CHAPTER NINE

369 14 0
                                    

Tulala ako nag lalakad papuntang school

Pinilit ko ulit matulog kanina kaso kumatok na si nanay sa pinto kaya di na ako sumubok pang muli

Malapit na ako ng school ng may tumawag sakin

" Samara "

Hindi ako lumingon kung sino man tumawag sakin

" Samara please kausapin mo muna ako " sabi ni alona

" Wala na tayong dapat pag usapan alona " malamig kong sabi at dumeretso na sa room

Tumatawag padin siya pero diko na nilingon

Balak pa sana ako kausapin niya sakto dumating na ang teacher namin.

Nung matapos na ang klase dali dali na akong umalis sa room para hindi na niya ako makausap dumeretso ako sa rooftop at dun mag tago .

May nakita akong upuan dun at dun sumubsob

" Welcome " naka ngiti niyang sabi

Nagulat ako na mukha niya agad ang  Nakita ako

" Ano ba bakit nang gugulat ka ? Inis na sabi ko

" Pasensya na " natatawa niyang sabi

Napairap nalang ako sakanya

" Tara alis tayo " sabi niya sabay hila niya sakin

" Oi saan tayo pupunta ?" Tanong ko sakanya yung kamay ko hawak niya kaya ang kamay ko sobrang nanginginig

" Chill kalang samara wag naman pahalata na patay na patay ka sakin " taas baba pa niya kilay niya

" Sira ulo anong patay na patay sayo " sigaw ko sakanya

" Masyadong defensive tsk tsk ok lang yan samara " naka ngisi niyang sabi

" Yea right Ulan " pairap kong sabi pero pinipigilan ko ngumiti

" Ngiti mo na yan samara mas maganda ka pag naka ngiti ka " naka ngiti niyang sabi

Nginitian ko siya ng pag ka tamis tamis na nag patulala sakanya

" Chill kalang wag kang pahalata na patay na patay ka sakin " pang aasar ko sakanya

" Patay na patay naman talaga ako sayo eh " pa kindat niyang sabi

Namula bigla pisngi ko sa sinabi niya

" Andito na tayo " maligaya niyang sabi

Gabi dito dinala niya ako sa cliff  na kita ang city light may table for 2 and may pa candle pa

Tulala lang ako naupo nung pinag hila niya ako ng upuan

" Para saan to?" Tanong ko

" Wala lang trip ko lang " sarcastic na sabi niya

Inirapan ko lang siya natawa naman siya sa pag irap ko

" Diba sabi ko sayo na gusto kita so ipaparamdam ko sayo na gusto kita at liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo " seryoso niyang sabi

Hindi ko alam kung nag bibiro ba siya o ano kasi nakilala ko siya na palabiro na tao

" Kung iniisip mo na niloloko kita . Nag kakamali ka never ako nag loko pag dating sa ganito " seryoso niyang sabi

" Kasi all of a sudden biglang ganito " mahinang sabi ko

Hindi siya nag salita kaya nag patuloy ako

" Kakatapos ko lang sa heartbreak tapos bigla ka nag confess tuloy iniisip ko na naawa kalang sakin kaya ganun " malungkot kong saad

Nagulat ako ng tumayo siya at hilain ako patayo at yakapin

" Hindi ako ganun tao malinis ang intensyon ko sayo samara kaya sana payagan at pag bigayan mo ako ligawan kahit dito manlang sa panaginip " mahinang sabi niya sa tenga ko

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya

" Mahal kita samara tatandaan mo yan " hinalikan niya ang noo ko

" Its time to wake up love see you later " mahinang sabi niya

At nagising ako

Bumaba na ako para silipin kung may teacher na sa room namin sakto pag baba ko ng hagdan kasabay ko lang pumasok ang teacher namin kaya wala ng panahon makalapit si alona sakin.

Nag quiz lang kami sa dalawang subject at na perfect ko naman . Oras na ng uwian dali dali ako nag ayos ng gamit at patakbong lumabas ng room para wala ako maabutan kahit sino sakanila .

Hingal na hingal ano ng makarating samin .

Wala pang tao sa bahay dahil na sa palengke pa si nanay

Umakyat muna ako sa taas para makapag palit bumaba agad ako para makapag linis at saing na din nag luto na din ako ng sardinas para sa ulam mamaya

Sa tanang buhay ko never ko nakasabay kumain ang magulang ko kahit isang beses lang .

Napapaisip ako ano kaya pakiramdam ng makasabay sa hapag ang magulang?

Matapos ko mag luto mag linis at mag saing kumain na ako para maka akyat nanako at makagawa ng takdang aralin .

Patapos na ako sa assignment ko ng di na kinaya ng mata ko ang antok

Andito ako sa rooftop nag taka ako bakit walang sumalubong na rain sakin

" Rain ? " Tawag ko

Pero walang rain na lumabas hinanap ko sa buong school wala padin siya

Chineck ko ang cliff wala din siya sa bahay ko wala din

"Rain " sigaw ko

"Rain asan kana " naiiyak kong sabi

" Rain iiwan mo din ba ako " napaluhod nalang ako sa sobrang iyak ko

" RAIN lumabas kanaman di na ako nakikipag biruan " inis na naiiyak kong sabi

Biglang bumuhos ang malakas nanulan

" Hindi ikaw ang ulan na hinahanap ko " mahina kong sabi

Medyo na tawa ako dahil iniisip ko si rain kaya binigyan ako ng ulan ng panaginip ko

" Rain asan kana lumabas kana diyan please " umiiyak ko padin sabi

" Kung kailan na realize ko na gusto kita dun ka mawawala " sigaw ko bigla

Nagulat ako wala ng ulan na tumatama sakin pag lingon ko sa likod ko ang lalaking kanina ko pa tinatawag at matamis na naka ngiti sakin

" Ano ulit yun samara ?" Matamis na sabi niya

" Saan kaba galing ?" Umiiyak kong sabi

" Akala ko iniwan mo na ako dito " patuloy ko

" Akala ko ayaw mo na sakin ayaw mo na sa  panaginip ko " patuloy ko habang hinahampas ang dibdib niya

Napakamot lang siya sa batok niya

" Pasensya na namasyal lang ako sa ibang panaginip habang wala ka dito " natatawa niyang sabi

Natahimik ako bigla dahil ngayon ko lang naalala mga pinag sasabi ko kanina

" So paki ulit nga po ang sinabi mo kanina " naka ngiti niyang sabi

" Wala ako sinasabi " nauutal kong sabi

" Ah wala ba sige alis nalang ako " tumalikod na siya sakin at pahakbang na palayo sakin

" Gusto kita " mahinang sabi ko

" Ano " huminto siya

" Gusto kita  Rain hindi ko alam kailan pa o bakit basta ang alam ko gusto kita gustong gusto kita "

Nagulat nalang ako na may labing sumalubong saking labi

Ilang segundo din ang lumipas

" Di mo alam kung gano mo ako pinasaya " naiiyak niyang sabi

" Mahal na mahal kita samara "

At muling hinalikan ang labi ko

TO BE CONTINUE

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

Lucid DreamWhere stories live. Discover now