50 ℕ

6.3K 235 44
                                        

Ara immediately dropped the call with her Kuya the moment she saw Kanoa's car enter the parking lot. He was five minutes late and luckily, Ara was in deep conversation with Sam.

She was strict when it came to her schedule. Time was precious and every second was valuable to her.

Nakasandal siya sa kotse niya habang naghihintay. Hawak niya ang camera niya dahil habang naghihintay bago tumawag ang kuya niya, kumukuha siya ng random photograph na puwede niyang i-print para sa album niya.

Nag-park si Kanoa hindi kalayuan sa sasakyan niya at pagbaba, hawak nito ang paperbag ng isang kilalang coffee shop. Dumiretso ito sa kaniya.

"Sorry." Kanoa apologized and gave her the cup of coffee from the paperbag. Meron din itong sariling kape. "Dumaan muna ako ng kape kaso medyo mahaba 'yung pila sa drive thru."

Kinuha ni Ara ang kape at tumango. "No worries," aniya at ngumiti.

"Tara na ba?" tanong ni Kanoa.

"I hope so." Ara bit her lower lip and looked at her coffee cup. Nakasulat doon ang pangalang Noa.

Kinuha ni Kanoa mula sa kamay niya ang susi ng sasakyan niya. Mayroon iyong branded leather keychain at may initial din niya. Hindi na siya nagsalita at umikot na papunta sa passenger's seat.

Naunang pumasok si Kanoa sa sasakyan niya. Paulit-ulitn iyang iniisip na sana ay hindi ito amoy usok para hindi siya mahirapan at nasagot iyon pagpasok niya sa kotse.

Nanuot sa ilong ni Ara ang panlalaking pabango ni Kanoa. Halata ring bagong ligo ito dahil ayos na ayos pa ang buhok, malayo sa ilang linggo niyang nakasanayang medyo magulo at mukhang hindi pa natutulog.

"Are you sure? I can drive," Ara said while looking at Kanoa.

Kanoa looked at her sideways and smiled. "Ako na. Matagal mo nang kotse 'to?"

Umiling si Ara. Pinakiramdaman niya ang init sa kapeng hawak niya. "Nope. Last year lang siya," sagot niya. "My old car was a little big for me, eh ako lang naman gumagamit. So I asked my parents for a small car."

"Good choice naman, sakto kasi puwede mo isingit sa traffic," sagot ni Kanoa.

Ara just nodded and didn't say a word. She low-key observed Kanoa as he drove her car. Medyo awkward ngang tingnan dahil maliit ang kotse niya at may katangkaran si Kanoa. Kinailangan pa nitong i-fully adjust ang upuan para sa mas malaking leg room.

She sipped some coffee. It was a cappuccino and Kanoa said there was a bagel in the paper bag for her. Mayroong kasamang strawberry jam and butter para sa palaman.

Muli niyang nilingon si Kanoa nang tumigil sila sa red light. Sumimsim ito sa sariling kape at humikab. Ang alam din niya, oras pa lang talaga ng tulog nito dahil minsang nabanggit sa kaniya na panghapon pa ang klase.

Bumaba ang tingin niya sa suot nitong damit. Simpleng itim na polo shirt na mayroong logo ng sikat na brand at blue jeans na pinarisan ng puting sneakers. Mayroon din itong kwintas na hanggang dibdib at hindi niya masiyadong makita kung ano ang pendant.

Siya naman ay naisipang magsuot ng jeans at sweatshirt na puti. Regalo sa kaniya iyon ni Belle at mayroong crochet na araw. Nag-tennis shoes na lang din siya para hindi masyadong masakit sa paa. Inipitan niya ang buhok niya at mayroon pa ring ribbon tulad ng nakasanayan na niya.

Tahimik ang sasakyan dahil kahit speaker, nakapatay. Nahiya rin si Ara dahil baka hindi music selection ni Kanoa ang nasa playlist niya.

"Second to the last semester mo na rin, right?" basag ni Kanoa sa katahimikan.

Ara nodded. "Yup. You?"

"Same. After graduation, saan mo balak na pumasok? Planning to pursue film?" Kanoa asked.

"I don't know yet." Ara shrugged. "Nagpa-plan ako mag-travel muna and enjoy. I don't know what to do. Ikaw? Do you have plans?"

Ibinalik ni Kanoa ang tingin sa daan. "Aside from pursuing the travel vlogs, gusto ko munang sumama sa big names sa photography like Marc Corpuz."

"Oh, good choice! Ang gaganda ng shots niya lalo that cover for Magazine," ani Ara dahil naalala niyang nasa news pa iyon noong nakaraan. "Pero are you also planning to do films, just in case?"

"Hindi ko masyadong gustong makatrabaho ang ibang tao," seryosong sagot ni Kanoa. "Siguro soloist ako after. Pangarap ko lang muna talagang makasama sa shoot si MC. After that, hindi ko pa rin alam."

Ara smiled and sat comfortably. "This is what I like about this profession. You have your freewill, but it's hard, too for some."

"Lalo kapag wala namang means. Iyong iba kapit na sa patalim dahil hindi naman malaki ang pera sa profession na 'to," dagdag ni Kanoa. "Reality, kailangan nating kumilos para sa sarili natin."

Ara agreed. She knew she was lucky to have a very supporting family. She didn't even have to work after graduation because her family was okay. Maybe one of the reasons why she didn't have plans yet.


-


Pagdating nila sa isang museum, walang tao. Kaagad na inilabas ni Kanoa ang camera at nasa likuran lang si Ara. Pinanonood niya itong kumuha ng pictures. Madalas na hihinto sa isang lugar, ise-set ang camera, titingin sa viewfinder, at maghahanap ulit ng bagong subject.

Ara, on the other hand, was just walking. Minsan siyang kumukuha ng picture, pero hindi seryoso. Kapag may nagustuhan siya, kukuhanan niya.

Nakatingin lang siya sa mismong screen ng camera, hindi sa viewfinder tulad ni Kanoa na parang mayroong perspective na hinahanap. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa screen at seryoso muling titingin sa view finder.

Nagpatuloy si Ara sa paglalakad at pumasok sa isang area ng museum na mayroong malaking painting at upuan. Maliwanag ang buong lugar dahil puti ang kulay ng pintura, maraming ilaw, at iilan lang ang tao.

Bilang na bilang pa nga.

Madali lang makuha ang mood ng museum at mukhang hindi naman nahirapan si Kanoa. Napag-usapan nila na ito na ang bahala sa mga video at images na gagamitin nila, siya naman sa research.

Inilabas ni Ara ang iPad para mag-type tungkol sa observation niya. Kung ano ang kulay ng paligid, kung ano ang posible na mood, at kung saang anggulo ang magandang gawing subject.

Seryoso siyang nagta-type nang tumabi sa kaniya si Kanoa. Nilingon niya ito nang marinig ang shutter at ang camera na nakatapat sa kaniya.

"Delete that, please?" Ara frowned.

Kanoa didn't say a word. Pinatay nito ang camera at dumiretso ng tingin sa malaking painting na nasa harapan nila.

"Ganda nitong lugar kapag trip mo lang mag-picture na walang plano," ani Kanoa. "Saan pala next natin? May suggestion ako. Trip mo bang magpunta sa mga park? Amusement park or children's park?"

Napaisip si Ara. "It's okay naman if for this one, pero hindi ako for rides. I'm not that adventurous," she chuckled.

"Isama ko na lang din sa listahan natin. Marami kang major?" tanong ni Kanoa.

Tumango si Ara. "I have five right now kaya I had to complete this sana, but it's okay. Since you're cooperating naman na and you volunteered to do the videos, all good na."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagsalubong ang kilay ni Kanoa.

"Maybe it's possible na there are times na hindi ako sasama sa locations?" Ara gazed at Kanoa at bit her lip. "M-Maybe you can do it? I'll do the research na."

Kanoa hissed. "Ang unfair naman. Dapat samahan mo 'ko. Ano, ako lang kukuha ng videos? Ang daya non."

Ara felt bad. "Y-You can do it naman, right?"

"Kaya ko, ako pa ba?" Kanoa gazed at her. "Mas maganda lang kapag kasama ka."


T H E X W H Y S

Making Every Second CountWhere stories live. Discover now