70

4.7K 235 93
                                    

Bumangon si Ara mula sa pagkakahiga sa sofa at nagpunta sa banyo para mag-toothbrush nang ma-receive ang message ni Kanoa na nasa baba ito. Kagigising lang din niya at masakit na masakit pa rin ang ulo niya.

Hindi pa siya nakaliligo at aware siyang hindi maganda ang itsura niya sa kasalukuyan. Mapula ang ilong niya, namamaga ang mga mata niyang naniningkit pa nga dahil sa sakit ng ulo at allergies, magulo ang buhok niya, at malayo sa araw-araw na ayos niya.

Habang nakatitig sa salamin, naalala ni Ara ang pag-uusap nila ni Kanoa nang magpunta sila sa La Union.

Nakaupo sila sa may dalampasigan na pinanonood ang paglubog ng araw nang sabihin nitong may gusto ito sa kaniya na ikinagulat pa niya. Kahit na minsan, hindi niya iyon inasahan.

Pagkatapos mag-toothbrush, sinuklay ni Ara ang buhok niya. Inipitan niya iyon sa bun at medyo bumagsak pa nga ang ilang buhok sa mukha niya.

Muli siyang nakatanggap ng message mula kay Kanoa para itanong kung gusto ba niya ng kape para makabili sa coffee shop na nasa condo building din naman niya.

Imbes na mag-reply, tinawagan niya si Kanoa na magkita na lang sila sa mismong coffee shop.

Suot niya ang oversized hoodie ng university at satin pajama na pinangtulog pa niya. Kung sakali mang bawiin ni Kanoa ang sinabi nitong may gusto sa kaniya dahil sa itsura niya, maiintindihan niya.

Wallet at phone lang ang dala ni Ara at kaagad siyang dumiretso sa coffee shop. Walang masyadong tao kaya nakita niya kaagad si Kanoa sa pinakadulo. Nakapatong ang siko nito sa sariling tuhod at nakaharap sa phone.

Ara walked toward Kanoa who looked at her and immediately put his phone inside the pocket of his jacket.

Sa lamesa, nakita ni Ara ang paper bag.

"Hello." Ara waved and sat in front of Kanoa's seat. "Dapat hindi na ikaw nag-abala."

Kanoa stared at her. "Paos ka na rin. Uminom ka na ba ng gamot mo? Nag-lunch ka? Dinner na yata 'tong dala ko."

"I just woke up," Ara tried to smile and sniffed. "Galing ikaw sa school?"

Tumango si Kanoa at kumportableng sumandal. "Nakatulog ka ba nang maayos?"

"Slight." Ara shrugged. "How's school pala? What happened sa class? Did Ma'am Dela Merced said something?"

"Nag-quiz lang kanina and by partners. Sinabi kong may sakit ka kaya ako na tumapos," sabi ni Kanoa. "Sinong kasama mo sa taas? May kasama ka ba ngayong may sakit ka?"

Umiling si Ara at nag-cross arms. Medyo giniginaw rin kasi siya. "It's just me and I didn't tell anyone kasi they'll pick me up for sure," mahina siyang natawa. "I don't wanna go home, eh."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanila? Mas okay na 'yon kesa mag-isa ka," seryosong sabi ni Kanoa. "Hindi na rin ako magtatagal para makapag-rest ka. Bumili lang ako ng noodle sa Japanese restaurant na nadaanan ko."

"I still have the soup." Ara cleared her throat and drank some water. "You should go na rin para hindi na ikaw ma-traffic 'cos rush hour sucks around this area."

Hindi sumagot si Kanoa at seryoso lang itong nakatingin sa kaniya dahilan para makaramdam siya ng pagkailang. Malayo ang itsura niya sa nakasanayan nitong maayos siyang humaharap sa ibang tao.

"Hindi ka mukhang okay," ani Kanoa.

Mahinang natawa si Ara. "Not really, but I will be. If I won't be okay 'til tomorrow," naubo siya at uminom ng tubig. "I'll bring myself to the doctor na."

"Bakit hindi na lang ngayon?" Mahinahon ang pagkakasabi ni Kanoa. "May malapit na hospital dito sa area mo, 'di ba? Nadaanan ko kanina. Punta na lang tayo sa emergency room para maresetahan ka ng gamot. Iba kasi 'yang boses mo."

Making Every Second CountWhere stories live. Discover now