Chapter 12
"Sure ka talagang ayaw mong sumama?" ulit na tanong ni Stella ng pauwi na kami pagkatapos ng last subject namin.
"Maybe next time, guys. My Angkong and Ahma invited me for a dinner tonight, and I can't say no," sabi ko sa kanila.
After I said my goodbye, halos takbuhin ko na ang daan papunta sa parking lot. Magagahol na ako sa oras at hindi ako pwedeng ma-late sa dinner na 'to kahit sabihing biglaan pa ito.
Theo, on the other hand, will just meet me at the hotel. Ipinahanda ko na sa kaniya ang isusuot ko at mga gagamitin ko for this formal dinner.
Kung sa iba, normal na dinner lang ito sa kanilang grandparents, but not for me...not for us-the Lauchengco. Oras na maka-receive kami ng dinner invitation mula kina Angkong sa isang exclusive hotel, kailangan naming isantabi kung anuman ang ginagawa o inaasikaso namin gaano man 'yon ka-importante.
Paandarin ko na sana ang sasakyan nang makita kong papalapit si Doc Mav kasama si Ms. Megan. Magkakilala pala sila? And they seemed close. Nakalingkis pa sa braso ni Doc Mav 'yong bruha.
Bigla akong nakaramdam ng inis. Parang gusto ko pang bumaba ng sasakyan para paghiwalayin ang dalawa. Tch.
Napaismid ako at malakas na bumusina nang matapat sila sa akin. Bakit ba? Nakaharang, eh. Hindi ako makadaan.
"Hey! Nananadya ka ba?!" singhal ni Ms. Megan at hinampas ang sasakyan ko. Si Doc naman, as usual, she's wearing her cold look.
Kampante akong hindi nila ako makikilala dahil 'yong Jaguar ang dala ko saka tinted pa. Anyway, lalo kong inasar si Ms. Megan. Mabilis kong inabante ang sasakyan kahit nasa harapan ko pa ito, pero agad ko ring inihinto bago ko pa mahagip si Ms. Megan.
Napabunghalit pa ako ng tawa dahil natumba pa si Ms. Megan sa pagkukumahog na iwasan ang Jaguar. Akala mo naman sasagasaan ko talaga siya. Well, puwede naman. Kung wala siguro si Doc Mav ay baka tinuluyan ko na talaga 'to.
"You! Lumabas ka dyan!" galit na galit na sabi ni Ms. Megan at nakaduro pa sa akin matapos alalayang tumayo ni Doc Mav. Ito naman ay tahimik lang sa gilid pero ang talim ng tingin sa akin.
"Nah. I still have an important appointment to attend to," anas ko at binusinahan pa ito ng malakas. Then pinasibad ko na palayo ang sasakyan.
***
I chose to wear a red Mandarin collared dress and 3-inch stilettos for dinner. The design is simple yet elegant.
"You look beautiful, Ms. Hao," ani Theo habang isinusuot sa akin ang gold necklace.
"Thank you," sagot ko.
Pagkatapos ay tiningnan ko na ang kabuuan ko sa full size body mirror. Napangiti ako.
"Do you want me to take a picture of you?"
Hmm. Puwede, matagal-tagal na rin akong walang post sa socmed account ko.
"Sige," sabi ko.
Mayamaya pa'y iniabot na sa akin ni Theo ang pouch ko saka ang present ko for Angkong and Ahma.
"Ms. Hao, dumating na raw po ang inyong Angkong at Ahma, pati na rin ang ilang bisita," ani Theo matapos nitong ibaba ang phone. May communication ito sa mga assistant at bodyguard nila Angkong.
"Bisita? Isn't this dinner exclusive for the De Santiago-Lauchengco family only?"
Nagkibit-balikat si Theo. "Maybe they also invited some of their business partners."
"Alright then. Let's go. Ayoko silang paghintayin."
.
.

ESTÁS LEYENDO
The Devil in a White Coat (GL)
AcciónHaoran Lauchengco thought she was invincible. Ilang riot, gang war, o gulo na ang nasangkutan niya, at ilang assassination attempt na rin mula sa mga kalaban niya ang dinanas niya ngunit alinman sa mga ito ay walang nakapagpatumba sa kaniya. She rem...