CHAPTER SIX

423 10 0
                                    

Diko alam nalungkot ako bigla nung nagising ako
Parang ayaw ko pa sana umalis ayaw ko pa sana gumising kaso pag sinasabi niya na kailangan ko na gumising nagigising talaga ako

Wala akong pasok ngayon kaya mag lilinis nalang ako ng buong bahay nagawa ko na din naman ang assignment ko kahapon . Nag palit na ako ng sapin sa kama, punda at kurtina din nag palit na ako . Inayos ko ang cabinet ko naka bukas pala ang pinto para incase na kumatok si nanay makita niyang nag lilinis na ako ng kwarto ko

Oo kahit maliit lang ang bahay namin dalawa ang kwarto dito isa kanila ni tatay at kapatid ko at isa sakin

Tinupi ko naman mga damitan ko sa cabinet nakita ko si nanay na sumilip sa kwarto wala naman sinabi na pinasalamat ko . Kumuha ako ng walis sa baba para mag agiw agiw na din sa kwarto at nag tanggal ng alikabok .

Matapos ko sa kwarto binaba ko na ang marumihang damit ko para sana mag laba nadin dahil lahat ng uniform ko andun pero inuna ko muna mag linis dito para wala masabi si nanay .

Isang oras din ako nag linis dito sa baba at nakapag lampaso na din ako ng may downy para bumango naman ang bahay namin . Matapos ko mag linis mag tatanghalian na din kaya naglaba muna ako bago kumain medyo madami dami din ito dahil sa sapin sa kama wala naman kami washing kaya mano mano talaga ang brush at kuskos ko dito .

Mag alas dos na din ako ng matapos ako sa pag lalaba . Isasampay ko nalang ito sa labas para matuyo agad

Kumuha muna ako ng hanger sa lagayan at nakasalubong ko pa si nanay

" Oi samara pag katapos mo diyan linisin mo din kwarto namin at linisin mo din ang banyo at mamalengke ka para sa hapunan natin mamaya " sabi ni mama at umalis na

Nalinis ko naman na yung banyo so kwarto nalang ni nanay.

Kumuha ako ng walis at dustpan at pang lampaso

Sinimulan ko muna mag walis walis at mag agiw sa kwarto nila . Wala naman masyado kalat sa kwarto ni nanay kaya mapapadali trabaho ko dito nag palit muna ako ng sapin punda at kurtina nila para maganda at masarap higan mamaya .

Matapos ay nag lampaso na din ako para bumango dito at ma relax siya napansin ko ang isang picture frame namin sa gilid ng kama ni nanay ang saya saya namin nun hindi ko alam anong nangyari samin

Lumabas na ako sa kwarto ni nanay at kakain muna ako saglit at gutom na ako alas tres na din naman at hindi pa ako kumakain

May nakita akong itlog sa lamesa at tinapay siguro kuhain ko nalang yung tinapay at kukuha nalang ng konting itlog palaman . Wala na din naman kasi kanin so no choice talaga ako.

Kinuha ko na ang pera kay nanay na nasa tita namin .

" Bumili ka ng pang pakbet yung nasa plastic na isang plastic lang ah " mataray na sabi niya

Umalis na ako at simulan mag lakad medyo malapit lang naman ang palengke dito samin kaya keri lang

Habang nag lalakad ako nakaramdam ako ng may sumusunod sakin sa likod ayaw ko man tingnan kaya binilisan ko nalang ang lakad ko

Nagulat nalang ako may humawak sa balikat ko at dahil sa gulat nasuntok ko yung humawak sakin

Nanlaki ang mata ko sa gulat

" Aray lakas nun ah " natatawa niyang sabi

" Sorry sorry austin hindi ko sinasadya " natataranta kong sabi

" Nako ok lang ako dapat humingi ng pasensya " natatawa niyang sabi

"Sorry talaga bakit kasi nakasunod ka sakin?" Takang tanong ko

" Susupresahin sana kita kaso ako ang na supresa mo " natatawa niyang sabi

" Sana tinawag mo nalang ako " nahihiyang sabi ko

" Its ok dont worry pero infairness ah lakas nun ah " natatawa padin niyang sabi

" Bakit mo ba ako sinusundan ?" Tanong ko sakanya

" Wala lang nakita kasi kita eh saan ba punta mo pwede ba ako sumama ?" Tanong niya

" Sure ka ? Sa palengke ang punta ko " sabi ko

" Sige sama ako na bobored kasi ako sa bahay eh " nag pauna na siyang lumakad

" Hindi kaba hahanapin sainyo?" Tanong ko sakanya

" Hindi naman alam naman nila nasa labas ako lagi pag walang pasok " kibit balikat niyang Sagot

Buti pa siya may oras para mag libot ako naubos ang oras ko kakalinis ng bahay

Makarating kami sa palengke pumunta agad ako sa suki ni mama ng gulay

" Oh samara anong hanap mo ?" Tanong ni aling tess

"Pang pakbet aling tess isang plastic lang daw po " sabi ko

" Ui pogi ng kasama mo ah jowa mo ?" Usisa niya

" Ayy naku aling tess hindi po kaklase ko lang po siya " sabi ko agad

Baka ano pa isipin ni austin jusko nakakahiya

" Nako sayang kay gwapong binata baka crush mo samara " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

" Aling tess naman baka ano isipin niya nakakahiya po " nahihiyang sabi

" Nako namumula ka nga eh " natatawa niyang sabi

" Oh eto na 20 nalang sayo dahil suki kanaman At mabait na bata" nanunukso padin ang tingin niya

" Salamat po " hinatak ko na agad si austin palabas ng palengke dahil nakakahiya na masyado

" Pasensya kana kanina ganun talaga si aling tess " nahihiya kong paumanhin

" Nakakatuwa nga first time ko makapasok sa palengke " natatawa niyang sabi 

Nagulat ako sa sinabi niya

" First time mo?" Napatingin ako sakanya

" Yea kasi si mama ang namamalengke samin ayaw niya kami isama dahil hindi daw gawain ng lalaki yun " paliwanag niya

" Buti kapa " mahinang sabi ko

" Tara meryenda muna tayo maaga pa naman eh " aya niya

" Nako ikaw nalang wala naman ako dalang pera ibabalik ko pa kay nanay itong pera "

" No my treat " nakangiti niyang sabi at hinila niya ako sa tusok tusok

" Maganda hapon mang ben dalawang sampung piso nga po ng fishball kikiam at kwek kwek at dalawang sampo din po na gulaman " masaya niyang sabi

Diko inaasahan na madalas sa ganito si austin wala sa itsura

"Pasensya na ito lang malilibre wala naman kasi karendirya o ano man kainan dito eh " nahihiya niyang saad napakamot pa siya sa batok niya

"Nako ako nga nahihiya sayo lagi mo nalang ako nililibre babawi ako next time " sabi ko sakanya

" Nako kahit wag na oh eto kain kana habang mainit pa masarap yan pag mainit yan "sabi niya

" Salamat dito ah " sinumulan ko na kainin yung akin

Binilisan ko lang din kumain baka hinahanap na ako samin

Nag aya na ako umuwi nung nasa barangay na niya kami

" Maraming salamat sa pag sama at sa pagkain hayaan mo babawi ako sayo " nahihiya akong ngumiti sakanya

Pero nag tataka ako bakit naka tingin lang siya sakin kaya nailang ako ako

" Bakit ka naka tingin ? " Tanong ko sakanya

Nagulat ako ng iangat niya ulo ko at laking gulat ko ang lapit ng Mukha niya sakin

" May sauce ka pa kasi sa labi " mahinang sabi niya

Sobrang namula ang mukha ko sa hindi ko malamang dahilan

Dahil ba may sauce ako sa mukha o dahil malapit siya sakin

TO BE CONTINUE

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

Lucid DreamWhere stories live. Discover now