Sixteen

394 29 2
                                    

VIDA

It's my mom's birthday week pero hindi kami makapag celebrate dahil bumabagyo ngayon sa Ilocos. Good thing my Kuyas got home before the storm hit so we're all complete to celebrate Mom's birthday.

Nasa dining kami ni Kuya at ni Mia habang kumakain ng tirang cake na ginawa ni Ate Cara for Mommy. Malakas parin ang ulan at napakalamig ng hangin kaya lahat sila naka jacket at ako lang ang naka longsleeve. Paano ba naman, ang lamig ng bagyo dito ay natural na araw lang sa America.

" Ang lamig!! " sigaw ni Mommy paglabas niya ng kwarto niya

Binulungan ko naman si Mia

" You just miss Lolo Tommy eh. " Mia loudly said kaya nanlaki ang mata ni Mommy at kami ni Kuya ay nagpipigil ng tawa

" You know apo, don't ever listen to your Tito Matthew and Tita Vida ha? They're siraulo, crazy people. " sakit mo naman Josefa

" Like you Lolita? " Mia said kaya napahagalpak kami ng tawa ni Kuya

" Wala na kaming sinabi ha! " sabi ni Kuya Matt sabay taas ng kamay

" Actually Mia, you're right. " I chuckled

" FERDINAND RICHARD MICHAEL!! Get your daughter away from Matthew and Imogen please! Sumasakit ang ulo ko. " galit na sigaw ni Mommy kaya agad na kinuha ni Kuya Mike si Mia

" Ang lamig sobra, parang gusto kong papuntahin si Axiel para mayakap. Gusto mo tawagan ko si Tito para yakapin ka din Mommy? " tanong ko na agad namang kinainis ni Mommy

" Yieee ToSefa " biro ni Kuya Matt

" Shet, Yuck!!!! " tawa ni Mama

" Kanina, bwisit na bwisit eh. Kilig na kilig naman ngayon. Arte. " Irap ko

Mas natawa naman si Mommy at lumapit sa akin tsaka pinanggigilan ang pisngi ko.

" MAMA!!! IT HURTS!! " sigaw ko

" Ang cute cute talaga ng bunso ko! Selos ka? Ikaw parin naman ang forever baby ko eh. " Mommy said tsaka hinalikan ang pisngi ko pagkatapos niyang lapirutin

" So, gusto mong maging baby si Tommy Manotoc? " ngisi ko

" Gaga, hindi! Baka magkaroon pa ng Word War 3. " Mommy said and umupo sa tabi ko at kinain yung cake ko

" Eh! Cake ko yan eh. " reklamo ko

" Word War 3, baka kamo Magnitude 7.5 na Earthquake. " banat na naman ni Kuya Matt na ikinahalakhak ko

" Tarantado ka Matthew! " batok ni Mommy

" Bakit? Totoo naman ha! Dati nga nahuli ko kayo eh, nagaway pa kayo nung una tapos biglang away na pala sa kama. "

" Alam mo ikaw Matthew, hindi ko alam kung saan galing yang kapasmahan ng bibig mo. Hindi naman kami ganyan ng tatay mo. "

" Anong kayo ni Dad? Pasmad— " sasagot na sana si Kuya ng lumipad sa kaniya yung place mat

" Kung ayaw mong sa labas matulog at maging basang kapre, eh tumahimik ka. " pananakot ni Mommy

" Ma, nga pala I need to go back sa Cali next week. I have a scheduled consultation and hindi ko pwedeng ipagawa sa iba dahil I need to know everything myself. " I said while eating my cake

" How long will you stay there? " Ma asked

" A week or so? It depends kung ano magiging resulta. " I looked at Mom dahil medyo tumahimik siya

InconnueWhere stories live. Discover now