Ipinalibot ni Ara ang tingin sa kabuuan ng condo unit ni Kanoa. It was a studio type condo unit. Halos kasinglaki iyon ng condo niya at ang kaibahan lang, mayroong pader para sa kwarto ang sa kaniya.
First time niyang makapasok sa condo ni Kanoa. Biglaan lang din naman ang pagpunta niya dahil ayaw muna niyang umuwi sa sarili niyang condo. Galing siya sa dinner kasama ang kakambal at bestfriend niya.
Malinis ang buong unit ni Kanoa, pero madilim. Kahit pala sa interior, pinanindigan nito ang black, white, at gray.
Light gray ang pintura ng unit at halos kulay itim ang mga gamit. Naiba lang sa bedsheet, working table, at kurtinang kulay puti. Very masculine at hindi siya sanay dahil maliwanag naman ang sa kaniya.
Napalilibutan din ng LED lights ang working table ni Kanoa. Mayroong computer na may tatlong monitor, laptop na nasa gilid, mixer, at iba't ibang klaseng camera na nasa ibabaw ng lamesa.
Walang sofa o dining table kaya naupo siya office chair na pang-gamer. Kulay puti at itim din iyon.
Dumako naman ang tingin niya sa kama na nasa sahig kung saan mayroon pang isang laptop, box na puro wire, at isa pang utility box na may lamang mga SD cards at hard drives.
"Sorry, I'm here," ani Ara habang nakatingin kay Kanoa na naghihiwa ng cake na dala niya. "What are you doing?"
"Editing." Tinuro nito ang screen na nasa likuran niya. "For upload sa channel ko. May partnership kasi 'yan para sa isang brand kaya ni-rush ko. Tapos na rin naman, nire-review ko lang."
Ibinalik ni Ara ang tingin kay Kanoa. "Okay lang na I'm here?"
"Oo naman. Kung sinabi mong pupunta ka, sinundo na lang sana kita. May nangyari ba?" Lumapit ito sa kaniya hawak ang isang pinggan na mayroong dalawang slice ng cake.
Umiling si Ara.
Naningkit ang mga mata ni Kanoa at lumuhod sa harapan niya. Ibinaba nito ang gaming chair nainuupuan niya kaya halos magpantay ang mukha nilang dalawa.
"Kilala na kita," ngumiti si Kanoa at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha ni Ara. "Kung hindi mo sasabihin, ayos lang. Kung gusto mo nang umuwi, sabihan mo lang ako, ha? Ihahatid kita sa condo mo." Hinalikan siya nito sa gilid ng labi.
Ara nodded and slightly leaned downward to welcome Kanoa's kisses on her lips. She encircled her arms around his neck while their lips moved in sync.
Kanoa was the one who broke the kiss and stood up. Kinuha nito ang isa pang upuan at pumuwesto sa tabi niya. Pareho silang nakaharap sa computer ni Kanoa at pinanonood niya itong mag-edit.
Kinain din nilang dalawa ang cake habang tinuturuan siya ni Kanoa ng basic mixing at color grading. Hindi niya iyon forte, pero sisiw na lang ang lahat kay Kanoa.
Tumingin si Ara sa orasan. Hindi niya namalayang maghahatinggabi na. Hindi pa rin naman siya inaantok at nag-e-enjoy siya sa panonood kay Kanoa.
Nang ma-upload ang video sa channel, patagilid siyang niyakap ni Kanoa. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya at hinalikan pa.
"Inaantok na ikaw?" Hinaplos ni Ara ang pisngi ni Kanoa. "I'll go na."
"Hindi pa. Nagugutom ka ba? Puwede akong magpa-deliver ng pagkain. Wala akong stock dito, eh," anito na humiwalay sa kaniya.
Kumportableng sumandal si Ara sa gaming chair ni Kanoa. Tumayo ito at ipinatong ang dalawang kamay sa arm rest ng upuan habang nakatitig sa kaniya.
"Mag-order na lang ako ng midnight snack?" tanong ni Kanoa.
Ara nodded and smiled.
Kinuha ni Kanoa ang phone sa lamesa at nagsimula itong maghanap ng makakain nila online. Tumayo naman si Ara para magpunta sa balcony ng condo. Nasa gitnang floor ito at sapat para makita ang city lights sa lugar.
