Chapter 18

364 46 7
                                    

Natalia

Napatingin naman ako dito ng wala sa oras dahil sa sinabi nito sa akin na bakit di pa daw ako sumasakay sa kotse niya.

Akala ko ba ay hindi na ako nito isa sabay pa pauwe? Pero bakit bigla na lang itong nag salita sa akin ng ganun.

Nalingunan ko naman ito na masama na naman na naka tingin sa akin at tinaasan pa talaga ako ng kilay nito na parang mag hahamon pa sa akin.

"Sumakay ka na!!" Galit na sigaw ulit nito sa akin.

Kaya naman kahit na nalilito ako sa kinikilos nito ay wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumakay sa kotse nito pero bago yun ay binalingan ko muna si Ms. Mandy.

"Kay Ms. Danielle na lang po ako sa sabay Ms. Mandy. Sige po mauna na kami." Naka ngiti na paalam ko dito.

Na tinanguan lang naman nito at binigyan din ako ng matamis na ngiti nito na nag pagaan ng aking nararamdaman ngayon.

Nang makapasok na ako ng kotse ay siya din na pag pasok sa kotse ni Ms. Danielle at mukhang mainit na naman ang ulo nito dahil madilim ang mukha nito.

Padaskol na sinara nito ang pinto ng kanyang kotse na siyang ikina bigla ko pa.

"Napaka landi talaga bwisit!!" Dinig na dinig ko na pag bubusa nito.

Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy nito na malandi. Tsaka wala naman akong balak na alamin pa ang bagay na yun. Baka madamay pa ako sa galit nito kapag nag tanong pa ako sa kanya.

Baka nag se selos ito. Dahil baka may lumalapit na babae sa boyfriend nito na si Brandon. Kaya mas magandang manahimik na lang talaga.

"May pa ngiti ngiti pang nalalaman. Sarap burahin ng mukha!!" Galit na busa pa rin nito.

Tahimik lang naman ako na hinayaan na lang ito. Binaling ko na lang sa may bintana ang aking paningin na sakto naman na padaan si Ms. Angel na ang ganda ganda ngayon sa suot nito. Naka dress kasi siya na bagay na bagay dito.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi sundan ito ng tingin. Habang mababakas sa aking mukha ang paghanga dito. Bakit ba e humahanga lang naman ako at nakaka appreciate ng mga bagay na maganda sa paningin ko.

Naramdaman ko na lang ang biglang pag sakit ng ulo ko. Tangina nasapak na pala ako ng hindi ko namamalayan.

Nag tataka naman na binalingan ko ng tingin ang may gawa nito at kung kanina galit lang ito. Ngayon ay napaka dilimna ng mukha nito at para bang kunting kunti na lang ay sa sabog na ito sa galit.

Nag babaga na rin ang tingin na ibinibigay nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na hindi makaramdam ng takot dahil sa pinapakita nitong galit sa akin ngayon.

Kahit na natatakot ako sa ikinikilos nito ay nag tanong pa rin ako sa kanya. Bakit ba? Hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya ah.

"Bakit po Ms. Danielle? Anong nagawa kong mali?" Kinakabahan na tanong ko dito.

Kahit naman alam ko na mas malakas ako dito ay hindi ko maiwasan na maka ramdam ng takot sa kanya kapag ganyan siya sa akin. Ang kaba sa aking dibdib ay hindi mawala wala.

"Nag tanong ka pa talaga na bwisit ka!!!" Gigil na sagot naman nito sa akin.

"Eh hindi ko naman po alam kung anong nagawa kong mali at nagagalit po kayo dyan." Lakas loob na sagot ko naman dito.

Pagigil naman na bigla na lang akong hinawakan nito sa kwelyo ng damit ko at padaskol na hinila ako palapit sa kanya.

At dahil sa nabigla ako sa ginawa nito ay muntik na akong masubsob sa dibdib nito. Mabuti na lang at naitukod ko ang aking kamay sa upuan ng kotse nito kaya hindi natuloy yun.

Baka bigla na lang kaming mag harap ni kamatayan pag nangyari ang bagay na yun.

"Gandang ganda lang talaga kay Angel ha??? Sa kawayan na yun? Sa itsura na yun nagandahan ka!!??" Hindi makapaniwala na tanong nito sa akin.

Wala sa oras na napakamot naman ako sa aking kilay dahil sa sinabi nito sa akin.

"Eh ang ganda ganda naman po talaga ni Ms. Angel. Bagay na bagay pa sa kanya yung suot niyang dress." Pag ta tanggol ko naman kay Ms. Angel..

Yun naman talaga ang totoo ah. Tsaka paano na naging kawayan yun si Ms. Angel? Ang sexy nga niya e. Ewan ko ba naman dito kay Ms. Danielle at nagagalit siya ng ganyan. Para nagandahan lang doon sa tao galit na ito kaagad. Anong gusto niya siya lang ang maganda?

Alangan na sabihin ko sa kanya na mas maganda naman siya. Baka mas lalo lang itong magalit sa akin. Lalo pa nga at ex mate ko ito. Baka isipin pa nito na hanggang ngayon ay nag hahabol pa rin ako sa kanya na hindi ko pa rin tanggap ang nangyari.

Pero imbis na hindi na ito magalit pa sa akin ay mas lalo lang itong nagalit ngayon. Naka kuyom na ang isang kamao nito habang mas lalo lang humigpit ngayon ang pagkaka hawak nito sa kwelyo ng damit ko.

Feeling ko nga ay malapit na itong masira. Dahil sa ginagawa nito ngayon.

"At talagang pinag tanggol mo pa talaga ha. Ano? Crush mo ang kawayan na yun ha??? Mag sabi ka sa akin ng totoo na bwisit ka!!!" Galit na galit na tanong nito sa akin.

Hindi naman na ako maka tingin dito ng diritso ngayon dahil sa totoo lang ay medyo crush ko nga si Ms. Angel. Sino ba naman ang hindi magkaka gusto dito? Bukod sa napaka ganda na nga nito ay sobrang bait pa niya.

Kung hindi nga lang nakakahiya ay baka mas naisin ko pang ito na lang ang maging mate ko. Pero dahil alam ko naman ang agwat ng mga estado namin sa buhay ay hindi ko na inisip pa ang bagay na yun.

"Bakit hindi ka maka sagot ngayon ha??? Tangina Natalia sagutin mo ang tanong ko!!! May gusto ka ba kay Angel!!!? Mag sabi ka sa akin ng totoo!!!' sigaw nito sabay yugyug pa sa balikat ko.

You Rejected Me. Remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon