Chapter Two

1.1K 22 1
                                    

Bumaba na ako pag katapos ko mag ayos ng kwarto may pasok pa ako

Naabutan ko si nanay sa kusina nag hahanda na para sa tanghalian namin hindi naman uso ang almusal samin dahil wala na sa budget ang almusal at meryenda samin .

Alam ko once makita ako ni nanay marami nanaman siya masasabi sakin

Dahan dahan ako pumasok sa banyo kaso bago ako makarating sa banyo

" Aba gising na pala ang mahal na prinsesa ano gusto mo na po ba ipaghanda ang kakainin mo po? " Sarcastic na sabi ni nanay

Hindi nalang ako kumibo

" Kayong mga kabataan ngayon puyat kayo ng puyat sa walang katuturan kung sana ikakayaman niyo yan . " Sermon niya padin

Pumasok na ako sa banyo para makapag ligo na .

Kaya mas gusto ko nasa panaginip nalang ako dahil sa panaginip mahal ako ng lahat sa panaginip malaya ako gawin lahat .

" Oi bilisan mo diyan hindi lang ikaw ang tao na maliligo " narinig kong katok ni nanay sa labas .

Binilisan ko nalang ang kilos ko natapos na ako lumabas na ako ng banyo nag suklay lang ako at kinuha ko ang bag at umalis na ako .

Hindi na talaga ako kumakakain sa bahay dahil mas lalo ako makakarinig kay nanay

Nakarating ako sa school at pumasok na sa room

" Magandang tanghali samara " maligayang bati ni alona

Yes kaibigan ko talaga si alona bestfriend since kinder 2 para na kaming magkapatid

" Kumain kana ? May tinapay ako dito " maligaya niyang sabi

" Salamat " kumuha lang ako ng isang piraso para lang magkalaman ang sikmura .

Maya maya pumasok  na ang guro namin .

Nag turo na siya ilang saglit lang din na tapos na siya .

Wala pang ilang saglit pumasok na din ang susunod na guro namin

Nag pa quiz lang siya at luckily tatlo lang mali ko .

" Hindi ka Kakain ? " Tanong ni alona

Umiling lang ako

Nag break time na kasi wala naman ako baon so matutulog nalang ako may 1hr and 30 mins naman so matutulog nalang ako yumuko na ako at ilang saglit pa

"Welcome Back " maligayang bati ng lalaki sa akin

" ANONG GINAGAWA MO DITO? " gulat na sabi ko dahil pag mulat ko mukha niya ang nakita ko

" Winewelcome ka " maligayang bati niya

" Sino kaba paano ka nakapasok ?" Inis na sabi ko

" Rain at your service " sumaludo pa siya

" Paano ka nakapasok sa panaginip ko?" Inis pa din na sabi ko

" Lucid dreamer din ako na pwede mag travel sa iba't ibang klaseng panaginip " maligaya niyang sabi

Pilit ko siyang binubura sa harapan ko

" NO NO NO walang effect yan sakin " natatawa niyang sabi

" Bakit? "  gulat at nagtataka kong tanong

" Secret " pakindat pa niyang sabi.

Inirapan ko nalang siya at sumakay sa kotse ko at sinabi ko sa driver ko na papasok na ako sa school

" Galing ilan bodyguards mo? "May  Bigla nagsalita Sa tabi ko

" Ano nanaman ginagawa mo dito ?" Inis na sabi ko

Lucid DreamWhere stories live. Discover now