♡ Fourteen ♡

435 21 0
                                    

IMEE

Vida started going out with her Kuya's alongside with Tommy. Paunti-unting bumabalik si Vida sa pagiging madaldal at bibo niya simula ng madalas na niyang makabonding ang tatay ng mga kuya niya. Nakikita ko naman na okay din si Tommy sa kaniya kaya pumapayag akong sumama sama siya.

Sa totoo lang? Simula ng nakita ko ulit na masaya si Vida, pumapayag na ako sa lahat ng gusto at hilingin niya.

Katulad nalang ngayon, nagpaalam si Vida sa akin kung pwede daw ba na samahan ko silang magkakapatid na mag golf. Pumayag naman ako dahil weekends naman at wala akong gagawin sa bahay.

" Vids, kain na muna tayo baka tayo kainin ng isa diyan. Mukang isang linggong hindi kumain. " narinig kong sabi ni Matt at napa huh nalang ang kapatid niya

" Sige Matthew Joseph asarin mo ako. " sambit ko

" It's almost lunch time. Who wants to eat? " I heard Tommy asked and Yes he's with us now

" ME! " Vida and Matt shouted that annoys me

" Can we eat at Wildflour, Tito? I'm craving for their Steak Ai Poivre. " Vida said and started to arrange her things kaya tinulungan ko na hanggang sa sabay nagsalita si Michael at Tommy

" How about you Dad? " Michael

" Imee " Tommy

" ANO DAD?! SI MOM ANG GUSTO MO?! " sigaw ni Matthew kaya nabatukan siya ng ama niya

" Ayan, buti nga sayo. " bulong ko

" Ikaw Matthew ang siraulo mo kahit kailan. " iling ng Manong Borgy nila

" Ang ibig sabihin ko ay kung saan gustong kumain ng Mommy niyo. " paliwanag ni Tommy kaya biglang naginit ang pisngi ko

" Ahhh. Kasi linawin niyo lagi. " Matthew said

" Imee? " tawag sakin ni Tommy

" Huh? "

" Saan mo gustong kumain? " he asked

" Kung saan nalang gusto ng mga bata. " As I said, I got up to get Vida's bags.

"Ako na diyan. Sumakay na kayo ni Vida sa sasakyan. " Tommy said and took the bags I was holding.

" Uyy concern ang ex jowabels natin ha. " bulong ni Vida sa tenga ko

" Tumigil ka Imogen baka gusto mong ipasama kita sa mga Kuya mo at doon na tumira sa ama nila. " I threatens her

" Hindi nga Mom, kaya mo? Baka iyakan mo ako. " biro ulit ni Vida

" Ah sige teka. Tommy! " sigaw ko sa bintana ng van tsaka lumapit sa pinto si Tommy

" Gusto na daw magpaampon ni Vida sayo kasama ng mga kuya niya. " sabi ko kaya nakatanggap ako ng mahinang hampas galing kay Vida

" Tito, kasama daw po si Mom, gusto daw po niya na happy family tayo. " Vida giggled that made Tommy giggled too

" Imogen!! Wala akong sinasabing ganyan ha! " sigaw ko sa kaniya

" No worries. Welcome kayo sa bahay anytime. " sabi ni Tommy kaya napatili ang bunso ko

" Since welcome naman pala tayo sa house ng step-father ko, What if mag sleep over tayo doon ngayon. What if lang naman. " sabi ni Vida pagkasakay ng boys sa van

InconnueWhere stories live. Discover now