CHAPTER FOUR

527 13 0
                                    

Andito na kami ngayon sa garden tahimik lang kami gumagawa ng report namin nang hiram lang kami ng books sa library for more info para sa report namin

" Hay , gutom na ako kain muna kaya tayo? " Sabi ni austin

" Huh ? Sige ikaw nalang tuloy ko nalang ito" mahina kong sabi

Sa totoo lang wala naman talaga akong dalang pagkain pera never ako nag dala dahil kulang na kulang kami sa pera

" Huh? Hindi pwede di tayo makakapag isip ng tama kung walang laman utak natin " sabi niya

" Ok lang ako ikaw nalang " nahihiya kong sabi

" Ganito nalang ako nalang bibili ng pagkain natin dyan kalang ok? " Akmang tatayo na siya ng pigilan ko siya sa braso

Napatingin siya sa kamay ko kaya agad ko na bitawan

" Sorry " utal kong sabi

" Bakit?" Takang tanong niya

" Sa totoo lang kasi wala talaga akong pera para sa ganyan ganyan or dalang pagkain " nahihiya kong sabi

" Huh?" Naguguluhan niyang sabi

" Ah kasi nakalimutan kong ah oo nakalimutan ko mag dala ng pera o baon kaya ikaw nalang kumain dito lang ako baka pag dating mo tapos na to " sabi ko

" Dont worry ok? My treat kaya wag kana mag alala kaya diyan kanalang ok ? " Sabay karipas niyang takbo

Wala na ako nagawa dahil ang layo na niya pinag patuloy ko na itong report namin konti nalang matatapos na din naman ito kaso dahil sa tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin nakatulog ako

"Welcome back " maligayang bati ni rain

" Pupunta naba tayo sa beach ?" Tanong niya

" Hindi gigising din ako agad naka tulog lang ako dahil sarap matulog " sabi ko lang

" Huh saan kaba ngayon ?" Takang tanong niya

" Sa school " maiksing sabi ko

" Ah " Pag tango niya

" Teka nga ikaw ba walang klase o trabaho at lagi ka tulog ? " Taka kong tanong kasi kada makakatulog ako andito siya lagi sa panaginip ko nakatambay

" Huh ? Ayy nga pala parang ang saya mo ngayon ah?" Pag iiba niya ng usapan

Alam kong ayaw niya pag usapan kaya hinayaan ko nalang

" Ah kasama ko kasi si austin " nakangiti kong sabi

Nakatulala siya ngayon sakin

" Bakit ? May dumi ba ako sa mukha ?" Habang pinupunasan ko ang mukha ko

" Ah wala naman maganda ka pala pag naka ngiti " seryoso niyang sabi

Dun ko lang napansin na naka ngiti nga ako

" Bakit ngayon kalang ba nakakita ng taong naka ngiti " pag susuplada kong sabi

Natawa lang siya sa sinabi ko

" So parang inaayos mo na ang reality mo ah ? Ang saya saya mo kasi simula pa kanina " naka ngiti niyang sabi

" Hindi naman sa ganun siguro may parte na masaya ako pero may parte na gusto ko nalang talaga manatili dito " saad ko

" Bakit ? " Tanong niya

Di ako nag salita

" Mamaya kana mag kwento time to wake up na samara " at nagising nga ako

Diko alam bigla ako na lungkot dahil nagising ako

Bakit ako malulungkot ?

Pero paano niya nalalaman na gigising na ako ?

Lucid DreamWhere stories live. Discover now