Chapter 10

267 46 3
                                    

Natalia

Agad naman na ipinag himay ko ng isda si Ms. Angel at hindi ko na lang pinansin pa o binalingan ng tingin si Ms. Danielle. Bahala siya dyan. Dapat nga kami lang dalawa sana dito ni Ms. Angel e. Pasali sali lang siya sa amin. Tuloy imbis na makapag enjoy kami ay hindi na tuloy masyado.

Agad naman na inilagay ko sa plato ni Ms. Angel yung nahimay ko na isda at kakain na sana akong muli ng may bigla na lang isda na inilapag sa plato ko at ang Akala ko ay si Ms. Angel ang nag lagay nun.

Pero ng mag angat ako ng aking paningin ay nagulat na lang ako ng makita ko ang naka simangot na mukha ni Ms. Danielle ang aking nasa harapan at naka nguso na nag salita ito.

"Ipag himay mo din ako. Dalian mo at kanina pa ako nagugutom." Masungit na utos nito sa akin pero hindi naman makatingin ng diritso sa akin ito.

Parang gusto ko tuloy matawa dito. Dahil sa inaasal niya ngayon. Ngayon ko lang kasi ito nakita na naka nguso siya ng ganyan. Alam mo yung labag sa loob niya ang pinapagawa niya pero wala siyang choice.

Alam ko naman na napipilitan lang ito e. Kaya para wala ng away at marami pang salitang masasakit na mag mula dito ay ipinag himay ko na rin siya ng isda.

Medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko dahil doon kaya naman matiwasay na kaming natapos na kumain ng mga ito.

Nag pahinga lang kami ng kunti ng balak na naman sana akong ayain ni Ms. Angel na maligo na kami.

"Natalia, ligo na ulit tayo para ma sulit natin yung lamig ng tubig." Naka ngiti na sabi nito sa akin.

Sa sagot na sana ako sa kanya ng bigla na lang itong unahan ni Ms. Danielle.

"Maligo kana doon Angel at mag papaturo lang ako dito kay Natalia kung paano lumangoy." Singit nito na sabi sabay tingin nito sa akin at taas ng kilay.

Wala naman akong masabi dahil doon. Pero nagulat na lang ako ng bigla na lang itong mag hubad ng kanyang suot na damit at short kaya naman hindi ko mapigilan na hindi mapalunok ng wala sa oras.

Shit naman kasi dahil kung sobrang sexy na kanina ni Ms. Angel pero itong si Ms. Danielle tangina para siyang dyosa sa Olympus na bumaba dito sa lupa. Kaya naman hindi ko na mabilang kung naka ilang ulit ako ng lunok.

Nang igala ko ang aking paningin pababa sa katawan nito ay parang gusto ko ng mawalan ng malay dahil sa napaka sexy nito at ang flawless pa ng balat niya na mukhang ang sarap sarap pag hahalikan at pang gigilan. Hindi ko tuloy namalayan na sobrang napa higpit na ang hawak ko sa mga plato at narinig ko na lang na nabasag ito sa kamay ko.

Doon pa lang ako natauhan at parang tanga na bigla na lang namula ng mapansin ko ang naging reaction ko kay Ms. Danielle.

Tanga mo talaga Natalia kahit kailan. Pinapahiya mo lang ang iyong sarili. Dahil sa pagka pahiya ay hindi ko na nagawa pang ibaling ang tingin kong muli sa kanya at baka ipagkanolo na naman ako ng aking sarili at mawala na naman ako at gawing katawa tawa na naman. Nakakahiya na sobra.

Pero sobrang pula na ng mukha ko sa totoo lang dahil sa katangahan na aking nagawa.

Naramdaman ko na lang ang biglang pag hila sa akin papunta sa may tubig pero mas nagulat ako sa malambot na palad na humawak sa akin at ang parang kuryente na dumaloy sa himaymay ng ugat ko. Kaya hindi ko naiwasan na hindi mahila ang kamay ko dahil sa pagka bigla na agad ikina tingin nito ng masama.

"Huwag mong sabihin na ayaw mo akong turuan na lumangoy?" Galit na baling sa akin ni Ms. Danielle na ngayon nga ay ang sama sama na ng tingin sa akin.

Agad naman na sinagot ko ito. Mukhang mag ma maldita na kasi e.

"Hindi po Ms. Danielle, nagulat lang po ako." Nahihiya na sagot ko sa kanya at tumayo na ako upang mauna na sa may ilog.

Agad naman na sumunod ito sa akin at mabilis na kumapit sa aking braso kaya naman inalalayan ko ito habang nag lalakad na kami sa tubig.

Habang nasa tubig na kami ay itinuturo ko dito kung ano ang dapat niyang gawin.

Pero nag tataka lang ako dahil sa hindi siya marunong lumangoy. Dahil ang alam ko ay walang lobo na hindi marunong lumangoy. Dahil natural na  marunong na kaagad sa isang lobo ang lumangoy.

Lalo pa sa kanya na isa siyang mataas na uri ng lobo. Nasa kanya na halos lahat. Pero di ko na lang pinag aksayahan pa ang bagay na yun.  Baka nga hindi talaga siya marunong lumangoy tsaka bakit naman siya mag sinungaling na mag paturo diba? Lalo pa sa akin na kinasusuklaman nito.

Ngayon nga ay naka alalay lang ako sa kanya habang tinuturuan ko siyang lumangoy. Kaya naman hindi ko na napansin pa si Ms. Angel kung sumunod ba ito sa amin o hindi na ito naligo pa.

Halos isang oras ko na siyang tinuturuan at sa tingin ko naman ay medyo maalam na siya kaya hinayaan ko na lang na lumangoy ito at saka hinanap ko si Ms. Angel at nandoon pa rin ito sa may ilalim ng puno at nanonood lang sa amin ni Ms. Danielle.

Bigla tuloy akong nakaramdam dito ng hiya dahil doon. Dapat siya kasi ang inaasikaso ko pero kasi alangan na hindi ko sundin ang utos sa akin ni Ms. Danielle mas malalagot naman ako dito.

Agad naman ako nitong nginitian ng mapansin nito na naka tingin ako sa kanya. Kaya naman mas lalo lang akong nahiya dito.

Napaka bait talaga nito at alam ko na naintindihan ako nito at ang sitwasyon ko ngayon.

Pero agad naman na naalis ang tingin ko kay Ms. Angel ng may bigla na lang humila sa akin at pinaharap ako sa kanya.

"Ano ba ha Natalia? Tinuturuan mo ba talaga akong lumangoy o nakatayo ka lang dyan pero ang pakikipag flirt dito kay Angel ang ginagawa mo!!" Galit na sabi nito habang naka kuyom ang palad nito at mukhang handa na akong sapakin nito.

Agad naman na sinagot ko ito. "Sorry po Ms. Danielle. Napatingin lang po kasi ako kay Ms. Angel kasi mag isa lang siya doon e. Nakakahiya kasi na hindi ko siya naaasikaso." Sagot ko naman agad sa kanya.

Pero mas lalo lang yata itong nagalit sa sinagot ko sa kanya. "Ano ka ba naman Natalia e ang tanda na nun mas matanda pa nga yan sa atin tapos mag aalala kapa ng ganyan. Ako itong kailangan ng attention mo kasi nga ay nag papaturo ako sayona mag langoy tapos ganyan ka!!!" Galit na sagot naman niya.

Maya lang ay mabilis na lumangoy na ito papunta sa may pangpang at tuluyan na itong umahon ng ilog.
Habang ako ay parang tanga na naka tingin lang dito. Akala ko ba ay hindi siya marunong lumangoy? E bat ang bilis niya at sumisid pa nga siya e nag tataka na tanong ko sa aking sarili.

You Rejected Me. Remember?Where stories live. Discover now