CHAPTER ONE

4.4K 74 4
                                    

" Samara ang ganda naman dito " sabi ni alona

" Salamat " naka ngiti kong sabi

Pinapasok ko na siya sa loob ng bahay ko

" Wow mag isa kalang dito ? " Tanong Niya

" May mga katulong ako at gardener so parang hindi "

Inaya ko siya sa kwarto ko

" WOW ang laki ng kwarto mo . Parang isang bahay na din itong kwarto mo mas malaki pa ata to kaysa sa bahay namin " manghang mangha niyang sabi

Natawa lang ako sa sinabi niya

Nag paalam muna ako saglit para makapag bihis na muna
Hinayaan ko muna siya mag ikot ikot dito sa kwarto ko

Dumeretso ako sa walk in closet ko kumuha lamang ako ng loose shirt at maiksing short

" Kung ganito bahay ko di na ako lalabas ng bahay " sabi niya

" Gutom kanaba ? Kuha kalang pagkain diyan sa mini pantry ko may pagkain naman diyan

pili kalang ng gusto mong kainin " sabi ko sakanya

Gulat na gulat siya sa sinabi ko

" May pantry ka dito sa loob ng kwarto eh diba sa kusina lang yun? " Takang tanong niya

" Ikaw na mismo nag sabi hindi kana lalabas ng bahay pag ganito bahay niyo ako naman di na ako lalabas ng kwarto kung may pantry ako sa loob so mindset lang " natatawa kong sabi

Natawa din siya sa sinabi ko

" Sabagay may point kanaman dun " natatawa niyang sabi

Inaya ko na si alona sa pantry

" Ilan beses ko naba sinabi ang salitang wow samara? " Nakatulala niyang sabi

Natawa lang ako sakanya

" Sige na kuha kana makakain mo diyan " pumasok na ako sa loob at kumuha lang ako sa mini ref ng tubig

" Siguro kung kasama ko mga kapatid ko tuwang tuwa siguro sila " Malungkot na kumuha lang siya ng biscuit at juice

" Bakit ? " Inaya ko siyang umupo muna dito sa balcony presko kasi ang simoy ng hangin dito

" Kasi hindi kami makakain ng ganito alam mo naman kulang nalang ang salitang isang kahid isang tuka " malungkot siyang tumatawa

nalungkt naman ako sa kanyang sinabi kaya may naisip akong gawin para saknya

" Sige bilisan mo diyan " sabi ko sakanya sabay tayo humabol naman siya sakin at takang sumunod sakin

" Saan tayo pupunta samara ?" Takang tanong niya

Di ako sumagot sakanya at tinawag ko ang isang driver pumasok na kami sa kotse

" Sa mall " sabi ko lang sa driver

" Anong gagawin natin sa mall?" Takang tanong ni alona

Nginitian ko lang siya at takang nakatingin lang siya sakin

Makarating kami sa mall bumaba agad ako at dumeretso sa supermarket

" Anong gagawin natin dito samara ? Ang dami dami mo pa naman pagkain sa bahay at kwarto mo ah ? " Takang taka lang siya nakatingin sakin

Hindi lang ako nag salita sakanya at kinuha lahat ng madampot ko at nilagay sa cart

Isang oras din kami nag grocery at tanong siya ng tanong pero never ako nag salita gusto ko sana supresahin siya

Pumunta na kami sa counter para mailagay na sa box at mabayaran na

Matapos kami sa supermarket pina dala ko muna sa ibang bondyguard ko ang mga pinamili namin.

Lucid DreamOù les histoires vivent. Découvrez maintenant