Epilogue

9.9K 399 380
                                    

Nang mag-break sa meeting, bumaba si Kanoa sa coffee shop na nasa ibaba ng building para bumili ng kape. Part time siya sa isang airline para gumawa ng ads dahil nagustuhan ng mga ito ang mga kuha niya, pero nasa meeting siya para naman sa gagawing music video ng isang sikat na banda. 

Nagugutom na rin siya at mukhang aabutin pa sila ng hapon dahil maraming plano ang kailangang tapusin.

Sa dalawang taon, hindi siya pumasok sa kahit na anong kumpanya para maging fulltime kahit na marami at malalaki ang offer sa kaniya. Ultimo movie production, minsang nag-reach out sa kaniya para sa isang indie film na tinanggihan din niya.

Kanoa wanted freedom.

Pinagpasalamat niyang walang masyadong tao sa cafè. Alas tres na rin ng hapon at malamang na gagabihin siya. Bumili siya ng double espresso, pero bumili rin ng frappe na hindi coffee-based. Ganoon naman ang naging routine niya.

Habang naghihintay ng order, pumunta si Kanoa sa section ng mga tumbler. Marami siyang tumblers at hindi naman niya iyon kailangan.

Sa kabilang shelf, naroon ang mga nakahilerang kape. Isa-isa niyang tiningnan ang mga iyon nagbabakasakaling may magustuhan siyang flavor nang makarinig nang pamilyar na boses.

Kaagad siyang lumingon para kumpirmahin kung tama ba ang narinig niya.

Si Ara nga.

"You're being a brat, ha? Your hair is a mess and you're being makulit," anito habang inaayos ang buhok ng isang batang may suot na dilaw na dress. "You want mikmik na?"

Nakapamulsang nakatingin si Kanoa kay Ara. Hindi niya alam kung paano ipoproseso ang nakikita dahil mahigit dalawang taon na niya itong hindi nakikita.

"I'm having a meeting, Andra," Ara happily said and kissed the toddler's cheek. "You're so bango talaga. You smell like marshmallow and you're too fluffy!"

Kanoa stood there unmoving when his eye met Ara's. Her eyes widened in shock and her lips parted a little.

Ara was about to say something when a couple said hi and sat where Ara was sitting. Mukhang ito ang ka-meeting ngunit nagsimulang umiyak ang batang hawak nito.

Kita niya ang pag-struggle ni Ara dahil nagpupumilit na bumaba ang bata mula sa pagkakaupo sa lap nito habang umiiyak.

"I'm really sorry," Ara apologized to the couple. "Wala kasi talaga akong mapag-iwanan sa kaniya an—"

Lumapit si Kanoa. "Ara, akin na muna siya," aniya at nilingon ang mag-asawang nakatingin sa kaniya. "Ako na muna. Wala naman akong gagawin pa, continue with the meeting."

"A-Are you sure?" Ara said in a pleading voice.

Kanoa gave Ara a subtle nod and took the baby girl.

Tama si Ara. Amoy marshmallow rin ang batang hawak niya tulad ng pabango ni Ara. Medyo umiiyak pa rin ito ngunit tumigil nang huminto sila sa glass wall para panoorin ang mga sasakyang dumadaan sa building.

Tinawag ang pangalan niya para sabihng okay na ang order niya. Iniwan niya iyon sa isang mataas na lamesa.

Nag-ring din ang phone niya dahil tinatawag na siya sa itaas, pero sinabi niyang mauna na munang wala siya dahil may ginagawa pa siya.

Nang ibaba ang tawag, tumingin siya sa batang hawak niya. Nakasuot ito ng maliliit na ribbon sa buhok na medyo may kahabaan na at habang nakatitig sa mukha nito, para siyang nakatingin sa maliit na version ni Ara.

Ibinalik niya ang tingin kay Ara na seryosong nakikipag-usap sa mag-asawang kaharap ngunit tumingin sa kaniya ng batang hawak niya. Mahina niya itong isinayaw nang magsimulang umiyak. Inabot naman sa kaniya ni Ara ang pacifier.

"We're almost done. I'm really sorry," Ara apologized.

Kanoa nodded. "Take your time."

Sa mahigit dalawang taon, si Ara pa rin naman. Ginawa na lang niyang busy ang sarili niya para kahit paano ay tumuon ang pansin niya sa ibang bagay. Nag-focus siya sa travel, videography, at pagkuha ng freelance clients.

Tuloy pa rin ang channel niya at halos iyon ang main source of income niya.

Paikot-ikot si Kanoa sa coffee shop at malamang na malamig na ang kape niya nang bigla na lang bumagsak ang ulo ng batang karga niya sa balikat niya at mukhang nakatulog.

Hindi siya nagkamali nang ihiga niya ito. Mahimbing na natutulog . . . at napangiti nang mapatitig sa maliit na mukha ng batang babae dahil para lang siyang nakatitig sa maliit na version ni Ara.

"Kanoa, all good na," Ara scraped her teeth on her lower lip. "I'm really sorry. Wala kasi akong mapag-iwanan sa kaniya and this meeting is important because the couple are getting married in a week and . . ."

Ara stopped talking.

"Wait, hindi ka naman siguro amoy cigarette, 'di ba? Sorry for being rude, but Andra's allergic kasi—"

"Parang ikaw," Kanoa chuckled. "Nag-quit na 'ko a year ago. No worries."

Ara nodded and smiled. "Good for you! So, can I take her na? We'll go home na rin. What are you doing here pala?"

"May client ako sa taas," sagot ni Kanoa. "Ilang taon na siya?"

Inaayos ni Ara ang bag ni Andra pati na ang stroller nang tumigil sa ginagawa at tumingin sa kaniya.

"One year and seven months," Ara breathed. "Anyway, it's nice seeing you again, Kanoa. We'll get going na rin 'cos Andra's fussy 'pag hindi nakaka-sleep nang maayos."

Kanoa looked at Andra before Ara. "It's nice seeing you, too."

Maingat niyang ibinaba ang bata sa stroller na agad niyakap ang unang naroon. Sinukbit naman ni Ara ang bag na may kalakihan ngunit kinuha niya iyon.

"Saan ka naka-park? Ihahatid na muna kita," pag-offer ni Kanoa.

"Sa basement parking kami," Ara smiled. "It's okay. Kaya ko naman. Sanay na 'ko."

"I insist."

Ara nodded and subtly observed Kanoa who looked different from before. The Kanoa in front of her looked professional but didn't lose the charm and the arrogance.

Tahimik silang naglakad papunta sa basement at nang makarating sa saskayan, si Kanoa ang nag-ayos kay Andra sa car seat. Ito na rin ang naglagay ng stroller sa trunk ng sasakyan ni Ara.

"Again, thank you." Ara smiled.

"Wala 'yon," Kanoa smiled back. "Puwede ba kitang i-message sa susunod?"

"Why?" Ara curiously asked.

Umiling si Kanoa. "Catch up," sagot niya at muling tiningnan si Andra na natutulog sa car seat.

Ara shrugged. "Sure. My number's still the same naman."

Kanoa nodded and gazed at Andra one last time. Base sa bilang, may kaba sa dibdib niya, pero hindi siya nagtanong. Natatakot siyang magtanong. Nagpaalam na siya at bago pa man makalayo, nilingon niya si Ara na pasakay sa driver's seat.

"Ara." Kanoa spoke. "Mahal pa rin."

Ara smiled and rolled her eyes. She stared at him and shook her head. "Unfortunately . . ." she breathed. "Same."


T H E X W H Y S

Making Every Second CountWhere stories live. Discover now