matapos ako sa kusina ay dumiritso na ako sa may kotse nito at yun naman ang tinignan ko. May nag lilinis naman sa kotse niya kaya lang ay ayaw nito na may ibang pumapasok sa loob ng kotse niya kaya yun naman ang aking nilinis.

Matapos ko na malinis na ito ay bumalik na akong muli sa loob. Sakto naman na katatapos lang nitong kumain at naka bihis na rin siya.

Hindi ko naman maiwasan na hindi igala ang aking paningin sa kanyang kabuuan.

Hayst napaka ganda talaga niya. Kahit na ano pa ang usuot nito ay bagayna bagay talaga sa kanya.

Pero mabilis na inalis ko din ang aking paningin sa kanya at yumuko na lang ako. Ayaw ko na salubungin ang mga mata nito dahil baka matulala na naman ako at maka tikim ako ng sampal dito na madalas nitong gawin sa akin.

Diri diritso naman ng lumabas ito ng bahay nila at dumiritso na sa kanyang kotse. Sa sakay na sana ako sa kotse nito pero mabilis na sinamaan ako nito ng tingin.

"Mag lakad ka na lang dahil mula ngayon ay ayaw ko na nag di dikit ka sa akin." Masungit na suta nito sa akin.

Wala naman na akong nagawa kung hindi ang tanawin na lang ang papalayong sasakyan nito. Hayst ang layo pa naman ng school dito sa pack.

Na iiling na lang na nag simula ko ng tahakin ang daan papunta sa school. Nasa kalagitnaan na ako ng pag takbo ko ng madaanan ako ni Ms. Angel at mabilis na hininto nito ang kanyang kotse at kunot noo na binaba nito ang kanyang bintana.

"Bakit nag lalakad ka lang dyan Natalia? Nasaan si Danielle?" Nag tataka na tanong nito sa akin.

Napakamot naman ako sa aking ulo. "nauna na po e." Sagot ko naman dito. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na hindi na ako pwede pang sumakay sa sasakyan nito. Baka kasi kung ano na naman ang isipin nito doon sa isa.

"Ganun ba? Sumakay kana dito at malayo pa ang lalakarin mo nyan at ayaw ko na tumanggi ka." Sabi naman nito.

Wala naman ng nagawa na sumakay na ako sa kotse niya. Ayaw ko din naman na magalit pa ito sa akin.

Nang makasakay na ako ay mabilis na pina andar na nito ang kotse paalis. Malapit na kami sa school ng mag sabi ako dito na bababa na ako. Ayaw ko na may masabi pa sa akin ang ibang mga lobo at mas lalo lang silang mainis sa akin.

"Ms. Angel dyan na lang po sa gilid." Sabi ko naman dito.

Pero tinaasan lang ako nito ng kilay "malayo pa tayo sa school Natalia at ilang beses ko ba kailangan na sabihin sayo na Angel na lang ang itawag mo sa kain kapag tayong dalawa lang. Ganun na ba kahirap sayo na sundin ako sa hiling kong yun?" Nag ta tampo na sagot naman nito sa akin.

Mabilis naman na nag paliwanag ako dito kaagad. "please Angel wag kana mag tampo sa akin o. Nasanay lang kasi ako na tawagin ka sa ganung e. Tanda na rin ng pag galang sayo. Ikaw kaya ang susunod na Luna namin. Tsaka dito na lang ako bababa kasi naman baka kung ano ang isipin sa akin ng mga bully ko. Mas lalo lang silang may dahilan para mas e bully pa ako." Paliwanag ko naman sa kanya kaagad.

Naka hinto na rin ang kotse nito kaya naman hawak ko ngayon ang kanyang kamay habang nag papaliwanag dito.

Pansin ko lang na namumula ang mukha nito ngayon. Kaya naman agad na sinalat ko ang kanyang noo at leeg baka kasi may lagnat siya diba tapos papasok pa siya sa school.

"May sakit kaba? Namumula ka kasi e." Nag aalala na tanong ko pa sa kanya.

Pero mabilis na iniwas nito ang kanyang paningin sa akin at pati na rin ang hawak kong kamay niya. Tahimik lang ito at panay pa nag hinga niya ng malalim. Mukhang may bumabagabag dito.

"Okay lang ako Natalia at wala akong sakit. Dami mong napapansin e." Sagot naman niya sa akin

"Pero kung nag aalala ka sa mga bully mo ay hayaan mo lang sila at huwag mong pansinin. Mga papansin lang mga yun. Sa school kita ibaba at ayaw ko ng marami pang reklamo." Pinal na sabi pa nito.

Wala naman na akong nagawa pa. Siya na ang nag sabi e. Sino ba ako? Isa lang naman akong mababang uri ng lobo.

_________

Guys birthday ko ngayon. Baka naman may gusto mag pa burger dyan? Send gcash na☺️☺️☺️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Rejected Me. Remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon