90

4.7K 237 123
                                    

Ara caressed Kanoa's hair while he was on top of her, panting. His ears were on her chest as if listening to how fast her heart was beating and she was breathing hard, too.

"Hindi ba ikaw nahirapan sa astro?" tanong ni Ara at pumikit. "The city lights were a little distracting for the night sky."

"Sanay na ako," mahinang sabi ni Kanoa. "Kung tama naman 'yong setting, maganda pa rin ang kalalabasan."

Nilingon ni Ara ang digital clock ng hotel. It was almost four in the morning.

"Nagugutom ako," sabi ni Ara habang patuloy na sinusuklay ang buhok ni Kanoa. They were covered in sheets. The combined heat of their bodies were enough to make the cold morning comfortable.

Bahagyang bumangon si Kanoa at hinaplos ang buhok ni Ara. "Ano'ng gusto mong kainin? May nakita akong indian restaurant sa baba. Gusto mong i-try?"

"Okay." Ara caressed Kanoa's cheek. "Is it open kaya? It's four in the morning."

"Siguro." Bumango si Kanoa at inabot ang t-shirt nitong nasa gilid ng kama. "Hindi ko nakita kung 24 hours, eh. Check ko na lang. Kapag sarado, maghahanap na lang ako ng iba."

Ara nodded. Kanoa leaned to kiss her lips and covered her with a duvet.

Humikab si Ara pag-alis ni Kanoa. Inaantok na siya dahil wala pa silang matinong tulog. Uuwi na rin naman sila pagkatapos ng check out time. Weekend naman at malamang na sasaglit siya sa bahay ng parents niya.

Nasa kalagitnaan na rin sila ng semester. Magiging busy sila ni Kanoa sa mga susunod. Mas lalo na si Kanoa dahil sunod-sunod ang partnerships nito sa channel at iba pang social media platforms.

Sandaling ipinikit ni Ara ang mga mata niya nang marinig ang sunod-sunod na pag-ring ng phone ni Kanoa. Naiwan pala nito iyon sa bedside table.

Muli sana niyang ipipikit ang mga mata at hahayaan na lang nang mag-ring iyon. Hindi niya sinagot ngunit sunod-sunod ulit ang pagtunog. Paulit-ulit hanggang sa mapagdesisyonan niyang bumangon para sagutin.

Possible na emergency lalo na at galing sa isa sa mga kaibigan nitong Cocoy ang pangalan.

Hawak niya ang phone ni Kanoa at iniisip kung sasagutin ba niya. Isang ring pa ulit, sasagutin na niya iyon.

. . . at wala pang limang segundo, muli iyong nag-ring.

Bumangon si Ara at ipinantakip sa kahubaran niya ang kumot. Sinagot niya ang tawag at hindi pa man siya nagsasalita, sunod-sunod na ang pagtawag ng mga tao sa sa pangalan ni Kanoa. Pinapupunta ito sa isang party.

Maingay dahil sa sigawan, sa kanta, at malamang dahil sa kuwentuhan.

"Noa? Ano na? Nag-message na si MC, hindi ka raw nagre-reply! Awit ka naman. Sinabihan kong mag-hitch ka, ghosting ka!" sabi ng lalaki sa kabilang linya. Pasigaw ang pagkakasabi nito.

Magsasalita sana si Ara para sabihing wala si Kanoa nang marinig niya ang pangalan niya.

"Sabihin mo kahit hindi na siya manalo sa dare kay Ara, okay na 'yon!" sabi ng iba pang boses ng lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ara nang marinig ang sinabi nito. Nagpatuloy siya sa pakikinig. Nakatakip ng kamay niya ang bibig niya para hindi gumawa ng kahit na anong ingay.

"Oo nga. Hayaan mo na 'yong dare kay Ara. Mag-hitch ka na lang kay MC para hindi nakakahiya," natawa ang lalaki. "Olats ka pala, eh. Sisiw pala, ha? Hindi mo nakuha, 'no? Tangina ka, teka. Bukas na tayo mag-usap."

Nawala ang ingay sa kabilang linya ngunit nanatili ang phone sa tainga ni Ara. Takot siyang ibaba iyon lalo na at nangingig ang kamay niya.

Mali.

Making Every Second CountTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang