CHAPTER EIGHT

374 9 0
                                    

Para ako na glue sa kinakatayuan ko di ako nakagalaw . Hanggang sa nag bell tumayo na ang dalawa dun lang nila ako nakita

Nanlalaki ang mata ni alona si austin naman ay naka ngiti sakin

" Samara " mahinang bulong niya

Dun lang ako natauhan ng hawakan niya ako sa kamay

" Samara let me explain " naiiyak niyang sabi

Di ko siya pinakinggan at tumakbo agad ako sa room nag paalam ako sa teacher namin kung pwede payagan ako umuwi dahil may emergency

Binigyan naman niya agad ako ng excuse letter at dali dali ako umalis

Nakasalubong ko pa sa pinto silang dalawa naka holding hands mapakla ako na tawa

" Samara please kausapin mo ako " pag mamakaawa niya hinawakan niya kamay ko

" Para saan pa ? "Tinanggal ko kamay niya sa pagkakahawak sakin sarado utak ko ngayon .

" Samara please " umiiyak niyang sabi pero binalewala ko siya at tumakbo na ako palabas ng gate

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa narating ko ang bahay namin wala naman si nanay dahil nasa palengke siya ngayon

Umakyat agad ako at sinarado ang pinto ko

Umiyak ako ng umiyak ang sakit sakit alam naman niya pero bakit niya ako trinaydor .

Sa kakaiyak ko nakatulog na pala ako

Dumeretso agad ako sa cliff na kita ang city lights

Sa sobrang lalim ng iniisip ko diko namalayan na sa tabi ko na pala si rain

" Andito kana pala " sabi niya

Parang alam niya na may problema ako kaya ganyan siya kalumanay .

Hindi ako sumagot nakantingin lang ako sa city lights sa baba

Ilang saglit lang

" Gusto mo mamasyal tayo sa ibang panaginip ? "

Napatingin ako sakanya

" Pwede ba yun? " Takang tanong ko

" Oo naman " tara hinawakan niya ang kamay ko may kuryente na dumaloy pero sinawalang bahala ko nalang yun

Isang pintuan ang nag appear sa harapan namin

" Tara na " hinila niya ako sa kamay

Una madilim makikita mo kaya napakapit ako kay rain

" Dont worry im here " sabi niya

Maya maya nag liwanag na din naman at magulat ako sa nakita ko sobrang daming stars sa langit

"Wow ang ganda dito " amaze kong sabi

" Bakit kaya dika mag likha ng ganito ang ganda oh " reklamo ni rain

" Luh ikaw na nga lang nakikitambay sa panaginip ko eh " inis na sabi ko

Natawa lang siya napatingin ako sa kamay namin mag kahawak at sakanya diko alam everytime na malapit siya sakin parang lagi ako hinahabol pero masarap sa pakiramdam.

" Pili ka saan tayo pupunta "

May apat na bahay sa harapan namin pare parehas lang siya lahat

" Sa pangalawa "

" Ok " maligaya niyang sabi hinila niya ako

Pag pasok namin masyado maliwanag na akala mo kukuhain kana ni san pedro napapikit ako dahil diko kaya ang liwanag

Lucid DreamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora