Ara decided to wear something comfortable for the concert. Sumama na rin siya dahil tapos naman na lahat ng assignments and commitments niya for the week. Sinundo na lang din siya ni Kanoa sa condo niya. 
She chose comfortable skinny jeans paired with a white shirt without print and her Chucks. Mukhang matagal silang tatayo sa concert kaya iyon na lang ang isinuot niya. 
"Gusto mo ba munang dumaan ng pagkain?" tanong ni Kanoa. 
Nilingon ni Ara si Kanoa na seryosong nakatingin sa daan. Tulad nang nakasanayan, itim na shirt, simpleng maong na pantalon, at chucks tulad niya. 
Tinawanan nila iyon noong nakaraang nagkita sila dahil pareho sila ng suot na sapatos. It was comfy. 
"They have booths naman, right?" Ara shrugged. "Maybe I'll choose na lang later sa grounds. Madalas ka ba sa university na 'yon?" 
Umiling si Kanoa. "Hindi naman. Doon kasi pumapasok 'yong bestfriend ko kaya nakakapunta ako. Open grounds din naman since public school and may events place talaga sila." 
Tumango si Ara. First time niyang pupunta roon kaya wala siyang idea. Tumunog ang phone niya at nag-message ang group chat nila ni Sayaka at Belle. Walang idea ang mga ito na umalis siya at malamang na ang alam, nasa condo siya. 
Hindi rin sanay ang pamilya niyang nasa labas pa siya sa hapon lalo na sa gabi. Her family knew that she would be home by five and six in the evening, max.
Lately, napapadalas ang uwi niya sa gabi. Safe naman siyang nakakauwi, pero hindi na siya nagsasabi sa family niya, lalo sa kakambal niya. It was for research and school so it was an exception. 
The entire drive, Ara noticed that Kanoa was quieter than usual. Madalas itong gumagawa ng conversation, pero hindi sa pagkakataong iyon. 
Palihim siyang sumusulyap dahil hindi siya sanay. Seryoso itong nakatingin sa daanan, hawak ang kanang kamay sa manebela, at nakapatong naman ang kaliwang siko sa may bintana. Mukhang malalim ang iniisip, pero hindi siya nagtanong. 
Tumingin siya sa orasan. It was almost a quarter after five. Sinabi ni Kanoa na six ang simula ng concert. She hated the crowd, but she would try, especially since they planned to shoot some for the night. 
"Are you into night photography?" Binasag na ni Ara ang nakabibinging katahimikan. 
Kanoa nodded and gazed at her. "Mas gusto ko ang night photography. Hindi naman kasi ako morning person," he uttered. 
Ara looked down. Bigla siyang na-guilty dahil maagang-maaga ang pagkikita nila sa tuwing inaayos nila ang tungkol sa research nila. Madalas niya itong nahuhuling naghihikab. 
"Don't worry, we're almost done na rin sa research," Ara smiled at Kanoa. "By then, you won't have to get up early na. I'm done na rin sa documentation and we might focus on the footage na lang sa susunod." 
They were at the red light and Kanoa looked at her. No words or even a response about what she said before looking away and starting to drive again. 
Para hindi mailang, nilingon ni Ara ang bintana. Nilaro niya ang strap ng bag niya para kahit paano ay hindi mailang. Nakatingin lang siya sa dinadaanan nila. Medyo traffic din at medyo malamig pa ang kotse ni Kanoa hanggang sa makapasok na sila sa isang malaking gate. 
Dumiretso sila sa open parking at inihinto ni Kanoa ang sasakyan sa tabi ng isa pang kulay dark green na kotse kung saan mayroong lalaking nakasandal. 
Ngumiti si Kanoa at tinanggal ang sariling seatbelt. "Tara? Bili na rin muna tayo ng pagkain bago tayo magpunta sa concert grounds." 
                                      
                                   
                                              
                                           
                                               
                                                  