Natalia
Halos magkasabay lang kami ni Ms. Danielle na pumasok sa room. Akala ko nga ay mag gagawin pa ito sa akin mabuti na nga lang at siyang dating din lang ng Prof namin. Kaya naman inunahan ko na itong pumasok sa loob.
Lalo pa nga at alam ko na mainit na naman ang ulo nito sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit e. Maging ang aking wolf ay nag tataka na rin sa ikinikilos nito.
Hindi na rin daw nito pinapansin ang wolf ni Ms. Danielle. Kahit na daw kausapin siya nito. Kasi naman ay wala na daw dahilan para mag usap pa silang dalawa kasi ni reject na nga daw kami ng mga ito.
Kapal din ng mukha ng wolf ko ano. Sana ganun din ako na may lakas ng loob na baliwalain din ito. Pero hindi nga pala pwede yun kasi anak ito ng alpha namin at siya din ang susunod na magiging alpha namin kapag bumaba na sa pwesto si Alpha Daniel.
Nang maka upo na ako ay halos kasunod ko din lang pala si Ms. Danielle na ngayon ay padaan na sa may upuan ko banda. Aalisin ko pa nga lang sana yung paa ko ng bigla na lang nitong tapakan.
Shit lang talaga ang sakit nun. Tingin ko nga ay sinadya nito talaga kasi ramdam ko na parang diniin pa nito yun e.
Pero ang umaray na lang ang tangi kong magagawa. Dahil wala naman akong karapatan na sitahin ito o mag reklamo man lang.
Mabilis naman na binalingan ako nito ng masamang tingin niya kaya agad ay nag baba ako ng ulo ko. Ayaw ko lang na makita muli ang galit nitong mag matang naka tingin sa akin.
Kasi nasa saktan ako kapag ganun. Feeling ko tuloy ay wala na akong mabuting nagawa sa kanya. Kaya kung maaari ay umiwas na lang ang tangi kong magagawa.
"Pumunta ka mamaya sa bahay at mag uusap tayo " bilin pa nito sa akin bago ito tuluyan ng nag lakad patungo sa kanyang upuan.
Nag tataka naman kung bakit ako kailangan nitong kausapin? Sa tanda ko ay wala naman akong kasalanan sa kanya at isa pa ay hindi naman na niya ako maid kaya bakit need ko pang pumunta sa kanila.
Pero sabi ko nga ay ang sumunod na lang sa gusto nito ang tangi kong magagawa.
Matapos ang klase namin ay nakita ko na lang na nag mamadali ng lumabas ng room si Ms. Danielle na kasunod naman nito ang boyfriend niya.
Nang masiguro ko na naka alis na ang lahat ay saka pa lang ako tumayo sa kinauupuan ko at lumabas na rin ng room.
Pupunta pa ako sa office ni Ms. Mandy sinabi kasi nito sa akin kanina na sabay na daw kaming umuwe at wala akong magagawa kung hindi ang sundin ito. Tsaka pabor na rin sa akin yun dahil hindi na ako mapapagod pang mag takbo pauwe ng bahay.
Tsaka may pag uusapan din daw kami nito. Pansin ko lang na gusto akong makausap ng dalawang dyosa na ito. Hayst si Ms. Angel kaya gusto din kaya akong kausapin nito? Sa isip isip ko.
Agad na akong dumiritso sa office ni Ms. Mandy at naabutan ko naman itong nag aayos na ang kanyang gamit. Mukhang paalis na rin lang kami nito.
"May gagawin pa po ba ako Ms. Mandy?" Magalang na tanong ko dito. Habang tinutulungan na itong mag ayos ng kanyang gamit.
"Wala naman na Natalia. Kinukuha ko lang ang mga kailangan ko na gamit dahil mukhang matatagalan pang muli bago ko mabalikan ang office ko na ito." Sagot naman nito sa akin ..
Hindi ko naman maiwasan na hindi mapa kunot ng noo. Bakit saan pupunta si Ms. Mandy at matagal daw siyang hindi makaka punta dito? Tanong ko sa aking isipan. .
Nahiya naman ako mag hada hada na mag tanong dito kung saan siya pupunta. Baka kasi sabihin pa nito na feeling close kami. Nakaka hiya naman.
Hinintay ko na lang na sabihin nito sa akin ang dahilan kung bakit wala sya dito ng matagal. Kaya siguro binigay na lang niya sa akin ang susi ng kanyang office dahil doon.
Hanggang sa matapos ito at ngayon nga ay palabas na kami ng office niya. Habang ako ay bitbit ko ang mga gamit nito at patungo na kami sa kotse nito.
Nang nasa bahay na kami nito ay mag papaalam na sana ako sa kanya. Pero mabilis na pinigilan ako nito.
"Natalia mamaya ka na umuwe at may pag uusapan pa tayo. Maupo ka na muna dyan at mag re ready lang ako ng meryenda natin." Sabi nito sa akin at umalis na ito kaagad sa aking harapan .
Bigla naman akong naka ramdam ng hiya dito. Paano naman kasi, ako itong maid niya pero siya ang mag ha handa ng meryenda namin. Nakakahiya talaga yun. Feeling ko tuloy ito na ang katulong ko ngayon.
Ayaw ko naman na isipin nito na mapag samantala ako na tao pero wala akong magagawa kung ganito ito.
Maya lang ay naka balik na si Ms. Mandy na may dala ng tray na laman ang meryenda namin. Agad naman itong umiling ng makita niya na patayo na sana ako upang tulungan ito.
Nang mailapag na nitong lahat ang meryenda ay umupo na rin ito.
"Natalia, isasama nga pala kita pag punta ko sa patag. Bukas ng madaling araw na tayo aalis. Naipag paalam na rin kita kay Alpha Daniel at maging sa parents mo. Kaya hindi mo na kailangan na mag paliwanag pa sa kanila. Kailangan kita doon kasi marami akong need na tapusin sa lalong madaling panahon na kailangan dito sa pack natin. Kaya hihintayin na lang kita dito bukas ng bandang 4. Kailangan na bago sumikat ang araw ay nasa patag na tayo. Para wala masyadong maka pansin sa atin na mga tao." Tuloy tuloy na sabi nito sa akin..
Hindi naman ako maka paniwala na naka tingin lang dito. As in ako talaga ang isasama niya a patag?
"At isa pa nga pala. Kasama din natin si Ms. Angel. Kaya kailangan talaga namin ang tulong mo. Hindi mo na rin kailangan na mag dala ng mga gamit mo kasi marami naman mabibili doon. Basta huwag ka ng mag dala ng kahit ano pa." Sabi pa nito.
Napa tango na Lang naman ako dito. Wala naman akong masabi sa kanya kung hindi ang sumangayon dito.
BINABASA MO ANG
You Rejected Me. Remember?
FantasySa edad na 16 di pa rin nakakapag shift into a wolf form si Natalia. kaya madalas syang ma bully ng mga kapwa nya lobo si Natalia ay napulot sa tabing ilog ng mag asawang omega nung sya ay sanggol pa. samantala si Danielle naman ay isang anak ng alp...